Chapter 11

27 7 0
                                    

CHAPTER 11

CHARIEE' S POV

     Simula nang aminin ni Daint ang feelings niya sa akin, noong una ay iniiwasan ko siya, ayaw kong mapalapit sa kaniya dahil sa simula pa lang ay alam kong may mahal siyang iba. Pero hindi pa rin siya sumusuko. Tatlong taon pa siyang nanligaw hanggang umabot sa punto na sinagot ko na siya nang makita kong seryoso naman siya sa akin.

     Mag-iisang taon na kami ngayon. Palihim lang ang relasyon naming dalawa dahil ayaw kong malaman ng iba. Na ayaw kong pagtawanan ako ng mga kaibigan niya. Tanging si Roi at Kring lang ang nakakaalam, laking gulat ko pa nang malaman ko ring tropa din pala nila si Kring.

     Unti-unting napalapit din ang loob ko kay Kring. Mabait siyang tao. Marami kaming magkapareho, ang mga pang-aasar namin sa kapatid ko na dito rin pala mag-aaral sa Daint Jaint University. Akalain mong Architect pala ang kukuhaning kurso.

     Malapit na rin kaming magkapagtapos sa Civil Engineering naming kurso. Sa ilang taon naming magkasama ay nakilala ko na si Daint. Iyong mga kakulitan niya, pang-aasar sa akin, at iyong mas lalo akong na-inlove sa kaniya iyong pinaramdan niya sa akin na kahit ganito ako ay minahal niya ako nang totoo.

     “Babes,” tawag ko sa kaniya. Iyon ang tawagan namin simula no'ng mag-on kami.

     Bigla siyang nagulat na parang nakakita ng multo. “Hindi ka pa ba uuwi?” dagdag ko.

     “Ah, mamaya pa. May lakad kasi kami ng mga kaibigan ko. Mauna ka na, babes,” sabi niya.

     Ako naman ay umalis na rin dahil wala naman akong gagawin. Hindi naman ako katulad ng iba na hinahadlangan kung saan pumupunta ang mga boyfriend nila. Nakasalubong ko si Kring sa paglalakad ko.

     “Saan ang lakad mo?” tanong nito sa 'kin.

     “Uuwi na. Ikaw?” 

     Nagulat sa sinabi ko. “Hindi ka sasama sa amin?” seryoso niyang sabi.

     “Hindi na. Sige na mauna na ako. May bibilhin pa pala ako,” sabi ko sa kaniya dahil naalala kong wala na pa lang laman ang refrigerator ko. Madalas kasing nakikikain ang kapatid ko doon sa bahay. Sabi ko pa nga na doon na lang din siya tumira pero ayaw rin naman niya, at ayon ang loko nagpabili ng sariling bahay malapit kay Kring dahil pinopormahan pala niya, kaya itong si Kring ay laging nagtatago si sa kaniya.

     Pumunta ako pinakamalapit na mall. Naisipan kong malakad-lakad muna dahil maaga pa naman kapag umuwi sa bahay.

     Ang dami na ring nagbago sa akin. Hindi na ako baduy manamit. Dahil sa tulong ni Kring ay unti-unti ko nang inayos ang sarili ko. Siguro dahil ito sa love. Parang magic talaga ang love. Magagawa mo ang mga bagay na imposible mong gawin noon.

     Hindi na ako manang ngayon, pero siyempre isinusuot ko pa rin naman paminsan-minsan ang mga luma kong damit kapag nasa bahay lang ako.

     Napatingin ako sa cellphone ko nang may nag-text. Do'n ko lang napansin na 6:00 pm na pala. Naglalakad ako nang may narinig akong nagkakagulo. At do'n ako napanghinaan ng loob nang makita kong may lalaking kinakaladkad ang isang magandang babae, hanggang sa naramdaman kong may nakatutok na rin sa aking baril. Doon na ako natakot nang sobra.

     “Dapa!” sigaw ng isang lalaki. Lahat ng tao sa mall ay napadapa maliban sa aming dalawa no'ng babaeng nabanggit ko kanina. May nakatutok rin sa kaniyang baril. Napansin kong nanginginig ang kamay niya habang nakatitig sa akin.

     “Labas!” sabi no'ng isang lalaki na panay ang salita. Mukhang siya ang lider. Ito namang lalaking may hawak na baril na nakatutok sa akin ay napansin kong sumunod naman sa utos hanggang sa makarating kami sa labas ng mall. Nang tuluyan kaming makalabas ay bumungad sa aming harapan ang maraming Pulis na nakaantabay sa paligid at mangilan-ngilan ding mga tao na naki-usyuso.

I Heart You ( Soon To Be Published Under Heart Of Book Publishing Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon