Chapter 14

26 7 0
                                    

CHAPTER 14

CHARIEE'S POV

     Napalingon ako sa gilid nang maramdaman kong may nakayakap sa akin. Kahit na nahihilo ay napabangon ako bigla nang makilala siya.

     “Good morning, babes,” sabi nito sa akin na inaantok pa ang boses. Ako naman ay nakasimangot lang na nakaharap sa kaniya.

     “Ano ang ginagawa mo rito? Bakit ka nakapasok?”

     “A-ano kasi... pinakiusapan ako ni Charlie na alagaan muna kita,” aniya habang tipid na ngumiti sa 'kin.

     “Ako?” turo ko sa sarili. “Wala naman akong sakit.”

     “Nilalagnat ka kagabi,” aniya. Napatayo ako. “Saan ka pupunta?”

     “Kay Charlie,” tipid kong sagot sa kaniya at nagsuot ng tsinelas.

     “Wala pa siya,” pahayag niya. “Baka mamayang tanghali pa siya galing sa University, kaka-receive ko lang ng text niya.”

     Napasimangot akong tiningnan siya. Hindi ko naman siya tinatanong, ang dami niyang sinasabi.

     Tahimik lang akong nagsimulang humakbang kahit na nanghihina pa ang buong katawan ko. Napahawak ako sa pader bilang suporta, naramdaman kong bumaba na rin siya sa higaan at naglakad palapit sa akin.

     “'Wag ka na kasing gumalaw. Ang tigas talaga ng ulo mo. Ano ba ang kailangan mo, ako na lang ang kukuha.”

     “Wala. Wala akong bagay na kailangan. Ang kailangan ko lang ay katahimikan. 'Yong ako lang mag-isa,” mariin kong sabi sa kaniya.

     “Ah, gano'n ba? Sige, maiiwan muna kita. Mamaya na lang kita balikan pagkatapos kong magluto ng agahan natin. Ano ang gusto mong lutuin ko?”

     Hindi ako makapaniwalang tiningnan siya. Seryoso ba siya sa sinasabi niya o inaasar lang niya ako?

     Nang hindi ako nagsalita ay tuluyan niya akong iniwan sa loob ng k'warto. Wala akong magawa kaya binuksan ko na lang muna ang tv hanggang sa may napansin ako sa may study table ko. Lumapit ako doon at kinuha ang bagay roon.

     ‘I always heart you. I heart you, babes.’

     Isang tao lang ang nagsasabi sa akin ng ganitong salita. Imbes na I love you, I heart you ang binabanggit namin para maiba naman. Dahil halos lahat ng magka-relasyon ay common na ang salitang I love you. Napasimangot ako bigla. Bakit pa niya ako bibigyan ng ganito, eh, wala naman na kami. 

     Wala akong balak na buksan iyon. Isasauli ko na sana ito sa dati niyang kinalalagyan nang bumukas ang pinto. Nasa pintuan si Daint na ngumingiting nakatingin sa akin. Naglakad siya't hinarap ako sa kaniya. I just felt it weird. Naiirita ako sa ugaling pinapakita niya sa akin ngayon. Akala mo nama'y mag-asawa kaming dalawa.

     “Nagustuhan mo ba?” aniya pa sa pa-sweet na boses.

     “Ang alin?”

     “'Yang hawak mo. Bakit hindi mo pa buksan 'yan para makita mo?”

     “Wala akong balak na buksan 'to. Wala akong regalo para sa 'yo. At saka hindi mo naman kailangan na regaluhan pa ako,” saad ko rito.

     Nakatingin lang siya sa akin. Kinuha niya sa kamay ko ang regalo niya. Nagulat ako nang sinira niya ang pinangbalot nito. Hala! Nagalit ba siya sa sinabi ko?

I Heart You ( Soon To Be Published Under Heart Of Book Publishing Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon