I woke up in an unfamiliar place.
"Ouch" daing ko ng maramdaman ang matinding kirot sa gitnang bahagi ng hita ko.
'Shit! Anong nangyare?'
"Where Am I?" Wala sa sarili kong tanong at inilibot ko ang paningin sa buong paligid.
Nangunot ang noo ko ng mapansing wala ako sa kwarto ko. Inatake ako lalo ng kaba ng mapagtantong hindi ako pamilyar sa silid na kinaroroonan ko.
Napaigtad ako ng may gumalaw sa tabi ko, at doon ko lamang napansin na my katabi ako sa kama.
"Oh God!" Mahinang tili ko at napaatras dahilan para mahulog ako sa kama. Napangiwi naman ako dahil sa sakit na dulot nun. Dahan dahan akong tumayo at hinatak ang kumot mula sa kama para tabunan ang kahubdan.
Napatingin naman ako sa katawan ng lalaki at doon ko lang napansin na wala itong saplot gaya ko-
"Oh my God!"
Impit na sigaw ang kumawala muli sa aking labi ng gumalaw patalikod ang lalaki kaya nakita ko ang kanyang matambok na pang upo.
Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang may napagtanto ako. He's naked, I'm naked and sore down 'there'.
'Oh God! This can't be happening! No! No!'
'What did I do! Oh God!'
Dahil sa pagkataranta, dali-dali kong hinanap ang damit. Ngunit sira na ang mga iyon at punit.
'Shit! Gutay gutay na!' Wala akong choice kundi kunin na lang ang damit ng lalak. Sinuot ko ang coat niti dahil hindi ko na magagamit ang damit ko. Gutay gutay na ang mga iyon.
"What a wild sex" bulong ko bago tuluyang lumabas ng silid na iyon.
"Nice Zane. Very nice. Hindi ka na virgin dahil sa katangahan mo. Shit! Lagot ako nito! "
Sana lang hindi na mag krus ang landas namin. This is shit!
ONE month. One month has been passed magmula ng umalis ako sa silid na iyon. And thank God dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakikita ang lalaki na iyon. Which is good dahil ayokong makita siya ulit.
Matapos ang pangyayari na iyon hindi na ako tumapak sa bar o uminom ng alak. Mabuti na ang nag-iingat.
Nakakahiya ang ginawa ko. Nakakahiya sobra. Ano na lang iisipin nun? Na kaladkarin akong babae? Lasing lang ako nun'. Stress lang ako dahil sa daming problema sa bahay dagdag pa ang mga demonyita kung pinsan.
Speaking of demonyitang pinsan, they're here. Eating the breakfast that I have cooked for them. Instant katulong ako sa bahay na 'to.
This is actually our house, my parents house. Pero simula ng mamatay sila sa isang aksidente at lumipat bigla sina Aunte Carmen dito sa bahay kasama sina Carla at Coreen, mga pinsan kong demonyita ay nagbago ang lahat.
Natigil ako sa pag-aaral dahil sa kanila, napilitan akong mag trabaho sa murang edad at naging katulong sa bahay na kami naman ang may ari. Pero kahit ganun hindi ko magawang magalit sa kanila. Siguro dahil iyon ang turo ni mama sa akin at sila na lang din ang natitirang pamilya ko dahil siya lang ang kapatid ni papa.
PAGKATAPOS mag-almusal ng mga pinsan ko ay nag-almusal na rin ako. Hinanda ko na rin ang mga gamit na kailangan ko sa trabaho. Eksaktong ala syete y media ay umalis na ako ng bahay. Hindi na ako nagpaalam kina tita dahil wala na rin naman sila. Nasa trabaho na din ang mga iyon.
Hindi naman malayo ang location ng workplace ko sa bahay. Walking distance lang which is good dahil less expenses.
Nang makarating ako sa Hotel na pinagtratrabahuan ay agad akong binati ng guard dun. Gayundin ng mga ka workmates ko.
Yuri Aika Zane Montenegro, 19 years old, High School Graduate and 2nd year college lang ang natapos. Dalawang taon na lang sana teacher na ako. Kung buhay pa sana sina mama at papa siguro nag-aaral pa ako at hindi nagtratrabaho.
