Chapter 16

28 7 0
                                    

CHAPTER 16

CHARIEE'S POV

     “Ang ganda naman ng baby namin,” pagpupuri ni Mommy sabay yakap nilang dalawa ni Daddy sa akin.

     Si Cheriee, alam kong napilitan lang siyang umuwi para sa kasal ko. Ewan ko kung ano ang ginawa ni Daddy para mapauwi siya rito. Hindi ko rin naman in-expect na na pupunta siya dahil tinawagan ko siya noong nakaraan pero hindi niya sinasagot ang mga tawag ko. Kahit nga ang mga kaibigan ko ay inimbitahan ko, pero ayon nga lang ay wala sila ngayon dahil ngayon rin ang alis nila papuntang Palawan. Sila kasi ang napili ng company nila para sa isang project at sila ang hahawak. Hindi na lang ako nagtanong pa, okay lang naman sa akin dahil mahalaga sa kanila ang kanilang mga trabaho.

     “Tara na, malalate na tayo,” sabi ng kakambal ko. Nasa iisang sasakyan lang kami papuntang simbahan. Parang kinakabahan ako. Hindi ko malaman kung ano itong nararamdaman ko. Sobrang bilis kaso ng tibok ng puso ko. 

     “Nandito na tayo,” sabi ni Mommy sa akin. Ngumiti lang ako habang inaalalayan nila ako pababa sa sasakyan. Nang tuluyang makababa ay napatingin ang lahat ng mga tao sa loob at labas ng simbahan sa akin. Napakunot ang noo ko sa itsura nila. Parang may kakaiba. Parang may mali.

     Will he choose her?

     “Wala pa ba siya?” Narinig ko ang sabi ng Mommy ni Daint. Napailing 'yong babaeng kausap niya. Doon na ako kinutuban. Tahimik lang akong nakatingin sa kanila nang patakbong lumapit si Roi at Kring sa akin na kakababa pa lang sa kaniya-kaniyang kotse. Napatingin silang dalawa sa akin. Ramdam ko pa ang pagkakahingal nila, lalo na si Roi.

     “Chariee,” aniya. Huminga muna ito ng mamalim bago nagpatuloy sa pagsasalita. “Hindi na matutuloy ang kasal n'yo ni Daint. Kakaalis lang niya. Sumama siya sa girlfriend niya. Pipigilan sana namin siya ni Kring pero nahuli kami ng dating.”

     Kahit na alam ko ng mangyayari ang eksena sa araw na 'to ay nakaramdam pa rin ako ng panghihina. So, he really choose her over me.

     Nasalo ako ni Roi. Napalapit sa amin ang kakambal kong si Cheriee. “Ano'ng nangyari?” aniya na mukhang nakuha na rin na parang may ibang nangyari.

     Hindi ako makatingin sa kaniya. Naiiyak na lang ako at napayuko. Huminga ako nang malalim at pasimpleng pinunasan ang luha ko bago ako naglakas ng loob na harapin ang lahat ng mga tao. “Hindi na po matutuloy ang kasal,” anunsiyo ko sa lahat.

     “What?!” sabay-sabay na reaksiyon nila.

     “Teka, pakiulit nga ang sinabi mo, Anak?” Nakita ko sa mukha ni Daddy ang galit bago binalingan ng tingin ang mga magulang ni Daint.

     “Hindi na po tuloy ang kasalan, Daddy. Sumama na po si Daint sa girlfriend niya,” mahina kong usal.

     “Tangina!” sigaw ni Dad. “Alam n'yo ba ito?” baling niya sa pamilya ni Daint.

     “Daddy, wala pong alam sina Tita. Nag-usap na po kami ni Daint tungkol dito. Na sa oras na nandito siya sa araw na 'to ay ako ang pinila, pero kung wala, doon siya sa totoong taong mahal niya.”

     “What?! Isa kang bobó!” sigaw ni Cheriee. “Nagpapakatanga ka sa lalaki na 'yon. 'Yan na nga ba ang sinasabi ko, eh!”

     “Tangina, 'wag lang magpapakita sa aking ang gago na 'yon!” rinig kong saad rin ni Charlie. Napuno ng usap-usapan ang paligid. Ang ibang mga bisita at unti-unti na ring umaalis.

     “Balae, sorry, hindi namin ala—”

     “Gago pala 'yang anak n'yo, eh! Pasensiyahan na lang tayo. Kahit na magkaibigan tayo ay hindi ko kayo mapapatawad dahil sa ginawa ng anak ninyo!”

I Heart You ( Soon To Be Published Under Heart Of Book Publishing Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon