CHAPTER 1CHARIEE'S POV
Tahimik lang akong nakikinig sa usapan ng pamilya ko. Wala naman sana akong pakialam kung ano man ang pinag-uusapan nila, pero napapansin ko ng napapagawi ang tingin nila sa akin. Nakaramdam ako ng kaba at takot nang mapagtantong ang tingin nila ay parang kakaiba. Na para bang may kinalaman ito sa buhay ko.
Muli, habang nag-uusap ang mga magulang ko ay panay ang baling ng tingin nila sa 'kin.
“Daddy, seryoso ka ba sa pinaplano mo?” Napatingin ako kay Mommy. Nawala bigla ang tumatakbo sa isip ko dahil sa sinabi niya.
“Ngayon pa ba ako uurong, Mommy? Nakausap ko na ang bestfriend ko, pumayag na siya.”
“Ano'ng plano, Daddy?” Bigla na lang nagsalita si Charlie, isa sa mga kapatid ko.
“Gusto nilang ma-meet kayo, lalo ka na, Chariee.” Napatingin ako bigla kay Daddy. Sabi ko na nga ba may kinalaman sa 'kin ang pinag-uusapan nila.
Ewan ko ba, pagka-graduate ko ng highschool ay kung sinu-sino na lang ang nire-reto ng parents ko sa 'kin. Hindi naman ako pumayag. Pero ang weird lang talaga nila, bakit ako pa ang nire-reto eh hindi naman ako maganda. Nandiyan naman ang kakambal ko na mas maganda sa akin. Maputi, matangkad, sexy, at pang-beauty queen ang datingan. Samantalang ako, baduy kung manamit. Hindi rin naman kaputian katulad niya.
“Seryoso ka, Daddy, isasama natin si Chariee?” Hindi na lang ako nagsalita. Alam ko naman kung ano ang susunod niyang sasabihin.
“Bakit naman hindi, Cheriee?”
“Kasi naman, Mommy, nakakahiya kaya kasama si Chariee. So baduy, pangit pa.”
“Mas lalo naman sa 'yo, nakakahiya kang kasama. Mas gugustuhin ko pang kasama si Ate Chariee kaysa sa 'yo. Sama ng ugali mo, pangit pa,” sabi ni Charlie sabay tawa.
Napatingin ako bigla kay Charlie, ayan na naman siya para asarin si Cheriee na hindi rin magpapatalo.
“As if namang ang guwapo mo,” pabalang na sagot ni Cheriee kay Charlie. “Pangit ka rin.”
Tumawa si Charlie. “Problema mo?” Ramdam kong asar na asar na si Cheriee sa kaniya.
“Enough! Ayan na naman kayo. Makipagkita tayo sa kaibigan ko sa susunod na araw, ginagawa ko 'to para makilala rin si Chariee ng iba. Mabait naman sila.”
“Hindi naman na kailangan, Daddy. May mga kaibigan naman si Ate. Bakit pa kailangang pumunta doon?” Nakayuko lang ako habang nagsasalita si Charlie. May point naman kasi siya.
“Okay, fine! Basta ako ay nagsasabi nang maaga. 'Wag ka ng umiyak, ah,” baling nito sa akin. “Tanggapin mo na pangit ka.”
Sanay na ako sa panlalait ng kapatid ko. Hindi na lang ako nagsasalita, hinayaan ko na lang sila. Unang umalis si Cheriee na sinundan rin kaagad ni Charlie. Tahimik lang ako nang ako na lang ang natira kasama sina Mommy at Daddy.
Simula pagkabata ay sana'y naman ako na wala silang pakialam sa akin, hindi naman ako nagseselos sa kakambal ko. Alam ko namang mas paborito nila siya dahil bukod sa maganda ay malambing din ito sa kanila. Hindi ko naman kasi sila madalas na kinakausap, feeling ko kasi ay ayaw nila sa akin, tulad na lang ng mga tao sa paligid ko. Natatakot akong masaktan kaya umiiwas ako sa kanila.
Hindi porket lumalayo ako ay dahil sa ayaw ko na silang kasama. Gusto ko lang mabuhay sa sarili kong mga paa. 'Yong hindi kinukumpara sa iba.
BINABASA MO ANG
I Heart You ( Soon To Be Published Under Heart Of Book Publishing
RomanceI HEART YOU BY:@c_sweetlady Sina Daint at Chariee ay nagkakilala dahil sa kanilang mga magulang na pinilit silang pag-lapitin. Hindi lingid sa kanilang kaalaman ang plano ng kanilang mga magulang ang salitang kasalan. Kahit tuto...