Chapter 2

64 7 0
                                    

CHAPTER 2

CHARIEE'S POV

     Namangha ako sa laki ng bahay. Kung saan-saan ako na napapatingin. Hindi ko na nga naiintindihan ang mga sinasabi ng parents ko. 

     Andito kami ngayon sa bahay ng bestfriend ni Daddy para makilala ko 'yong anak nila. Sa sobrang pagkamangha ko ay hindi ko namalayang mag-isa na pala akong naglalakad. Bigla akong kinabahan sa laki ng bahay nito, hindi ko alam kung nasaan na ako. 

     Napahinto ako bigla nang marinig ang boses ng isang lalaki at hindi ko sinasadyang marinig ang kan'yang sinabi.

     Gagi, Kuya, kung alam ko lang na pangit 'yong babae na ipakilala ni Daddy hindi na sana ako nag-aksaya pa ng oras pumunta rito.”

     Nasa gilid lang ako habang nakikinig sa usapan nila. Alam ko namang ako tinutukoy no'ng lalaki. Nakita na pala niya ako.

     “Bakit, nakita mo na ba?”

     “Gago, Kuya Dannie, baduy na nga, ang pangit pa.”

     “Pangit ba? Buti na lang pala may girlfriend na ako. Sorry ka na lang, Bro, wala ka kasing girlfriend.”

    "Badtrip ang unfair! May nililigawan naman ako, ha. Si Dave ang walang girlfriend sa atin.” 

     Rinig kong tumawa ang kausap nito. “Si Dave ang arte no'n. Mas lalong hindi papatulan ang sinasabi mong babae. Ikaw nga nakita mo na, ganyan ang reaksiyon mo, si Dave pa kaya? Type niya pang-beauty queen, Bro.” Sabay na tumayo ang dalawa. Ramdam kong pinagtatawanan pa rin nila ako.

     “Sa ating tatlo ikaw dapat ang unang ikasal dahil panganay ka. Ang unfair naman ni Daddy. Bakit ako!”

     “Pumayag ka naman, tiisin mo na lang, Bro.”

     Nagulat ako ng may tumapik sa likuran ko. Natulala ako pag-kaharap ko sa kan'ya. Ang guwapo naman nito.

     Dahil sa hiya ay bigla akong napayuko at walang pasabing tinalikuran ko siya. Hindi ko alam kung paano ko siya haharapin lalo na't nahuli niya akong nakikinig sa usapan.

     Bumalik na ako kung saan sina Mommy at kaagad na lumapit sa kanila.

     “Saan ka nagpunta? Kanina ka pa namin hinahanap.” Tiningnan ko lang si Charlie. Hindi na lang ako nagsalita at tumabi na lang ako sa kanya. Maya-maya lang ay napalingon ako sa likuran. Nakita ko 'yong nakabunggo ko at may mga kasama siya. So, ibig sabihin ay sila 'yong narinig kong nag-uusap kanina. 

     Bigla akong napayuko nang nasa harapan ko na sila. Nagsimula na kaming kumain nang magsalita si Daddy.

     “Siya na ba si Daint? Ke-guwapong bata. Ang tagal ko ring hindi nakikita itong mga anak mo.”

     “Ikaw naman kasi, Charles, lagi kang busy.” Nagtatawanan lang sila habang ako ay tahimik lang na nakikinig.

     “Kailangan, Darwien, alam mo na tatlo ang anak ko.”

     “Siya po ba si Daint?” Biglang singit ni Cheriee sa usapan. Napatingin ako sa kan'ya nang bigla na lang siyang tumawa.

     “Seryoso ka ba, Daddy? Ipapakasal mo si Chariee sa kaniya? Sa guwapo niya? Nagpapatawa ka ba, Dad? Ang pangit-pangit ni Chariee, hindi sila bagay.” Na payuko ako lalo. Totoo naman kasi ang sinabi ni Cheriee. 

     Naramdaman kong hinawakan ako ni Charlie sa kamay. Si Charlie na nag-iisa kong kapatid na lalaki, ang bunso namin. Siya ang lagi kong karamay sa lahat ng oras, ang aking taga-pagtanggol. Feeling ko nga ay siya ang panganay sa aming dalawa. Sa edad niyang katorse anyos ay lagi niya akong pinoprotektahan sa mga nambubully sa akin.

     “Ano ba, Ate Cheriee. Manahimik ka nga,” bigla saway ni Charlie sa kaniya. Napatingin ako kay Charlie, namumula na ito sa galit. Napatingin tuloy ang iba sa amin. Sobra-sobra na akong nahihiya dahil nasa amin mga mata nilang lahat.

     “Bakit? Totoo naman ang sinasabi ko, Bro. Ano ang mali do'n? Ang baduy niya, pangit pa. Mabuti nang malaman niya ng harapan para hindi siya umasa. Tama naman ako, ah, mas'yado mo kasing pinapaasa 'yang si Chariee.”

