Chapter 7

40 7 0
                                    

CHAPTER 7

DAINT'S POV

     Maaga akong nagising, mabuti na lang walang mga asungot na dumating. Simula kasi no'ng ginulo nila ang pagtulog ko ay napilitan na akong mag-lock. Mga gago kasi, istorbo na nga, inuubos pa ang mga pagkain ko.

     Gagi, gutom na ako. Napahilamos ako sa mukha nang maalalang wala na nga pala talagang stock ang refrigerator ko. Mga mokong na 'yon talaga!

     Maaga pa naman kung papasok na sa University, ala singko pa lang, kaya napagdesisyonan kong sa labas na lang kakain. Magsasarado pa lang sana ako sa gate nang mapatingin ako sa kabilang bahay na katapat lang nitong bahay ko. May bagong lipat pala?

     Naglalakad lang ako dahil noong nakaraan ay may nakita akong kainan na malapit lang dito. Bumili ako ng sopas. Pinadamihan ko ng sabaw dahil masarap ang pagkakatipla nila dito. Pagkatapos kong kumain ay naglakad ulit ako pauwi. Napapatingin ako sa paligid habang humahakbang. At hindi ko akalaing may park pala dito. Ngayon ko lang ito napansin. Sa tagal kong nandito sa lugar na 'to ay ngayon lang kasi ako nakagala na hindi nakasakay sa kotse. Minsan nga'y maaya ang mga mokong dito para hindi na sila do'n sa bahay tumatambay.

     Pagdating ko sa tapat ng bahay ko ay napatingin ulit ako sa katapat na bahay. Na-curious ako kung sino ang bagong lipat. Tumawid ako sa kabilang kalsada at walang alinlangang pinindot ang doorbell.

     Nakailang pindot na ako ngunit wala pa ring nagbubukas ng gate. Patalikod na sana ako nang makarinig ako ng boses. Natigilan ako ng maging pamilyar ito sa aking pandinig. Nag-slow motion akong pumihit paharap ulit sa gate ng bagong lipat at gano'n na lang ang pagkagulat namin nang makita ang isa't-isa.

     “Ah, h-hi!” bati ko sa kaniya na tahimik lang akong tinitingnan. “Na-miss kita.”

     “B-bakit ka nandito?” tanong niya sa 'kin. Natawa ako sa reaksiyon niya. Akala mo'y ini-stalk ko siya.

     “Ako nga dapat ang magtanong sa 'yo niyan. Bakit nandito ka?”

     “Ah, kasi dito ako nakatira? Eh, ikaw?”

     “Diyan lang din sa tapat ang bahay ko,” saad ko sabay turo sa kabila.

     “Diyan ka nakatira?” paniniguro niya.

     “Oo,” pag-amin ko sabay ngiti sa kaniya. “Hmm, p'wede bang pumasok?”

     Nakita kong nagdadalawang-isip siya ngunit nilakihan niya nang kaunti ang bukas ng gate, senyales na pinapayagan niya akong pumasok.

     Nang makapasok ay napapatingin ako sa buong bahay. Ang cute ng design, halos puro pink ang kulay. Ang dami ring mga nakasabit sa dingding na puro mga bulaklak na ang ganda ng pagkaka-pinta. Nakasunod lang ako sa kaniya hanggang napunta kami sa kusina. Tahimik lang si Chariee habang naghahanda ng pagkain.

     “Wow! Ang sarap naman niyan,” bulalas ko sabay upo.

     “Hoy, akin 'yan! Hindi 'yan sa 'yo.”

     “Eh? Nasaan 'yong akin?” biro ko sa kaniya sabay paawa effect.

     “Wala. Iyan lang naluto ko, eh.” Napatingin ulit ako sa pagkain niya. Nakonsensiya naman ako, kakakain ko pa lang din naman.

     “Sige na, umupo ka na. Busog pa naman talaga ako.”

     “Oh siya, huwag ka ng umalis. Sige na, hati na lang tayo rito. Nakakahiya naman sa 'yo, pinapapasok pa kita tapos wala akong maibigay sa 'yong pagkain,” pigil niya sa 'kin.

I Heart You ( Soon To Be Published Under Heart Of Book Publishing Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon