Chapter 3

53 7 0
                                    

CHAPTER 3

DAINT'S POV

     “Anong meron?” lapit ko kay Dave.

     “May bisita si Daddy, nasa labas. Bakit hindi ka pa nakabihis?” anito.

     “Bakit naman ako magbibihis?” takang tanong ko sa kaniya ngunit binigyan lang ako nito nang masama. Ang weird ng lokong 'to, may topak yata.

     “May lakad yata kayo.”

     Napakunot ang noo ko sa sinabi ng kapatid ko. Anong pinagsasabi nito? “Anong lakad ang sinasabi mo, Dave?”

     “Bahala ka sa buhay mo,” aniya sabay talikod sa akin. 

     Tangina ang loko tinalikuran ako. Lalabas na sana ako nang nakasalubong ko si Daddy, mas lalong nakakunot ang noo ko nang mapansing may mga nakasunod sa kaniya. 

     Pinasadahan ko ng tingin ang babaeng nakayuko. Habang nakatingin sa kaniya ay bigla kong naalala na siya pala 'yong babaeng ipinakilala ni Daddy sa amin tatlong buwan na ang nakalipas. Natawa ako pero hindi ko pinahalata. Nagkunwari akong nakasimangot habang nakatingin sa kaniya.

     “Bakit hindi ka pa nagbihis?” Biglang tanong ni Daddy kaya naputol ang paningin ko sa babae.

     “Bakit, Dad? Saan tayo pupunta?” tanong ko rito. 

     Napakunot-noo si Daddy. “Anong tayo? Kayo ni Chariee,” pahayag niya sabay turo sa babaeng hindi man lang makatingin sa akin. 

     “Kami?” turo ko sa sarili.

     “Oo. Kayong dalawa lang, Anak,” aniyang nginitian ako.

     “Ako ang tumawag sa kanila, birthday mo naman kaya mag-enjoy kayo.” 

     Hindi na ako nagsalita dahil sa binalita na sabi ni Daddy. Tangina, ano namang kalokohan itong ginawa ni Daddy? Akala ko ba nag-usap na kami? Gumagawa na naman siya ng bagay na hindi ko alam.

     “Sweety, 'bigay mo na ang gift mo sa kaniya.” Napatingin bigla sa akin ang babae bago bumaling ng tingin sa nagsasalita.

     “Daddy, naiwan ko po,” mahina niyang sambit na narinig ko naman.

     “Ah, gano'n ba.”

     “Sige po. Aalis na po kami,” paalam ko bigla sa lahat. Ewan ko ba kung bakit gusto ko siyang makilala. Na-guilty siguro ako last time no'ng huli naming pagkikita. May tatlong buwan na rin ang nakalipas at ngayon lang sila nakabalik dito.

     “Hindi ka pa nagbibihis, Anak.” 

     Nilingon ko lang si Daddy. “Hindi na po,” saad ko sabay hila sa babae. Hindi ko pa nga nalaman pangalan niya. Pagpasok namin sa sasakyan ko ay nilingon ko siya. “Saan tayo?”  sabi ko sa kan'ya. 

     Nakatingin lang din siya sa akin. “Hindi ko alam,” mahina niyang sambit.

     “Ano nga ulit ang pangalan mo, miss?” Hindi ko na napigilan itanong sa kaniya.

     “Chariee,” sagot niya na nasa gano'n pa ring kahina ang boses.

     “Gutom ka na ba?” tanong ko ulit. 

     “Ha?” Natatawa ako sa itsura niya. Nagugulat na lang siya bigla. Natawa ako nang bigla siyang humarap sa akin nang seryoso.

     “Hindi mo naman na kailangang magkunwari. Malayo na tayo sa kanila. Happy birthday nga pala,” sabi niya sa akin sa mababa ulit niyang boses. Naguluhan ako sa una niyang sinabi.

I Heart You ( Soon To Be Published Under Heart Of Book Publishing Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon