PAGBUNGAD NG umaga ay agad na nag-ayos at umalis sina Zeke, Zane at Zairene sa isla. Magtutungo sila ng Manila upang bisitahin ang ina ni Zeke at Zairene na hanggang ngayon ay nakaratay at wala pa ring malay sa hospital na kinaroroonan. Dalawang oras lang ang naging biyahe nila mula isla hanggang Manila dahil helicopter na pagmamay-ari ng binata ang ginamit nila.
Nang makarating sa sila sa hospital na kinaroroonan ng ina ng asawa ay agad silang nagtungo sa silid nito. Sinalubong naman sila ng ama ni Zeke at ng mga kaibigan nito.
Mabilis na lumapit si Zairene kay Ralph at yumakap rito. Ngunit, naghiwalay rin agad ng makarinig ng tikhim na nagmula sa matandang Mondragon na ngayon ay nakataas ang kilay sa anak na yumuko lang, at sa lalaking kayakap nito na tumikhim rin at namumulang nag-iwas tingin.
Naiiling na lamang ang matandang Mondragon at binalingan na lamang ang babaeng katabi ng anak. Napadako rin ang mga mata niya sa malaking tiyan nito at tumingin sa anak na nakangisi lang sa kanya.
"Have a seat. Paupuin mo ang asawa mo Zeke, hindi maganda sa buntis ang nakatayo." Tumango naman si Zeke sa sinabi ng ama at inalalayan ito paupo sa isang malaking sofa na malapit sa ina niya.
Malaki ang hospital room na kinalalagyan ng ina. May mga spare na sofa rin at bed sa gilid. Marahil ay doon nagtutulog ang ama para bantayan ang mommy niya. Ayaw kasi nitong umuwi ng mansion. Ang katwiran nito;
'Umalis kami ng mansion na maayos, gising at magkasama. Kaya uuwi rin kami ng mansion na maayos, gising at magkasam.'
His father may not be vocal on his feelings but Zeke knows that his dad is the best. Hindi lang nila iyon nakita ng maaga dahil naging bulag sila sa mga sakripisyo nito. Pero ngayon, naiintindihan niya na ang magulang. Dahil kung siya ang nasa posisyon ng mga ito ay iyon din ang gagawin. Iniisip niya pa lang na baka mawala din ang anak niya tulad ng nangyari sa magulang niya ay baka ikabaliw niya. His wife and child is his life, his soul, heart and mind. Without them, he can't function well. Baka mental hospital ang bagsak niya.
Nakayakap lang si Zeke sa asawa habang nakaupo sa sofa. Nakaupo naman sa sahig sina Keir, Cole, Andrei and Blake habang nakasandal sa dingding sina Van, Craige, Caleb and Liam. Magkatabi namang nakaupo ang kapatid niya at kaibigang si Ralph sa isang sofa na nakahilig pa ang ulo kay Zairene. Habang nasa tabi naman ng tulog na ina ang daddy niya na kanina pa hawak ang kamay at hinahalikhalikan.
Nasa ganung sitwasyon at pwesto sila ng bigla na lamang may kumatok sa pinto at pumasok na isang lalaking doctor. Zeke knows that man, he's Andrei brother. Andrew De Guzman.
"Good day! I'm just here to check my patient condition." Magalang na bati ng doctor sa kanila. Tumango lang sila rito habang si Andrei naman ay masama ang tingin sa kapatid.
Ever since ay hindi na sila nagkasundo ng kapatid. Para kay Andrei, ang kapatid ay isang kakompetensiya. Laging tama at mabait sa mata ng magulang habang siya ay black sheep ng pamilya. Alam iyon ng mga kaibigan niya kaya tahimik lang ang mga ito at nagmamasid.
Matapos icheck ni Andrew/Drew ang kalagayan ng pasyente, ay nilingon niya ang lalaking nakaupo sa tabi nito.
".It's been four days since she asleep. Wala na ang bala sa katawan niya pero malaki ang naging pinsala nun' sa isa sa mga internal organ niya. Usually sa mga ganitong sitwasyon ay bibihira ang nakakaligtas sa kamatayan, but her. " turo niya sa pasyente "is an exemption. Ang tama niya sa tiyan ang naglagay sa kanya sa bingit ng kamatayan, dahil ang nasa puso niya ay damplis at mababaw na sugat lang."
Huminga muna ng malalim ang doctor bago tinulay ang sinasabi.
"P-prangakahin ko na kayo. Kapag hindi pa rin siya magising sa loob ng 24 hours, then habang buhay na siyang magiging ganyan. "
BINABASA MO ANG
Mafia Series 1: A Hot Night With A Mafia King (Completed)
RomanceI woke up in an unfamiliar place. "Ouch" daing ko ng kumirot bigla ang Cherry pop pop ko. Shit my ang sakit ng ulo ko. "Where Am I?" Wala sa sarili kong tanong at inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Nangunot ang noo ko ng mapansing wala ako...