MONSERRAT
Nagising ako sa isang tawanan. My head is throbbing and I can't even lift my arms.
Fuck!
I groaned when I remember what happened last night. Biglang may sumulpot na grupo ng mga lalaki sa kakahuyan. They grabbed Sage as they knock me out with a drug in a handkerchief. One of them hitted me with a bat.
Idinilat ko ang mata ko. Nakatali ang mga kamay at paa ko.
"Huwag ka namang magpatawa at baka magising sila!" Reklamo ng isang lalaki.
"Eh tanga ka kasi, natatawa ka na naman! Palibhasa talo sa pusta, tawa tawa na lang!"
Pinagmasadan ko ang paligid. We're in a truck. Punong puno ito ng mga gulay at ilang sako ng bigas.
Where's Sage?
Isang babae ang nakita kong nakagaspos sa aking tabi. At first, I thought she was Sage, but the clothes she's wearing told me that she's not her.
Sage isn't in a dress, she's wearing shorts.
Biglang sumama ang pakiramdam ko nang maalala na puro lalaki ang dumakip sa amin. What have they done to Sage? Did they do something on her?!
Umaandar ang truck at nararamdaman kong baku-bako ang daan. Ilang gulay ang nagbagsakan kaya naman lumapit sa gawi namin ang isang lalaki.
He threw a glance at me.
"Gising na ang isang to." Deklara niya sa mga kasama.
Three of the boys walk towards us. Tinignan niya ang babae sa tabi ko.
"Huwag mong gigisingin ang katabi mo!" Utos niya.
"Who are you?" Tanong ko sa mga ito. Nagkatinginan sila.
"Aba ay inglisero! Hoy, bawal dito ingles! No english, we, tagalog speak!" Ani ng isang nakakulay puti at may bimpo sa leeg.
Pinagmasdan ko sila at mga armado sila. Ang iba ay may mga itak sa likod, ang iba naman ay may mga bitbit na baril.
There's five of them. I can't fight on my own. I need some plan. Kung sana ay wala silang armas kayang kaya ko silang labanan. Now is too risky to fight.
"What are you planning to do on us?" Tanong ko muli. Napahilamos ang lalaking nakaputi sa kanyang mukha.
"Sinabi nang no english eh! Gusto mong makatikim!"
"Huy, tama na yan! Huwag mong patulan yan." Awat ng isang mapayat na lalaki.
Lumapit ang nakaputing lalaki sa aking harapan at pinantayan ang titig ko.
"Kung hindi kayo napadpad roon, wala sana kayo rito!" Asik nito. "Eh kaso dumating kayo! Kayo ang nagdala sa sarili niyo dito!" Bigla siyang tumawa. Tumayo ito at lumapit sa mga kasama niya.
"Anong gagawin natin sa kanila? Wala naman sa plano natin isama sila." Ani ng isang matabang nakadilaw.
"Pangdagdag pera din yan Jojo! Halata namang anak mayaman yan pati ang kasama niya. More hostage, more money!" Anito.
"Akala ko ba ay walang ingles!" Tawa ng isang nakaitim.
I gulped from what I heard. They're taking us as a hostage? What about this lady beside me? Siya lang ba talaga ang dapat nilang dadakipin?
Si Sage?
"Nasaan ang kasama ko?" Tanong ko sa kanila. Nagkatinginan muli sila.
"Oo nga pala noh, yung kasama mo?" Ngumiting nang-aasar ang lalaking nakaputi. Nagkamot ito ng ulo na tila walang alam. "Pano kung sabihin naming.... pinatay na siya?"
BINABASA MO ANG
When Playboy Meets The Odd
Romance1st. Sage is a girl described as a 'sociopath', meaning: antisocial, mentally odd, weird, bitch, crazy, or whatever you can describe her in your own words. On the other hand, Monserrat or Monsy for short, was the only person Sage can cling into as...