CHAPTER EIGHT

90 4 0
                                        


SAGE

We've been here for hours. Madilim na sa labas. Kanina ay pinakain nila kami. I don't even know how long we'll be stuck in this warehouse, but I wish we'll be found soon.

"Naiihi ako." I lifted my head to look at the girl who's talking to the person in charge of guarding us. Nakatayo siya sa  bakal na gate at hinihintay ang sagot ng lalaki.

"Tiisin mo!" Anito at tumalikod.

"Well do you want me to pee here?" Ani ng babae. What the hell?

"That's not going to happen!" Asik ko. Where the hell will I supposed to be kung dito siya iihi? Masangsang na nga ang amoy dito, dadagdag pa ang ihi niya sa amoy. For goodness, walang nakakaalam kung ilang araw kami dito at baka mamatay ako sa gutom dahil sa tuwing kakain kami ay ang panghi ng ihi niya ang maamoy ko.

O.M.G!

Taka namang nilingon kami ng lalaki. I rolled my eyes. This guy doesn't seem to understand us.

"Ang sabi ko, gusto mo bang dito ako umihi?" The girl translated.

The guy frowned and look at each of us.

"Ihing ihi na ako!" Sigaw ng babae.

Napakamot sa ulo ang lalaki at dinuro ang babae. "Huwag kang magtatangkang tumakas ha, kundi hindi ako magdadalawang isip na barilin ka!"

Napatigil ang babae sa narinig. Who wouldn't be afraid if our enemies have a lot of weapons while we are here with nothing but our bare self, nakatali pa?

The girl nodded. Tinawag naman ng lalaki ang isa pang kasama niya. They opened the gate at hinila ang babae na maluwag pa rin naman ang pagkakatali sa paa kagaya namin. I suddenly thought of action movies I've watched. Ito ang tamang oras para maghanap nang paraan para makatakas.

Tumayo ako. Napatingin naman silang lahat sa akin. I don't really know if the girl had some plan on her mind, maybe for herself, but I also want to do something, for all of us.

"Ikaw, ano namang kailangan mo?" Tanong ng lalaki. Dumating na rin ang kasama niya.

"Natatae ako." Banat ko. Nagsiyukuan naman ang mga kasama ko except kay Monsy na matalim ang tingin sa akin na parang alam ang babalakin ko.

The girl who wants to pee looked at me dumbfounded.

"Hindi kayo pwedeng sabay! Iisa lang ang banyo!" Ani ng lalaki.

"Then sasama ako. Hintayin ko siyang matapos." Sabi ko.

"Dito ka na lang maghintay, halika na!" Aniya at hinila palabas ang babae.

"Sasama na nga ako! Sobrang sakit na ng tiyan ko!" Arte ko at lumapit sa kanila. "Oh, I can feel it, lalabas na!" Pumilipit ako kunwari at napahawak sa aking puwitan.

They looked at me shocked. "Lalabas na! Hoo, hoo... pakiramdam ko tubig ang lalabas-" Horror filled their faces.

"Tangina halika na nga! Baka dyan ka pa abutan, ayaw namin maglinis ng dumi!" At doon ay hinila nila kami palabas.

Compare kanina, there are fewer men in the warehouse now. Ang iba ay kumakain di kalayuan. Ang iba ay nagsusugal.

I glance at the large boxes at the end of one hallway. What are those boxes?

Nilingon ko ang kasama ko at nagkatinginan kami tila iisa ang iniisip.

Smells smuggled. I bet they're drugs.

Hila-hila kami ng dalawang lalaki. Lumabas kami sa warehouse at dinala sa magubat na parte.

"Huwag kayong magtatangka, sinasabi ko sa inyo bala ang katapat niyo!" Banta ng lalaking matangkad.

When Playboy Meets The OddTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon