Chapter 19

22 7 0
                                    

CHAPTER 19

DAINT'S POV

     “Gagi, Daint, problema mo?! Ang aga-aga ang init ng ulo mo.”

     Napalingon ako kay Roi. “Sabi n'yo wala pang boyfriend si Chariee?” Tinawanan lang nila ako. Gagi, kaya nga ayaw kong magsabi sa kanila sa nararamdaman ko dahil tatawanan lang nila ako.

     “Wala pa nga. 'Di ba, Allein?” pangungumbinsi pa niya sa akin.

     Gagi, Roi! Tingnan n'yo pinuntahan ko si Chariee pero may asungot na lumapit tapos ang sabi boyfriend niya raw!” Ang reaksiyon nila sa sinabi ko ay hindi makapaniwala.

     Pagkatapos akong iwan ni Chariee sa harap ng bahay niya ay dito ako tumuloy sa bahay ni Roi at niyaya ko sila. Naiinis kasi ako sa epal na lalaking bigla na lang sumulpot kanina.

     “May relasyon ba talaga sila?” tanong ko sa kanila.

     “Parang meron,” asar ni Roneil sabay tawa.

     “Sa kuwento mo, parang meron talaga. Ang sweet, eh.” Gagi, hindi man lang ako sinusuportahan. Mga gagong 'to talaga inaasar pa ako.

     “Gagi naman!” daing ko sa mga sinagot nila na siya namang ikinatawa nilang lahat.

     “Pre, una sa lahat kasalanan mo. Gagi! Hawak mo na, pinakawalan mo pa. Para ano? Para piliin 'yang first love mo? Tapos ngayon, iniwan ka rin sa ere. Gago ka kasi.” 

     Tiningnan ko nang masama si Roi. Kung alam lang nila ang pinagdaanan ko.

     Tumahimik na lang ako. Ayaw ko ng balikan pa ang nakaraan.

     “Alam mo, pre. Simple lang ang gawin natin,” ani Gary sabay akbay pa sa akin. Mukhang hindi ko gusto kung ano man ang nasa utak niya dahil sa mukha pa lang niya ngayong biglang sumeryoso.

     “Hoy, Gary! Ano 'yang nasa isip mong gago ka?”

     “Gago, wala!” sagot ni Gary sabay sipa nito kay Roneil. Napalingon na lang kami bigla kay Marlon at Leo na tumawa habang nakatutok sa cellphone nila. Hindi pa nakontento at nag-apir pa.

     “Ano 'yan?” usisa ni Roi sa dalawa. Napatigin sila sa amin habang may mga ngisi sa mga labi.

     “Buksan n'yo ang instagram, dali!” biglang sabi ni Leo. Ako naman ay dali-daling binuksan ito para malaman kung ano ang pinagsasabi ng mga 'to.

     “Wala naman, ah?” sabi ko nang makitang wala namang kakaiba sa IG. Pagtingin ko sa mga mokong ay nag kaniya-kaniyang tawanan na. Sa inis ko ay hinablot ko ang cellphone ni Gary na malapit sa akin. Natulala ako sa nakita ko. Na-badtrip ako lalo. Ano'ng nakakatawa rito?

     “Pre, bakit hindi ka natuwa?” sabi ni Gary sabay kuha ng cellphone niya.

     “Gagi, ano'ng nakakatawa do'n?!”

     “Ang sweet kaya ni Chef Jerard at Chariee. Ang dami ngang kinikilig, oh! Makaalis na nga,” paalam bigla nito.

     “Saan ang punta mo?” tawag ni Roneil sa kaniya.

     “Makiki-tsismis. Sama ka? Tara!”

     “Sama ako, gutom na rin ako,” sagot ni Roneil at humabol kay Gary papalabas.

     “Sama rin kami!” Nagtakbuhan ang ibang mokong kaya kami na lang nina Roi at Allein ang naiwan.

     “Paano 'yan, pre. Mukhang mahihirapan kang pabalikin si Chariee sa buhay mo.”

I Heart You ( Soon To Be Published Under Heart Of Book Publishing Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon