Chapter 13

27 7 0
                                    

CHAPTER 13

DAINT'S POV

     Simula ng mag-usap kami ni Chariee ay 'yon na ang huli naming pagkikita. Ramdam kong iniiwasan na niya talaga ako kahit sa school. Kung tatangkain kong lumapit sa kaniya ay kusa siyang dumidistansya. Sa tuwing pupuntahan ko naman siya sa kaniyang bahay ay lagi siyang wala. Palagi siyang nando'n kay Charlie. Para sa akin ay okay na rin 'yon, at least alam kong may kasama siya. Kampante ako na kahit wala man ako ay may pumoprotekta sa kaniya.

     Alam kong hindi ko na maibabalik pa ang tiwala niya sa akin dahil sa laki ng kasalanan ko sa kaniya. Ayaw niyang maging komplikado ang lahat. Ayaw niyang masira ako sa harap ng kaniyang pamilya. Gano'n siya kabait na tao... at hindi ako karapat dapat para sa kaniya.

     “Hoy, Bro! Kanina pa ako nagsasalita, ni hindi ka man lang sumasagot. Ano'ng nagyari sa 'yo? Lutang ka. Ang lalim, ah! Ano'ng iniisip mo? Isang linggo na lang kasal n'yo na ni Chariee, ah.”

     Doon lang ako natauhan sa sinabi ng kapatid ko. Tiningnan ko si Kuya Dannie nang seryoso.

     “Hoy, ano ba?! May problema ka ba? Bakit ganyan ang itsura mo? Napapadalas yata ang pananahimik mo. Nag-away ba kayo ni Chariee? Graduation n'yo ngayon kaya ngumiti ka naman diyan. Saan ba ang ganap n'yong dalawa mamaya after ng program?”

     “Hoy, ano 'yan?! Tumigil ka, Dannie,” saway ni Mommy sabay lapit nito sa amin.

     “Ito kasing paboritong n'yong anak, Ma, nag-e-emote,” nakasimangot na sumbong ni Kuya. Gagi, masasapak ko 'to.

     Seryosong napabaling ng tingin sa akin si Mommy. “Bakit, Anak, may problema ka ba?”

     “Wala naman, Mommy,” sabi ko na lang. “Tara na nga.”

     Pagdating namin sa University ay nakasalubong ko ang mga kaibigan ko.

     “Wow, guwapong-guwapo natin ngayon, ah,” ani Gary sabay akbay sa 'kin. Gagi, nagpakita rin ang mokong. Ilang araw rin namin 'tong hinagilap kung saan siya nagpunta.

     Hindi ko na sila pinansin. Nagulat na lang ako ng may lumapit sa akin at napatulala ako nang ilang segundo ng wala itong pakundungang niyakap ako. Mabuti na lang at hindi sila napag-abot ni Mommy dahil kapag nagkataon ay malaking gulo ito.

     Nakita ko si Chariee sa hindi kalayuan, nakatingin ito sa amin. Nagkatinginan kami sa mga mata. At wala pang isang segundo ay umiwas na siya ng tingin.

     “Congrats, babe!”

     “Bakit nandito ka? Wala bang nakakita sa 'yon?” seryosong sabi ko kay Abby. No'ng tiningnan ko ulit si Chariee sa kaniyang p'westo ay wala na siya.

     “Wala, hindi rin naman ako magtatagal. Gusto lang kitang batiin sa personal. Congrats, babe, I love you!” Tahimik lang ako. Hindi ko na alam kung ano ang nararamdaman ko dahil pareho kong ayaw silang mawala sa buhay ko.

     “Alis na ako, babes!” paalam ni Abby at tuluyan na nga ako nitong tinalikuran. Nang makaalis siya ay natulala na naman ako sa kawalan.

     “Kayo pa rin pala hanggang ngayon?” Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Dave. Kasama niya si Kring at Roi na seryoso ring mga nakatingin sa akin.

     “Tangina mo, Kuya Daint!” mahina ngunit madiin niyang bitaw ng salita sa akin. “Wala ka bang konsensiya? May tao kang nasasaktan! Makasarili ka!” Wala akong ibang nagawa kun'di ang tumahimik lang at tanggapin ang mga masasakit niyang salita.

I Heart You ( Soon To Be Published Under Heart Of Book Publishing Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon