Chapter 30

49 7 1
                                    

       

CHAPTER 30

CHARIEE'S POV

     “Congrats, kambal!” bati ni Cheriee sabay yakap sa akin. Napatingin ako sa kaniya at ngumiti. Kung alam lang niya, hindi lang ako ang magiging masaya sa araw na ito.

     Ngayon araw na kasi magpo-propose si Jay sa kanya dahil ngayong araw na rin ang kasal namin ni Daint. Sobra akong excited, hindi lang para sa amin ni Daint kun'di pati na rin sa kakambal ko. Ang suwerte niya dahil nakahanap siya ng taong mamahalin siya kahit pa mataray siya minsan.

     “Ang OA n'yong dalawa. Pasama nga!” pagmamaktol ni Charlie sabay lapit sa amin.

     “Ba't nandito ka?” pagmamataray namang sabi ni Cheriee.

     “Bakit? Bawal ba?”

     “Oo! Nakasisira ka ng moment namin ni kambal.”

     “Ang sabihin mo, naiinggit ka,” panunukso ni Charlie. Nakita kong nag-iba ang mukha ni Cheriee. Mukhang napikon siya sa tinuran ng bunso naming kapatid. Ito kasing si Charlie todo kung makapag-asar.

     “Bakit ikaw?! Hindi ka pa rin naman kasal, ah? Ang sabihin mo ikaw 'yong inggit.”

     “Sa pagkakaalam ko ako ang bunso rito. Kaya ikaw dapat ang mauna sa ating dalawa.”

     “Oo nga, 'no? Teka, bakit si kambal ang unang ikakasal samantalang ako naman ang unang nilabas ni Mommy?” seryosong saad ni Cheriee.

     “Teka nga! Magrereklamo muna ako na itigil ang kasal,” dagdag niya pa sabay labas nito sa kuwarto ko. Nagtatawanan kami ni Charlie sa kalokohang inasal ni kambal.

     “Lagot ka, Ate Chariee, mukhang sa pangalawang pagkakataon hindi na naman matutuloy ang kasal mo,” biro naman ni Charlie sa akin sabay tawa.

     Bigla akong natahimik sa sinabi niya. Tumigil din naman siya sa katatawa nang makuha kung bakit biglang nagbago ang timpla ko.

     “'Wag kang mag-alala, Ate Chariee, tuloy ang kasal mo. Sa pagkakataong ito sinisiguro kong hindi na siya tatakas ulit. Ang dami naming mata kay Kuya Daint. Gagi, subukan lang niya, ipapaanod ko siya sa dagat,” seryosong pahayag nito.

     Niyakap ko si Charlie nang mahigpit. “Thank you sa lahat, Bunso.”

     “Ano ka ba, Ate! 'Wag ka ngang umiyak, kasal mo ngayon, masisira 'yang makeup mo,” saway nito sa akin. “Tara na nga,” saka niya ako inalalayan palabas.

     Napasunod na lang ako sa kanya. At nang tuluyan na kaming nakalabas sa kuwarto ay nilapitan kaagad ako ni Mommy at Daddy saka ako niyakap.

     “Mommy, Daddy, ang unfair n'yo. Ako dapat ang maunang ikasal,” pagmamaktol ni Cheriee sa mga ito.

     “Paano ka mauuna? Hindi pa nga nag-propose sa 'yo si Jay. Kanino ka naman magpapakasal?” pabalang namang sagot ni Mommy kay Cheriee na natahimik.

     “Siya yata, Mommy, ang magpo-propose,” hirit na naman ni Charlie.

     “Tigilan mo ako, Bunso. Masasapak na talaga kita,” pikon namang saad ni Cheriee. Mukhang sineryoso ang pang-aasar sa kaniya ni Charlie.

     “Ano? Aalis na ba tayo o mag-uusap na lang dito?” Napatingin ako kay Daddy na napapailing sa mga kalokohan ng dalawa niyang anak. 

     Inaalalayan ako ni Charlie palabas ng bahay hanggang sa makasakay kami sa kotse. Magkasama kaming tatlo nina Cheriee sa iisang sasakyan at siya ang magda-drive. Convoy na lang daw kami nina Mommy't Daddy na nasa kabilang kotse. Habang nasa b'yahe papuntang simbahan ay hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko, para akong kinakabahan na may halong takot.

I Heart You ( Soon To Be Published Under Heart Of Book Publishing Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon