Chapter Thirty Five

22.4K 605 15
                                    

4 Months Later...

"MONDRAGONNNNNNN!! " malakas na sigaw ni Zane ng maramdaman niya ang hilab at kakaibang sakit sa tiyan niya. Manganganak na siya pero ang asawa niya ay nasa harap pa rin ng cabinet,  nagmumumi-muni sa mga damit at bag na may lamang gamit ng baby na pinapakuha niya

"Fuck! Baby wait! " tarantang sagot naman ni Zeke, at kinalkal ang mga damit nila sa cabinet, habang iniisip kung ano ba ang kukunin niya roon.

"Punyeta ka Zeke! Bilisan mo! Ang sakit sakit na ng tiyan ko. Manganganak na ako! "
Muling sigaw ni Zane habang inaalala ang naging instructions ng OB niya sa kanya kapag dumating ang ganitong pangyayari.

'Inhale. Exhale. Relax Zane. Inhale. Exhale'

Paulit ulit na sabi ni Zane sa isipan niya pero wala pa ring epekto. Mas lalong sumasakit ang tiyan niya. Napatingin si Zane sa mga hita niya ng maramdaman niyang may tulo roon.

"Zeke! Pumutok na ang panunigan ko! Punyeta ka Zeke! Manganganak na ako! Kunin mo na ang damit ng bata! "

"Manganganak? Yes right manganganak ka na! Relax baby. Wag kang mataranta, kukunin ko na ang damit ng baby. " tarantang sabi ni Zeke at kinuha ang isang bag na gray na may lamang gamit ng bata.

Agad na nilapitan ni Zeke ang asawa na namimilipit sa sakit at pilit na tinutuwid ang isipan niya. Binuhat niya ito habang nakasukbit naman sa balikat niya ang bag ng bata.

Alas singko pa lang ng madilim araw kaya medyo may kadiliman pa sa labas. Natawag na rin niya ang kapatid at magulang na mauna na sa hospital at salubungin sila dahil manganganak na si Zane.

Pinagpapawisan si Zeke habang nagmamaneho papuntang hospital. Mabuti na lamang at walang traffic kaya wala pang bente minutos ay nakarating na sila sa hospital. Sinalubong sila ni Clarise, OB ng asawa na siya ring magpapaanak dito. Nandun na din ang mga magulang niya at kapatid na naka roba lang at magulo ang buhok.

"Bilisan mo Zeke! Pumutok na panubigan niya, dalhin mo na siya sa delivery room. " utos ni Clarise kay Zeke. Agad namang tumalima si Zeke at maingat na binuhat ang asawa papuntang delivery room.

Hindi sila pinapasok sa delivery room kaya nasa labas lang sila at naghihintay. Nakaupo ang mga magulang niya sa waiting area gayundin ang kapatid niya. Masaya si Zeke na makita at makasama ang magulang niya ng mas matagal. Ang buong akala nila ay hindi na nila ito makakasama, but his angel, his life, his wife brings miracle to them. Hindi nila alam kung ano ang ginawa o sinabi ni Zane para maging ang mommy niya. Pero kahit ano pa man iyon ay nagpapasalamat sila.

Mas naging close sila ng mommy niya. Mas naging masaya at maingay ang mansion nila. At lahat ng iyon ay dahil sa asawa niya. Sa babaeng nagpatibok at nagbigay kulay za buong buhay niya. As of now, nasa dating mansion nakatira ang mga magulang niya, naroon na rin si manang Tessa na naging malapit rin sa mommy niya. Kay manang Tessa ito nagpapakwento sa mga nangyayari at kabataan nila ng kapatid. And he's happy with it, he and his sister.

Their parents make it up to them. Kahit hindi na sila magkasama sa iisang bubong ay may bonding session naman sila every sunday sa mansion niya. Then every last day of a month ay bonding naman nila magkakaibigan.

Four months had been passed at maraming nangyari sa mga ito. May naririnig pa siyang may mga babae itong kinikita at hindi lang basta babae dahil may binabahay pa ang iba. Ang mga kaibigan niyang hindi raw magpapatali at mananatili sa isang putahi, ay para ng ulol na habol ng habol sa mga nagugustuhan nito. Mga in denial lang ang mga gago. Well, ang iba lang naman sa mga kaibigan niya ang lumalablayf. Dahil ang iba ay busy sa sari-sariling kompanya at paghihigante. Gayunpaman, alam ni Zeke na balang araw mahahanap rin ng mga kaibigan niya ang mga sariling ilaw nito. Ang ilaw na tutulong sa mga ito na makalaya sa dilim. Katulad niya, malaya na siya sa dilim. Masaya at kontento na siya sa buhay. Gayunpaman, hindi niya nakakalimutan ang responsibilidad niya sa Empire.

