Chapter 24

19 7 0
                                    

CHAPTER 24

CHARLIE'S POV

     “Relax lang, bha!” Napaupo ako dahil sa inis. Tangina, tatlong araw na naming hindi nakikita si Ate. Paano ako makaka-relax?

     “Mahahanap din natin si Chariee at si Daint,” mahina niyang usal. Tumabi siya sa akin at inalo ako.

     “Paano?” Napatayo ulit ako. Hindi ako mapakali. Kung saan-saan ko na hinahanap si Ate pero hindi pa rin namin siya mahanap.

     “Paano ako magre-relax, Kring, kung tanging cellphone lang ang naabutan ko sa labas ng bahay niya? Imbes na siya ang masu-surprise sa pag-uwi mo, tangina, ito pa ang naabutan natin. Gago kasi! Bakit hindi man lang humingi ng tulong si Kuya Daint. Dinamay pa ang kapatid ko!”

     Niyakap ako ni Kring kaya natigil ako sa pabalik-balik na paglalakad. “Lahat naman tayo nahihirapan dito, hindi lang ikaw!” sabi niya sa akin. 

     Inilayo ko siya nang kaunti sa akin. Seryoso ko siyang tiningnan. “Hindi n'yo ako naintindihan, Kring. Ate ko 'yon, Kring! Paano ako kakalma? Tangina, 'wag lang nilang saktan ang Ate ko, kahit saan pa sila magtago hahanapin ko sila at wala akong ititira kahit na sino.” Natahimik kaming pareho pagkatapos kong bitawan ang mga salitang 'yon... nang biglang tumunog ang cellphone ko. Dali-dali ko itong sinagot, hindi na tiningnan kung sino ang tumawag.

     “Hello?”

     “Bro! Nahanap na namin si Chariee!”

     Napabuga ako nang malaki dahil sa narinig ko. Walang mapagsidlan ang tuwa ko dahil sa magandang balita. Sa wakas, nahanap na rin ang Ate Chariee ko.

     “Totoo ba 'yan, Ate Cheriee? Nasaan ka?”

     “Malapit na kami sa Batangas,” sabi niya na ikinagulat ko.

     “Ano?! Batangas?” pagkukumpirma ko.

     “Oo, Bro, sa Batangas. May nakakita kina Chariee at Daint na walang malay sa loob nang maliit na bangka.”

     Bigla kong nabitawan ang cellphone ko kaya nahulog ito. Paanong natagpuang walang malay sina Ate? Ano'ng nangyari?

     Napahawak si Kring sa balikat ko. “Ano'ng nangyari? Bakit daw?” nag-aalalang tanong ni Kring. Naiiyak akong tumingin sa mga mata niya. “Bakit?”

     Hindi ko siya pinansin. Nagmamadali akong tumayo at palabas na sana ng bahay nang pigilan ako ni Kring. “Ano ba, Charlie?! Ano'ng nangyayari?” hiyaw niya nang hindi makakuha ng sagot ko.

     “Sasama ka ba o magtatanong lang?” sabi ko rin sa kaniya na sinamaan din ako kaagad ng tingin.

     “Sasama ako sa 'yo,” sabi niya.

     Humakbang ako palabas ng bahay, sumunod din naman siya kaagad sa akin. “Saan tayo?” tanong niya ulit habang nagda-drive ako papuntang Batangas. Do'n ko lang din napansing hindi ko dala ang cellphone ko dahil nabitawan ko pala 'yon kanina.

     Nilingon ko si Kring. “Ano?!” mataray niyang sabi.

     “Dala mo ba ang cellphone mo?”

     “Oo.”

     “Puwede ko bang mahiram saglit?” mahinahon kong tanong. Binigay naman niya sa akin ang cellphone niya nang walang pag-aalinlangan. Tinawagan ko si Ate Cheriee at inalam ko kung saang lugar sila.

     Mabilis akong nag-drive papuntang ospital habang si Kring ay nakikinig lang sa usapan namin. Hindi na siya nagtanong pa nang binalik ko sa kaniya ang cellphone. Tahimik lang kami pareho habang nakatingin sa kalsadang tinatahak hanggang sa makarating na kami sa ospital. 

I Heart You ( Soon To Be Published Under Heart Of Book Publishing Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon