CHAPTER 23
DAINT'S POV
Nagmamadali akong umuwi dahil natakot ako nang may natanggap akong text mula sa hindi ko kakilalang tao. Sinabi nitong may mangyayaring masama kay Chariee at sa oras na hindi ako makarating nang maaga ay katapusan na raw ni Chariee.
Wala akong pakialam kung mabilis ako sa pagda-drive, ang mahalaga sa akin sa oras na ito ay si Chariee. Hindi ko kaya kapag may nangyaring masama sa kaniya. Siya na lang ang meron ako na tumanggap sa lahat ng pagkakamali ko. Para siyang anghel na dumating sa buhay ko kaya ako nagbago. Na kung noon ay pa-easy easy lang ako na kasama ang mga kaibigan ko, no'ng hindi siya dumating sa buhay ko ay hindi ko matutunan ang mga bagay na mahalaga sa pala sa akin. No'ng dumating siya, minulat niya ang lahat sa akin.
Ang dami ko kasing ginagawa nitong mga nakaraang araw kaya nawalan ako ng oras sa kaniya, pero hindi ibig sabihin ay sumusuko na ako. May pinag-ipunan kasi ako. Nag-iipon ako para sa bahay naming dalawa kaya todo kayod ako ngayon.
Nang makarating sa tapat ng mga bahay namin ay nagmamadali akong nag-doorbell sa gate ni Chariee. Wala akong pakialam kung nakakailang pindot na ako dahil gusto ko siyang makita ngayon. Hindi kalaunan ay lumabas siya ng may nakakunot na noo.
“Talagang sisirain mo ang doorbell ko?” mataray niyang sabi sa akin. Ngunit hindi ko iyon pinansin at diretso ko siyang niyakap nang mahigpit. Nagulat siya sa ginawa ko.
“H-hoy!” reklamo niya.
“Okay ka lang ba? May nangyari bang masama sa 'yo?”
Kumunot ang noo niyang nakaharap sa akin. “Okay na ako, hindi na masakit,” sabi niya na ikina-seryoso ko.
“Anong sabi mo? Anong masakit?” Nabigla siya sa itinanong ko kaya napayuko ito.
“W-wala!”
“Anong wala? Gagi, ano'ng nangyari?”
“Wala nga.”
“Anong wala? Kasasabi mo pa lang na hindi masakit. Ano'ng nangyari?”
“Ang kulit nito, wala nga sabi.”
“Gagi naman, Chariee, sabihin mo na ang totoo!” Dahil sa inis ay hindi ko napigilang masigawan siya. Nagulat naman ito sa ginawa ko kaya bigla siyang napaatras. “S-sorry, nag-aalala lang kasi ako sa 'yo,” mahina kong usal.
“Wala naman talaga kasi!” pasigaw niya ring saad. Ramdam kong merong masamang nangyari, ganyan siya kapag hindi nagsasabi ng totoo o ayaw niya talagang sabihin sa akin, lagi lang nakayuko kapag kinakausap.
“Wala ba talaga?” paniniguro ko. Bakit ba lahat na lang sinasalo niya? Naiinis din ako minsan sa kaniya dahil sobrang bait niya kahit na siya na iyong nasasaktan. Lagi niyang pinoprotektahan ang mga taong malapit sa kaniya.
“Wala nga.” Tumahimik na lang ako sa naging sagot niya. “Bakit ka ba naparito? Gabing-gabi na, ah?”
“Sasamahan kita rito sa bahay mo,” sabi ko sa kaniya.
“Ha? Bakit?”
“Natatakot ako para sa 'yo,” pag-amin ko. Ang mukha niya ay hindi na maipinta dahil sa pagkadisgusto.
“Hindi puwede, magagalit sina Daddy.”
“Tangina, wala akong pakialam kung magagalit ang parents mo sa akin. Pino-protektahan lang naman kita.”
BINABASA MO ANG
I Heart You ( Soon To Be Published Under Heart Of Book Publishing
RomanceI HEART YOU BY:@c_sweetlady Sina Daint at Chariee ay nagkakilala dahil sa kanilang mga magulang na pinilit silang pag-lapitin. Hindi lingid sa kanilang kaalaman ang plano ng kanilang mga magulang ang salitang kasalan. Kahit tuto...