Chapter 22

30 8 0
                                    

CHAPTER 22

CHARIEE'S POV

     “Ate!” Napalingon ako dahil sa sigaw ni Jade. Bigla siyang napaupo sa tapat ko. Hingal na hingal ito dahil patakbo itong pumunta rito sa office ko. Tumayo ako't kinuhanan siya ng tubig na kinuha niya kaagad at diretsahang ininom, pagkaubos ng tubig ay napatingin siya sa akin nang seryoso. Naguluhan ako sa ikinikilos niya.

     “Bakit?” nagtatakang tanong ko sa kaniya.

     “K-kasi... Ate.”

     “Ano?” sambit ko.

     “K-kasi ano, may lalaking nanggugulo sa labas. Gusto ka raw niyang makausap. Wala pa naman din si Kuya Jerard,” pahayag niya.

     “May nanggugulo sa labas?” pag-uulit ko sa sinabi niya. Isa lang ang pumasok sa isip ko na nanggugulo sa akin ngayon, si Daint lang. Pero hindi naman niya gawain ang manggulo lalo na kung dito sa restaurant ko na maraming tao.

     “Nasaan siya ngayon?”

     “Nando'n pa sa dine area. Natatakot na ang ibang mga customer. Sabi niya ikaw daw ang mag-serve sa kaniya.”

     “Ako?” duro ko sa sarili ko. Hindi kaya ay si Daint nga ang nanggugulo? Pero lalaki lang ang sinabi ni Jade, sa pagkakaalam ko ay kilala na niya si Daint dahil minsan na rin iyong nagpapanggap na customer namin dito pero ako lang pala ang tanging sinasadya.

     “Tara na, Ate, baka mas lalo lang 'yong magwala doon,” saad niya saka atubili akong hinila palabas ng office. Napasunod na lang ako sa kaniya. Pagkadating namin sa dine area ay napatingin sa amin ang halos lahat ng tao. Nilapitan ako kaagad ni Jayson, isa sa mga empleyado ko.

     “Ma'am, 'wag ka na pong lumapit. Kami na po ang bahala,” kaagad nitong sabi.

     “Sige na, ako na rito,” mahina kong saad. Tinawag ulit niya ako pero hindi ko siya pinansin. Nagpatuloy ako sa paglalakad at doon ko nakita ang isang lalaking masama ang pagkakatingin sa akin. Nilapitan ko siya. “Ano ang kailangan mo sa akin?” mahinahon kong tanong sa kaniya.

     Nagulat na lang ako nang bigla itong nagwala. Itinaub nito ang table na malapit sa kaniya. Nanginig ako sa takot. Ngayon lang ako nakaranas ng ganitong pangyayari na sa harapan ko pa mismo. Dali-dali akong nilapitan ni Jayson. “M-ma'am, okay ka lang po ba?”

     “O-okay lang ako,” sabi ko sa kaniya. Nilapitan ko 'yong lalaki kahit na ramdam ko pa rin ang kaba at takot. “Sino ka ba? Bakit ka nanggugulo rito?” tanong ko pero tinawanan lang ako nito nang napakalakas.

     Inilapit nito ang mukha sa akin. Halos magkadikit na ang mga balat namin dahil sa sobrang lapit niya. “Ngayon, hindi mo pa rin ba ako namumukhaan?”

     Napaatras ako. Kahit anong pag-iisip ko ay wala pa rin akong maalala kung saan ko ba siya na-engkuwentro. “Nagkita na ba tayo?” sabi ko sa kaniya.

     “Tangina, napipikon na ako sa 'yo!” hiyaw nito sabay tapon niya sa akin ng juice na nakuha lang niya sa kabilang table.

     “Ngayon, naaalala mo na ako?! Ako lang naman 'yong nabuhusan mo ng juice dahil tatanga-tanga ka kasing baduy ka!” bulyaw nito. Doon ako nanghina. Naalala ko na. Naalala ko na siya. Pumunta lang ba siya rito para gantihan ako?

     “S-sorry,” sabi ko. Ako na ang magpakumbaba para wala ng gulo. “Matagal na 'yon, pero hanggang ngayon ay hindi ka pa rin naka-move on.”

     “Tangina, hindi ako magmo-move on dahil sa boyfriend mo!” Napaangat ako ng ulo dahil naguguluhan ako sa sinasabi niya.

     “Boyfriend?”

I Heart You ( Soon To Be Published Under Heart Of Book Publishing Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon