CHAPTER 28
DAINT'S POV
Inihinto ko na ang sasakyan nang makarating na kami sa lugar na minsan na naming pinuntahan. Ang lugar kung saan kami unang nagkakilala. Tulog pa si Chariee sa tabi ko kaya hinayaan ko na lang muna siya saglit.
Nitong mga nakaraang buwan ay naging busy talaga ako dahil ito sa pinagkakaabalahan ko. Kinunstaba ko ang mga taong malapit sa amin, lalo na kay Chariee. Dito sa lugar kung nasaan kami unang nagkita noon bata pa kami ngayon ay dito ko naisipang magpatayo ng bahay para sa aming dalawa. Ako ang nag-design at ang mga tauhan ko naman ang gumawa. Kakatapos pa lang nitong bahay at kinausap ko ang pamilya ni Chariee sa gusto kong mangyari. Magpo-propose ako kay Chariee ngayong araw, yayayain ko na siyang magpakasal. Ginawa ko talaga ang lahat para makumbinsi ko ang pamilya niya at pinatunayan kong karadapat-dapat ako para kay Chariee. Mabuti na lang at tanggap na nila ako kaya hindi ako nag-aksaya ng oras para humingi ng tulong sa kanilang lahat.
Ang mga kaibigan ko, sila lahat ang gumawa ng dekorasyon para sa proposal. Siyempre kasama si Jade sa plano, siya kasi ang taga-tanong namin kay Chariee kung ano ang gusto nito. Mabuti na lang ay hindi niya nahalata ang plano namin. Ito namang kapatid kong si Dave noong malamang kasama sa plano si Jade, aba, ang loko nauna pa sa tagpuan. Ayon at ang lakas makaporma. Nabalitaan na lang namin na nililigawan na niya si Jade, mukhang na-inlove ang loko. Boto rin naman ako kay Jade dahil bukod sa maganda siya, mabait pa.
Walang araw na hindi pasimpleng tinatanong ni Jade si Chariee kaya nalaman ko lahat kung ano ang gusto niya kapag ikakasal siya. Gusto ni Chariee na maraming bulalaklak ang kaniyang dadaanan bago makarating sa altar, tapos may kasama pang mga puso. Halos lahat ng detalye na gusto niya ang sinabi niya nang walang labis at walang kulang.
At ngayon sa proposal, 'yong ibang nabanggit niya kay Jade ay pupunan namin nang kaunti ang iba niyang gusto sa decoration dito. Gusto ko siyang i-surprise kahit na kinakabahan akong mag-propose. Hindi ko alam na ganito pala ang feeling kapag magpo-propose ka sa taong mahal mo sa harap ng mga taong mahalaga sa buhay ninyo.
Mabuti na lang na nakatulog itong si Chariee sa biyahe kaya nagawa kong tawagan sila para sabihing kakarating lang namin para maisaayos na ang lahat sa loob.
Pinagmasdan ko lang siya habang mahimbing ang kaniyang tulog. Nang makuha ko na ang signal nila sa loob ay ginising ko na siya. Inasar ko pa siya na may laway siya mukha. Nainis naman siya kaagad naka nakasimangot siyang humarap sa akin. Natawa na lang ako sa reaksiyon niya.
“Nasaan tayo?” takang tanong niya at pinasadahan ng tingin ang labas ng kotse. Tinawanan ko lang siya. Kanila pa siya paulit-ulit ng tanong.
“May surprise bang sinasabi?” saad ko sa kaniya. Kumunot noo lang siyang tumingin sa akin.
“Ito na nga, seryoso na tayo. Pikit ka muna,” pakiusap ko.
“Para saan?” Ang dami niyang tanong.
“Basta,” sabi ko na lang. Bumaba ako sa kotse at umikot sa p'westo niya. Ako na mismo ang nagtakip sa kaniyang mga mata gamit ang mga kamay ko at inalalayan ko siyang maglakad.
“Kanina pa tayo lakad nang lakad. Saan ba talaga tayo?” reklamo niya.
“Malapit na,” sagot ko na lang.
“Kanina ka pa rin sabi nang sabi na malapit na. Bakit ang tagal pa rin?”
“Ito na! Ito na! One. Two. Three...” sambit ko sabay tanggal ng mga kamay ko sa kaniyang mata ay lumuhod ako kaagad sa harapan niya. Napatingin siya sa kamay kong may hawak na singsing. Nakita ko sa mga mata niya na pinaliligiran na ng luha.
BINABASA MO ANG
I Heart You ( Soon To Be Published Under Heart Of Book Publishing
RomansaI HEART YOU BY:@c_sweetlady Sina Daint at Chariee ay nagkakilala dahil sa kanilang mga magulang na pinilit silang pag-lapitin. Hindi lingid sa kanilang kaalaman ang plano ng kanilang mga magulang ang salitang kasalan. Kahit tuto...