Hindii pa ako nakakarating sa pwesto ko ay tinawag na agad ako ni Kristy, secretary ni Ms. Gamboa na siyang manager ng hotel na ito.
"Naku Zane! Umakyat ka na sa office ni ma'am! Galit na galit, mainit ang ulo. Kanina ka pa hinahanap. " Mungkahi ni Kristy at hinawakan ako sa braso.
"B-bakit daw? " kinakabahang tanong ko.
Hindi ko alam kung bakit doble ang kabang nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko ay may hindi magandang mangyayari.
"Ayy naku day! Ambot! Hindi ko din alam sa matandang iyon. Bilisan na lang natin"
Tango na lang ang nasagot ko sa kanya. Habang naglalakad kami at naghihintay na bumukas ang elevator, may isang pamilyar na bulto akong nakita.
Abo't abot ang kabang nararamdaman ko habang pinagmamasdan ang papalayong bultong iyon.
It can't be! N-no! Baka namamalikmata lang ako. Impossible yun! Relax Zane, wala lang yun, at isa pa kahit magkita kayo hindi ka na makikilala nun. Tama! Relax Zane. Inhale... Exhale...
'Ting' (Elevator sound)
"Let's go" Kristy said at pumasok sa elevator. Sumunod naman ako sa kanya. Pinindot niya ang 15th floor na kung saan naka base ang office ni madam.
'Ting' (Elevator sound)
Pagkabukas na pagkabukas ng pinto ay lumabas agad kami. Nakasunod lang ako sa likod niya habang naglalakad kami papunta sa office ni madam.
Kinakabahan at pinagpapawisan ako ng malamig habang naglalakad. Nahihilo rin ako at parang umiikot ang paningin ko. Nakakasuka na iwan. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.
"We're here. Pasok ka na Zane. Ingat ka ah"
Tumango lang ako at ngumiti. Ngiti lang din ang sagot niya sa akin at umalis. Huminga naman ako ng malalim at kumatok ng tatlong beses.
"Madam? "
"Come in! " halos mapaigtad ako sa lakas ng sigaw ni madam pero binalewala ko lang iyon at lakas loob na pumasok.
"Good morning madam. Pinatawag niyo daw po ako"
Mahinahong mungkahi ko ngunit nagbabagang tingin ang ibinalik niya sa akin.
"Ano itong naririnig ko na may isang client daw tayong sinaktan mo? Alam mo bang nagrereklamo ngayon si Mr. Martin sa ginawa mong pangbabastos at pagpapahiya sa kanya? Nag-iisip ka ba ha Ms. Montenegro? Gusto mo ba mawalan ng trabaho?! "
Malakas na bulyaw niya sa akin. Napaatras naman ako sa takot at gulat. Takot sa hindi ko malamang dahilan at gulat dahil ngayon ko lamang nakitang galit na galit si madam.
"Madam, binastos niya po kasi ako. Hindi ko naman po sinasadya na saktan si Mr. Martin, nabastos-"
Hindi ko na natuloy ang pagpapaliwanag ko ng bigla siyang lumapit sa akin at sinampal ako.
Ramdam na ramdam ko ang pagtabingi ng pisnge ko dahil sa sampal niya. Mas lalo lang akong nahilo sa ginawa niya. May mga sinasabi pa siya pero hindi ko na iyon maintindihan. Nanakit ang tagiliran at balakang ko. Nahihilo at inaantok ako.
Hindi ko alam kung ano ang sumunod na nangyari, pero bago ako mawalan ng malay. Malakas na kalabog mula sa pinto ang narinig ko.
________________
A/N: Oh No! What happened to Zane? Any idea? Ano ang kalabog na narinig ni Zane? Well, hope you like my update guys.
BINABASA MO ANG
Mafia Series 1: A Hot Night With A Mafia King (Completed)
RomanceI woke up in an unfamiliar place. "Ouch" daing ko ng kumirot bigla ang Cherry pop pop ko. Shit my ang sakit ng ulo ko. "Where Am I?" Wala sa sarili kong tanong at inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Nangunot ang noo ko ng mapansing wala ako...