     “Kung pangit siya, pangit ka rin. Kambal kayo, baka nakalimutan mo?”

     “Yup, kambal kami. Pero wala akong kakambal na baduy.”

     Biglang tumayo si Charlie sabay hila nito sa akin na ikinabigla ko.

     “Saan ka pupunta, Charlie? Nahihiya kang malaman ang katotohanan? Bakit hindi mo kasi tanggapin na pangit naman talaga si Chariee, 'di ba? Bakit hindi mo tanungin si Daint? Ano ang masasabi mo, Daint?” Bigla akong nakatingin kay Daint na kasalukuyang nakatingin sa akin nang seryoso. Bigla ko na lang naalala ang narinig kong panlalait niya sa akin kanina.

     Wala akong balak na tapusin pang pakinggan ang mga sasabihin nila. Sobra-sobra na ang kahihiyan na hinarap ko. Napatingin ako sa lahat. “Pasensiya na po,” paghingi ko na lang ng tawad sabay hila kay Charlie paalis sa hapag-kainan.

     Sa simula pa naman talaga ay never na naging magkambal ang turing namin ni Cheriee sa isa't isa. Sa simula pa naman talaga ay si Cheriee ang gusto ng nakararami dahil bukod na sa maganda, lahat ng gusto niya ay nasusunod. Tanging si Bunso lang ang kinakausap ko, ang parents ko naman ay wala namang pakialam sa akin. Ewan ko ba kung bakit pumasok sa utak nila na ipakilala ako sa anak ng bestfriend nila. Sa simula pa naman kasi ay alam ko nang mangyayari 'to. Bakit ba kasi ako pumayag. Hindi na ako natuto.

     Napakapit ako nang mahigpit kay Charlie hanggang sa namalayan ko na lang na nakauwi na kami sa bahay.

     “Okay ka lang, Ate Chariee?” 

     Nakaharap ako sa kan'ya. Nagkunwari na lang na hindi nasasaktan. “Ano ka ba, Bunso, okay lang ako,” saad ko at pekeng tumawa.

     “Sabi ko naman kasi sa 'yong huwag ka ng pumayag.”

     Bigla na lang akong napayuko sa sinabi niya. “Sige na, Bunso, magpahinga ka na. Pasensiya na't lagi kang nadadamay dahil sa akin.”

     Nakakunot ang noo ni Charlie at hinarap niya ako. “Wala akong ibig sabihin sa sinabi ko, Ate. Sa simula pa lang ay maganda ka na. 'Wag mong isipin na pangit ka. Kung hindi ka nila tanggap bilang ikaw, huwag mong baguhin ang sarili mo para sa kanila. Tanggapin ko kung ano ka. Tandaan mo ‘yan, Ate. Tanggap kita kung ano ka, Ate, dahil mahal kita. Ikaw ang pinakamabait na Ate na nakilala ko at higit sa lahat ang lagi kong maaasahan sa project ko,” tawa niyang biro sa huling linya.

     “Joke lang, Ate,” bawi niya naman kaagad nang makitang napasimangot ako sa huli niya sinabi. “Mahal kita kahit sino ka pa. Gano'n naman ang magkakapatid, 'di ba?” Niyakap ko na lang si Charlie nang mahigpit. Siya lang talaga ang taong matatakbuhan ko sa mga ganitong bagay.

     “Ang sweet naman ng magkapatid.” Sabay kaming napalingon sa nagsalita.

     “Ano'ng balita sa dinner n'yo?” Bumitaw ako sa pagkakayakap kay Charlie at napayuko.

     “Okay naman po,” sagot ko na lang kay Manang na naging dahilan na biglang napatingin si Bunso sa akin.

     “Mabuti naman.” Nararamdaman kong magaan akong hinawakan ni Manang sa braso. Alam ko naman na hindi siya naniniwala sa sinabi ko. Bata pa lang kami ay si Manang na ang nag-alaga sa amin kaya kilala na niya ako.

     “Sige na po, Manang, magpahinga na po ako.” Iniwan ko na siya't hindi na rin hinintay si Bunso. Araw-araw naman kasing ganito lagi ang nararamdaman ko. Na pakiramdam na walang taong tatanggap sa akin. Kaya tinatak ko na sa isipan ko na mag-iisa na lang ako.

     Napadapa ako sa kama ko. Tama naman si Cheriee kanina. Ako lang ang nag-i-imagine na baka magustuhan ako ng ibang tao kaya pumayag akong makipag-meet. Hindi ko namalayang sa pag-iisip ko sa nangyari kanina ay unti-unti na akong nilalamon ng antok.


I Heart You ( Soon To Be Published Under Heart Of Book Publishing Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon