Isang masigabong palakpakan!
Hoo~
Okay, hindi ko akalain na matatapos ko ang story na to. First time kong nag-attempt na gumawa ng story na may maraming chapters at akala ko hindi ko kakayanin, pero heto, natapos ko!
Yes!
I am so thankful to God, kasi palagi kong pinagdadasal na sana makatapos ako ng isang story (alam niyo naman problemang amateur writer, walang natatapos na story) at heto na nga, pinalad naman na magtuloy-tuloy ang kasipagan.
Gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng nagbasa ng story na to at mga nagbabasa pa lang. Hindi ko alam kung nag-eexist ba kayo pero kung nag-eexist kayo, magparamdam naman kayo please. Haha, o diba parang multo lang.
Kakasimula ko pa lang sa account na to at nagsusulat ako ngayon kasi mataas talaga ang pangarap ko sa buhay. Kaya sana kung may nagbabasa talaga, please say some comments or vote, hindi niyo po alam kung gaano nakakapagbigay ng inspirasyon sa isang aspiring writer and mga ganitong reaksyon.
Alam kong masyado akong maraming sinasabi pero salamat kung binabasa mo ang note na ito ngayon. Pagpalain ka ni God!
Hanggang sa muli! Natapos ko man ang istorya na ito, makaaasa naman kayo na hindi ito ang huli! Marami pa akong storya na balak gawin!
Sana nagustuhan ninyo ang story ni Sage at Monsy!
Maraming salamat sa mga nagbasa! Muli, sana ay magparamdam kayo. O kailangan ko pa bang magspirit of the glass para maramdaman ko kayo? Haha. *peace*
Iyon lang naman. Walang humpay na salamat at hanggang sa muli!
- Seren, 2020
BINABASA MO ANG
When Playboy Meets The Odd
Storie d'amore1st. Sage is a girl described as a 'sociopath', meaning: antisocial, mentally odd, weird, bitch, crazy, or whatever you can describe her in your own words. On the other hand, Monserrat or Monsy for short, was the only person Sage can cling into as...