Chapter 8

42 7 1
                                    

CHAPTER 8

CHARIEE'S POV

     “OMG!”

     Bigla akong nagising nang may narinig na sigaw. Sa gulat ko ay napatingin ako sa pintuan at bigla akong napabangon nang makita ko ang mga pagmumukha ng parents ko na seryosong nakatingin sa 'kin.

     Bigla akong may naalala. Napatingin ako sa katabi ko na tulog na tulog pa. Hindi ko na alam ang gagawin ko lalo na't seryoso pa ring nakatingin sa amin ang mga magulang ko. Ano'ng ginagawa nila rito? Nalintikan na!

     Hindi ako makagalaw nang lumapit si Mommy sa higaan. Doon lang ako natauhan ng gisingin niya si Daint na sobrang himbing ng tulog, habang ako ay nakayuko lang nang todo.

     Tinapik ni Mommy si Daint na kaagad ring nagising. Kung ako ay sobrang nagulat sa nangyari, siya ay mas naging triple ang pagkagulat. Bigla siyang napaupo nang maayos, nahihiya rin habang nakaharap sa parents ko.

     “Ano, Chariee?” seryosong tanong ni Mommy.

     “A-ano kasi, Mommy—”

     “Ano, baby?! At ikaw, Daint, ano'ng ginagawa mo sa k'warto ng anak ko? Anong ginawa ninyong dalawa?” Hala si Daddy ang dumi ng iniisip.

     Napalingon ako kay Daint para humihingi ng tulong, pero ang loko ay parang nakabawi na sa pagkagulat at ngayon ay relax na relax lang na nakatingin kay Daddy.

     “Ano, Daint? Ipapatawag ko na ba ang mga magulang mo para mapag-usapan ang nangyari?”

     Napatayo ako bigla. “Mommy, Daddy, mali po ang iniisip ninyo. Ganito po kasi ang nangya—”

     “Enough!” putol ni Daint sa paliwanag ko dapat.

     Napatingin ako sa kaniya nang masama. “Anong enough? I need to explain, Daint.”

     “Tama na 'yan. Mag-ayos na kayong dalawa dahil may pasok pa kayo,” sabi ni Daddy. “Chariee, sa bahay ka diretso mamayang uwian. At ikaw, Daint, sa bahay rin ang punta mo at dapat kasama mo ang mga magulang mo.”

     Napabuntong-hininga ako nang makalabas na ng k'warto sina Mommy at Daddy.

     “Hoy, ang lalim ha!”

     Inis na hinarap ko siya. “Bakit mo hinayaan sina Mommy na mag-isip ng gano'n? Ni hindi mo man lang ako pinagpaliwanag. May enough enough ka pang nalalaman.”

     “Sa tingin mo ba ay maniniwala sila sa ating dalawa gayong nakita nila tayong magkasama sa iisang k'warto?” seryoso niyang pahayag.

     “Eh, wala naman talaga tayong ginawa, ah?”

     “Sa mata nating dalawa, oo, dahil parehas nating alam na walang nangyari. Pero 'yong mga nakakita sa atin na nasa ganoong posisyon sa tingin mo ba ay paniniwalaan nila ang mga paliwanag natin? At isa pa, tayong dalawa lang din ang nandito sa iisang bahay. Nakuha mo ba?”

     “Hindi ko alam kung ano ang pinupunto mo. Kasalanan mo kasi! Naglalasing ka tapos idadamay mo pa ako sa gulo mo. Paano na 'to?”

     “Wala. Hindi ko alam. Sa tingin ko ay panindigan na lang natin ito. Tutal naman parang ito na rin ang hinahanap nilang butas para pagsamahin tayo.”

     “Ano?! Hahayaan mo lang na mangyari 'yon?” Hindi ko na napigilang mapalakas ang boses ko.

     “Eh, anong gagawin ko? Nakita na nila tayong magkasama sa iisang k'warto at magkatabi pang natulog.”

I Heart You ( Soon To Be Published Under Heart Of Book Publishing Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon