CHAPTER 5
DAINT'S POV
“Anyare sa 'yo?” tanong ni Kring sabay lapit sa 'kin. Kasama pa niya ang mga mokong na pumasok dito sa k'warto ko kaya nagising ako sa ingay nila.
Ano'ng nangyari sa akin? Ewan ko ba! Simula no'ng nakita ko si Chariee na may kasamang lalaki ay bigla na lang na parang gusto kong manapak. Nainis na lang ako bigla nang wala namang dahilan.
Last time kasi ay pinuntahan ko siya sa kanilang bahay. Bababa na sana ako that time nang bigla akong napatigil ng mapansing bumaba rin siya sa isang sasakyan at nagyakapan pa sila no'ng lalaki tapos ang mga mata pa niya ay ang lungkot. Hindi ko alam kung ano'ng dahilan no'n basta pagkatapos kong makita ang eksena na 'yon ay isang linggo rin akong hindi nagparamdam sa kaniya. I think dahil lang 'yon sa awa kaya gano'n ang nararamdaman ko sa kaniya. Okay, baka gano'n nga.
Ewan ko ba, simula kasi no'ng nakausap ko si Chariee ay parang ang saya niyang kasama. Parang ang sarap niyang maging kaibigan. Nakita ko kasi kung gaano siya kabait na tao, nagkamali ako ng husga sa kaniya noong una ko siyang makita, pero no'ng isang beses ko siyang nakasama ay sobra ko siyang hinangaan. Okay na sana 'yong isang pagkain lang o kaunting pera ang ibibigay niya sa bata pero binigay niya lahat ang kaniyang pagkain. Gano'n pala siya kabuting tao na hindi nakikita nang karamihan.
“Ano? Wala ka bang balak na pumasok? Tutulala ka lang diyan?” saad ni Roneil sabay hampas nito sa 'kin.
Nabaling ang tingin ko sa kanila. Tangina! Paano nalaman ng mga 'to na nakalipat na ako?
“Gago, umalis nga kayo sa harapan ko! Bakit ba nandito kayo? Huwag n'yong sabihing na-miss n'yo ako?”
“Makikikain lang kami,” sagot ni Allein sabay tawa.
Tanginang mag-pinsan 'to!
“Wala kayong makikitang pagkain dito. Alis na, magbibihis na ako,” taboy ko sa kanila. “Kring, hilahin mo nga ang mokong na 'to,” tukoy ko kay Allein na walang balak umalis sa kaniyang kinatatayuan.
“Hay, ewan! Aalis na ako, wala akong balak magpa-late,” sagot lang nito sa 'kin. Tanging pag-iling na lang ang nagawa ko nang magsilabasan na ang mga kaibigan ko, paniguradong magkakalkal na ang mga 'yon ng mga pagkain sa kusina. Mabuti na lang at alas otso pa ang pasok namin.
Pagkatapos magbihis ay tama nga ang hinala ko. Lumalamon na nga ang mga tukmol na hindi man lang ako hinintay.
“Gagi, pagkain ko 'yan,” maktol ni Leo sa akin nang agawan ko siya ng pagkain.
“Ano ba, ang ingay ninyo! Narinig ko sa kabilang kanto.” Napalingon ako kay Gary na siyang nagsalita. Wala itong pasabing pumasok na lang bigla sa kusina.
“Gago, maka-kabilang kanto ka naman,” asik ni Leo sa kaniya sabay hagis ng balat ng saging na pinagkainan niya.
“Tangina naman, Leo, oh! Ang damit ko!” Nabaling ang paningin ni Gary sa 'kin. “Ang aga naman ng bisita mo, Daint?”
“Gago, ikaw ang nagsabi sa kanila,” batok ko sa kan'ya.
“Ako talaga?” aniyang nakaturo sa sarili. “Tanungin mo kaya ang isa diyan.”
“Oh? Bakit ako? Nananahimik ako dito, ah!” angil kaagad ni Roi nang siya ang tinuro ni Gary. Napakamot siya sa ulo ng magsi-tawanan ang iba. “Oo na, ako na. Sabi kasi ni Kring puntahan ka namin dito... And speaking of Kring, saan na pala 'yon?”
BINABASA MO ANG
I Heart You ( Soon To Be Published Under Heart Of Book Publishing
RomanceI HEART YOU BY:@c_sweetlady Sina Daint at Chariee ay nagkakilala dahil sa kanilang mga magulang na pinilit silang pag-lapitin. Hindi lingid sa kanilang kaalaman ang plano ng kanilang mga magulang ang salitang kasalan. Kahit tuto...