Malapit nang mag retired ang daddy niya sa pamamahala ng Mondragon Mafias Empire at sa ibang mga negosyo nitong naka base pa sa ibang bansa. Dalawa lang silang anak kaya sila lang ang sasalo sa mga ito, na siyang ipapamana nila sa sariling mga anak balang araw. Sa ngayon ay tahimik ang underworld. Hindi naman puro ileggal ang meron sa MME. Tumutulong rin sila sa mga kasong hindi kayang lutasin ng gobyerno at iba pa. Pero kapalit nun ay mananatiling anonymous ang identity nila.

"Zeke sit down hijo. Nahihilo ako sa kakalad mo. " saway ni Thalia sa anak niya.

"Hoy unggoy! Maupo ka nga! Para kang tanga! Maabutan ka ng gang na parang baliw. " mataray na saway rin ni Zairene sa kapatid.

"Ikaw kaya sa posisyon ko ng malaman mo. " Zeke said. Tinaasan naman siya ng kilay ni Zairene bago sumagot.

"Lutang ka ba? Hindi ko mararamdaman ang ganyan dahil hindi ako lalaki. Kung kuha mo ang sinabi ko meaning, hindi ako ang makakaramdam ng kaba o pagkatuliro dahil hindi ako ang maghihintay sa manganganak kong asawa. Babae ako kaya ako ang manganganak, future husband ko ang makakaintindi sayo not me idiot monkey. "

Ismid lang ang naging sagot ni Zeke at umupo, habang naiiling naman ang mga mag-asawa dahil sa bangayan ng mga anak.

"Dude! Kumusta? "

Agad na napalingon ang pamilyang Mondragon sa nagsalita. It's Caleb and behind him is Zekes' gang. All of them are present and Zeke feels a warmth feeling on his heart because of that.

"Wala pa. Hindi pa lumalabas ang OB ni Zane. " sagot ni Zairene sa tanong ni Caleb.

"Good morning po tita, tito."

"Morning po tita, tito"

"Morning po"

Bati ng mga kaibigan ni Zeke sa magulang ng kaibigan bago ito maupo pahilira sa waiting area. Pinagtitinginan sila ng mga nurse at doctor na dumadaan. Who wouldn't? The bachelor men na kasama sa most wealthy business man sa buong mundo ay parang mga tambay na naghihintay roon.

Agad na napatayo sina Zeke maging ang mga magulang at kaibigan ng bumukas ang delivery room. Lumabas roon si Clarise na napataas pa ang kilay ng makita sila.

"How's my wife? My child? How are they? "
Zeke asked.

"Babae pa ang apo namin o lalaki? " sunod na tanong naman ng ginang.

Ang mga kaibigan naman ni Zeke ay tahimik lang at naghihintay ng sagot mula sa OB, habang si Zairene naman ay pasimpleng kinuha ang cellphone at inopen ang video recorder na nakatutok kay Zeke na naghihitay ng sagot. Nakita naman iyon ni Clarise at naiiling na lang sa kalokohan ng kaibigan bago sagutin ang mga tanong sa kanya.

"Well, Zane is fine. She delivered the babies normally. Regarding to babies gender, it's boy and girl. Boy is the eldest by the way. They're both gorgeous like their parents. "
Nakangiting paliwanag ni Clarise.

"Come again? Babies? What do you mean? " nalilitong tanong ni Zeke.

"Oh? You didn't know? Your wife delivered two babies, a twins Mr. Mondragon. " painosenteng sagot ni Clarise dito.

"Nice Zeke! Congratulations! " Keir.

"Tangina dude! Sharp shooter ka pala! " Andrei.

"Hayop! Nakadalawa ka agad sa isang putok? " Cole.

"Ninong ako ah! Ako ang pinakagwapong ninong. " Liam.

"Congratulations dude! Tatay ka na! " Blake.

"Ang lupit mo Zeke. Hindi lang isa sa isang tira, dalawa agad. " Craige.

"Mondragons' blood I see. " naiiling na sabi ni Van.

Halos walang naintindihan si Zeke sa mga sinasabi ng kaibigan niya. Tulala lang siyang nakatayo roon at gulat pa rin ang nararamdaman.

"A twins. Two blessings. " Zeke murmured before darkness surround him.

And yes, Zeke fainted and look stupid. Tagumpay ang plano kaya tawang tawa si Zairene sa gilid habang sini save ang video.

_____________________________
A/N: WELCOME SA MUNDO TWINS NI ZEKE AT ZAIRENE!!!!! EPILOGUE IS WAVING YUHOOOOO!!!!!!!
HAPPY READING MGA SUSHIS!!

Mafia Series 1: A Hot Night With A Mafia King (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon