Chapter 21

25 7 0
                                    

CHAPTER 21

DAINT'S POV

     Araw-araw ko siyang dinadalaw sa bahay niya. Kahit na nakukulitan na siya ay nagpapatuloy pa rin ako, hindi sumusuko. Ramdam ko na iniiwasan niya ako simula ng aminin ko sa kaniya ang lahat. Alam ko namang hindi madaling tanggapin ang nagawa ko kahit na sinabi niya pang tama ang naging desisyon ko. Alam kong labis siyang nasaktan dahil doon, hindi man niya sabihin ngunit nakikita ko sa mga mata niya. Lagi ko na lang siyang nasasaktan kaya pagkakataon ko na ito na bumawi sa kaniya at hindi ko na siya bibitawan kahit pa na alam ko na may Chef na siya sa buhay niya. Gagawin ko ang lahat para ako pa rin ang pipiliin niya sa huli. Ramdam ko na mahal niya ako kaya hindi ako basta-bastang susuko. Minsan na akong nagkamali, sa pagkakataon na ito kahit na ilang taon niya akong ipagtabuyan, tatanggapin ko hanggang umabot sa puntong kusa na niyang sabihin na mahal niya ako. Ganyan naman ang pagmamahal, 'di ba? Kailangang paghirapan mo muna bago mo makuha ang matamis na oo galing sa taong mahal mo.

     Napatigil ako bigla sa pag-iisip nang mapansin kong nakatingin siya sa akin nang seryoso.

     “Hi!” nakangiting bati ko sa kaniya. Mukhang ginabi siya ng uwi. Napasimangot siyang humarap sa akin.

     “Bakit ba nandito ka na naman? Wala ka bang ibang ginagawa?” sabi niya sa akin.

     “Meron naman. Pero dahil nandito ka sa puso ko, parang gusto kong magmadali sa mga gawain ko para makasama ka lang,” sabi ko sa kaniya ng nakangiti.

     “Tigilan mo ako sa mga banat mo.”

     “Bakit? Kinikilig ka ba?”

     “Hindi! Dahil hindi mo ako madadala sa paganyan-ganyan mo,” aniya sabay akong tinalikuran. Papasok na siya sa bahay niya nang hawakan ko ang kamay niya. Hinarap niya ako ulit nang nakakunot ang noo. “Ano?!”

     Napangiti na lang ako sabay hila sa kaniya papunta sa tapat, sa bahay ko. Ngayon ko lang siya madadala dito.

     “Oh, teka lang, ah! Ayaw kong pumasok diyan sa bahay mo.”

     “Bakit?” seryoso kong tanong.

     “Anong bakit? Naku! Baka bigla na lang sumulpot ang pamilya mo at mabigyan na naman tayo ng meaning,” dire-diretso niyang pahayag na ikinatawa ko. 'Yong pala ang iniisip niya. Minsan kasi ang weird ng pamilya niya, bigla-bigla na lang sumusulpot sa harapan namin. Minsan naiisip ko na nga na hindi kaya ay binabantayan nila ang bawat galaw namin kapag magkasama kami?

     “Eh, okay lang naman 'yon. Sa kasalan naman ang bagsak natin,” sabi ko sa kaniya.

     “Assuming ka rin, 'no?”

     “Oo, dahil ramdam ko naman na mahal mo pa ako.”

     “Wow! Ang lakas naman na apog mo,” saad niya sabay talikod sa akin. Hinabol ko ulit siya.

     “Please?”

     “Okay, fine! Pero hindi ako magtatagal.”

     Sa sobrang tuwa ko nang pumayag siya ay niyakap ko siya bigla. Kaagad ko na rin siyang hinila sa tapat ng bahay ko bago pa man magbago ang isip niya. Bago kami tuluyang pumasok sa loob ay piniringan ko muna siya. Mabuti na lang at hindi siya nag-reklamo. At nang makapasok na kami ay nagbilang muna ako bago tuluyang inalis ang piring sa kaniyang mga mata. Nakita ko sa kaniyang mata na hindi makapaniwala sa nakikita niya. Dahil alam kong sa ilang buwan naming magkasama noon ay ngayon ko lang siya nagawang i-surprise.

I Heart You ( Soon To Be Published Under Heart Of Book Publishing Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon