A/N: This incident happened 3 years ago.
We're on the mall having a family bonding together. Namimili din kami ng mga swim wear na gagamitin namin next week. Dad said we're going to Boracay next week to relax. Summer naman, meaning vacation na namin. Incoming 3rd year college na ako this school year, I pursue Bachelor of Science in Education. Mas pabor sa mga magulang ko kung BSBA ang kunin ko pero parang mas gusto ko magturo kaysa humawak ng negosyo.
After namin mamili sa mall, we decided to stay on the park. Nakaupo kami sa isang bench stool doon habang si papa naman ay bumibili ng ice cream sa isang ice cream parlor na malapit lang sa kinauupuan nila.
Humilig siya sa balikat ng mama niya at niyakap ito. Natuwa naman dun ang mama niya hinaplos ang buhok.
"Mama, sana lagi tayong ganito. Sana every sunday may family bonding tayo. "
"Of course baby. Kahit busy si ang papa mo lagi sa company, hindi siya mawawalan ng oras sa atin. Tsaka kapag busy naman si papa, we can have our girl bonding. Wala namang trabaho si mama, lagi kitang sasamahan. "
"I love you mama. Thank you kasi lagi kayong nandiyan sa akin ni papa. "
"Of course honey. Ikaw lang ang meron kami ng papa mo. And we're thankful too. Kasi, kahit only child ka, hindi ka spoiled brat at lumaki ka ng maayos"
"That's because of you and papa, ma. You take care of me and raise me well. I'm so lucky that you are my parents"
Then, she hugged her mother tightly. Naramdaman niya namang hinalikan siya nito sa ulo niya.
"Ang sweet naman ng mga mahal ko"
Agad na humiwalay si Zane sa pagkakayakap sa mama niya at humarap sa papa niyang may tatlong ice cream na dala.
Kinuha naman niya ang isa roon, habang ang isa naman ay ibinigay ng papa niya sa mama niya.For Zane, yun na ang pinakamasayang family bonding ang naranasan niya. No luxury things or out of towns. Just the three of them, her mom and her dad beside her. She's contented with it. She's happy with it. Just her family happy and safe, she's okay with it.
Pero tulad ng sabi ng iba, nothing is permanent, including happiness. Nasa kotse sila noon at maulan. Pauwi na sila sa bahay nila. Sobra ang kaba na nararamdaman niya ng mga oras na iyon sa hindi malamang dahilan, kaya't laking pasalamat niya ng makauwi sila ng ligtas ng pamilya niya. Ngunit, kinabukasan ay nagkaroon ng isang urgent meeting. Magkakaroon ng isang event sa Tagaytay na kung saan dadalo ang mga CEO ng mga kompanyang kasama sa List of wealthy business man sa Pilipinas. Kasama ang kompanya nila roon. Gusto sana ni Zane na sumama sa magulang niya sa nasabing event pero hindi pwede. Tanging CEO at ang asawa/girlfriend lang nito ang maaaring umattend ng event. Kung kaya't walang nagawa si Zane kundi ang maiwan sa bahay nila. Sa tabi pa siya ng magulang niya matulog ng mga oras na iyon dahil nagtatampo siya. Hindi akalain ni Zane na iyon na pala ang huling gabing makakatabi niya sa pagtulog ang magulang niya, huling beses na family bonding na mararanasan niya at huling araw na makikita niyang buhay at nakangiti ang magulang niya.
Zane was so hopeless ng makita ang bangkay ng magulang niya. Papauwi na noon ang magulang niya sa nasabing event ng bumangga ang sasakyan ng mga ito sa kasalubong na ten wheeler truck. Dead on arrival ang mga magulang niya. Ang sabi ng mga pulis, sira ang preno ng sasakyan ng magulang niya kaya hindi ito nakaiwas sa kasalubong na truck. Bagay na hindi niya alam kung papaniwalaan niya o hindi. Kailanman ay maingat ang papa niya sa pagmamaneho, lagi nitong tinitingnan ang preno at kondisyon ng sasakyan. Kaya't hindi lubos maisip ni Zane na sira ang preno ng sasakyan ng papa niya.
Day after her parents death ay dumating ang tita Carmen niya kasama ang mga pinsan. At first maayos ang trato nito sa kanya hanggang sa tumagal ay nagbago ang pakikitungo ng mga ito. Dahilan para hindi siya makapagpatuloy ng pag-aaral at mapilitang magtrabaho na lang, and the rest is the history.
[Back to present]
Hindi alam ni Zane na tumutulo na pala ang luha sa mga mata niya habang inaalaa ang nakaraan. Impossibleng may kinalaman si Zeke sa nangyari, at kung meron man alam niyang hindi iyon ginusto ng binata.
MAHIGIT sampong minuto na ng magpaalam si Zane sa banyo at hanggang ngayon ay wala pa rin ito. Kanina pa naghihintay si Zairene sa kinauupuan at hindi niya maiwasang hindi mag-alala sa dalaga.
'Patay ako sa dragon kapag napahawak ang reyna niya'
Agad na tumayo si Zairene at naglakad patungo sa banyo.
"Ahh! "
"Ouch! Watch your step bitch! "
Napatayo sa gulat si Zairene ng marinig ang boses ng babaeng nakabangaan niya sa hallway papuntang banyo. Hindi na niya nakita ang mukha nito dahil naglakad na ito palayo sa kanya ng makabawi ito sa pagkakabungo.
'That voice! I know that voice! '
Sigaw ni Zairene sa isipan niya habang abot abot ang kaba. Mas lalo siyang kinabahan ng maalala niya si Zane na hanggang ngayon ay nasa banyo pa rin. Tinakbo niya ang hallway at agad na pumasok sa banyo.
Doon ay nakita niya si Zane na tulala at umiiyak sa kawalan. Agad niya itong nilapitan at niyugyog. Malakas ang kutob niyang may kinalaman ang babaeng iyon sa nangyari.'This is bad. That bitch is here now, and her presence means danger. Kailangan niyang makausap ni Zeke. '
"Zane? Zane? " niyugyog niya ang balikat ng dalaga na wala pa ring tigil sa pag-iyak. Hindi siya tinitingnan nito. Blangko lang ang mga mata nito habang umiiyak.
Agad niyang dinukot ang cellphone at tinawagan ang kapatid.
"What the hell Zai! I'm on the mee-"
She cut him off"Emergency. Umuwi ka kaagad, si Zane!"
"Fuck! I'm coming"
Agad na pinatay ni Zairene ang tawag at hinawakan ang dalaga sa kamay.
"Zane do you hear me? Zane? Uuwi na tayo come on" inakay niya ang dalaga palabas ng banyo at laking pasalamat niya ng sumunod ito. Pinagtitinginan sila ng mga tao hanggang sa makalabas sila ng mall. Zane is so silent! Hindi ito nagsasalita at patuloy lang sa pag-iyak hanggang sa makasakay sila ng kotse.
Agad niyang minaobra ang sasakyan at dali daling tinawagan ang OB na kaibigan habang nag mamaneho. Nang sinagot ay hindi na niya itong hinayaan magsalita.
"Emergency. In Zeke's mansion. Hurry! "
Then, she end the call and drive the car fast but surely safe as possible.
'This is dangerous. They need to execute the plan as soon as possible! '
"Shit! "
__________________
A/N: Sorrry for the very late update. I'm just so busy. Hope you understand. I'll try to update later but I'm not promising. Thanks for waiting!Thank You!!
BINABASA MO ANG
Mafia Series 1: A Hot Night With A Mafia King (Completed)
RomanceI woke up in an unfamiliar place. "Ouch" daing ko ng kumirot bigla ang Cherry pop pop ko. Shit my ang sakit ng ulo ko. "Where Am I?" Wala sa sarili kong tanong at inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Nangunot ang noo ko ng mapansing wala ako...