Chapter Twenty Six

20.4K 529 13
                                    

TAHIMIK na pinagmamasdan ng dalawang tao ang mga tao sa loob ng mansion ni Zeke. Malayo silang nakatayo sa labas ng mansion ng binatang Mondragon, ngunit gamit ang high tech telescope ay nakikita nila ito ng malinaw at maayos.

"Sa tingin mo ba ay gagana ang plano natin? " tanong ng lalaki sa babaeng kasama.

"Kailangang gumana ang plano natin para matapos na ang lahat ng ito. Masyado ng matagal ang pagdudusa na nararanasan natin dahil sa taong yun. " sagot naman ng babae rito.

"Mahihirapan tayo alam mo yan. Tuso at matalino ang kalaban natin. Kahit pa alam na natin ang binabalak ng isa sa kanila ay hindi dapat tayo mapanatag. Dahil maaaring pinaglalaruan lang din nila tayo. "
Lintaya ng lalaki sa babaeng kasama na ngayon ay natahimik bigla.

Huminga ng malalim ang babae at ibinalok ang tingin sa mga taong nasa mansion. Hindi maiwasang hindi mapangiti ang babae sa nakikita. Parang bata ang Mondragon na nakabusangot at nakayakap sa buntis nitong asawa. Habang ang dalagang Mondragon naman ay may sinasabunutang lalaki, kilala niya ang lalaking iyon at ang iba pang nasa loob ng mansion. Ito ay mga tagapagmana din ng kanilang pamilya nila. Mga normal na mamamayan at business man and woman ito para sa karamihan, ngunit sa kabila ng pagkatao ng mga ito ay ang masalimuot at bayolenteng mundo.

Dahan dahang ibinaba ng babae ang telescope at lumingon sa kasamang lalaki. Madilim na at walang makakapansin sa kanilang dalawa, kung kaya't panatag sila kahit walang takip ang kanilang mukha.

"Umuwi na tayo. Gusto ko ng magpahinga. " wika ng babae. Tumango naman ang kasama niyang lalaki at sabay nilang nilisan ang lugar at naglakad palayo.

HINDI mapigilan ni Zane na hindi pisilin ang mukha ng asawa dahil sa pagbusangot nito. Kanina pa kasi siya nito inaaya sa kwarto nila para magpahinga, pero tinanggihan niya dahil gusto niya pang makipagkwentuhan sa kapatid at mga kaibigan nito.

"Hoy unggoy! Tantanan mo nga si Zane! Mamaya pa siya aakyat at matutulog. Alas otso pa lang ng gabi, maaga pa para matulog! " singhal ni Zairene sa kapatid.
Pinukol naman siya ng masamang tingin ni Zeke at sinagot ng pasigaw.

"Why do you care? My wife is pregnant! Dapat lang na maaga siyang matulog. Wag mo siyang itulad sayo na mukha ng panda dahil sa eyebags mo. Pangit ka na. " pang-iinsulto ni Zeke sa kapatid na babae dahilan para batukan siya ng asawa.

"Napaka mo talaga! Mamaya na kasi tayo matulog, hindi pa ako inaantok. Tsaka bakit sinisigawan mo si ate Zairene ha? Napaka bastos mo talaga. Ate mo pa rin yan, gumalang ka nga. " saway ng dalaga sa asawa niya dahilan para bumusangot at magdrama na naman ito sa kanya.

Ngising aso naman ibinigay ni Zairene sa kapatid na simaan lang siya ng tingin at inirapan.

'Kung hindi ko lang alam na patay na patay 'to kay Zane, iisipin ko talagang bakla 'tong kapatid ko' naiiling na mungkahi ni Zairene sa isipan at pagkuwa'y nilingon ang lalaking kanina pa nakatitig sa kanya. It's Ralph.

Tinaasan niya ito ng kilay at inirapan. Ngumisi lang ang si Ralph sa kanya at naiiling na bumaling sa pwesto nina Zeke at nagseryoso.

"Zeke, regarding sa pinaiimbestigahan mo, nahanap na namin. May kalakihang isda pero, isda lang siya, pating ka. " mungkahi ni Ralph kay Zeke dahilan para mapangisi ito.

Last week ay inutusan ni Zeke si Ralph na hanapin ang taong nagngangalang Arthur Lopez. Ang lalaking nangharass sa asawa niya dahilan para bulyawan ito ng boss nito kahit hindi maayos ang pakiramdam ng dalaga.

Iyon ding araw na iyon ay nalaman niyang sa dating mansion nila rito sa Manila namalagi ang magulang. Hindi ito sa mansion niya natulog o ano man. Pagkatapos ng araw na sinagot niya ang magulang ay hindi na niya ito nakita o nakausap. Maging ang dating kasintahan.

Hindi alam ni Zeke kung bakit walang reaction o sinabi man lang ang ama niya sa nangyari. Kahit ang kapatid at mga kaibigan niya ay nagulat roon. He know his father very well, kung ang aura pa lang nito ay nakakatakot na, mas kilabutan ka sa lamig ng boses nito magsalita. Kahit siya ay kinikilabutan at takot sa ama, pero pinilit niyang labanan iyon para sa mag-ina niya.

Ito ang unang pagkakataon na pakiramdam niya ay malaya siya, na masaya siya at kontento siya sa buhay. Hindi niya hahayaang masira iyon at mawala sa kanya. Mamamatay muna siya.

MAAGA pa lang ay nagising na si Zane para ipaghanda ang damit ng asawang papasok sa opisina. Ang mga kaibigan naman ni Zeke ay umalis dahil may huhulihin daw silang 'isda'. Hindi alam ni Zane kung anong isda ang tinutukoy ng mga ito dahil pero malakas ang kutob niya na ang isda na tinutukoy nito ay tao. Naiiling na lang si Zane at hindi na nangulit sa 'isdang' tinutukoy ng mga ito. Naiintindihan niya namang parte iyon ng trabaho nila.

Agad na nilingon ni Zane ang banyo ng magbukas iyon. Lumabas roon si Zeke na nakatapis lang na agad na lumapit sa kanya at hinalikan siya.

"Zeke! Mababasa ako! " natatawang humiwalay naman ang binata at nagpunas. Ibinigay naman ni Zane ang suit na susuotin ng asawa at ang walang hiya ay nag bold show sa harap niya. Ngingisi-ngising nagbihis na parang walang kasama sa loob ng kwarto.

"Zeke! Napakabastos mo talaga! Pwede namang magbihis ng nakatikod! Sa harap ko pa talaga ikaw nagbihis! "

"Nakita mo na naman yan eh. Natikman at nahawakan mo pa. Sarap na sarap ka pa nga at sumisigaw tuwing-"

Agad na pinagbabato ni Zane ang asawa ng unan. Namumula na ang buong mukha niya sa hiya habang ang malandi niya namang asawa ay tatawa tawa lang at expertong iniilagan ang mga binabato niya.

"Enough baby, baka mapano ka. " natatawang saway ni Zeke sa kanya.

Agad naman siyang huminto at sinamaan ng tingin ang binatang natatawa lang sa kanya.

"Manyak! Hmmp! Bahala ka na nga jan! Bababa na ako. Bwesit ka! "

Naiiritang lumabas si Zane ng kwarto habang si Zeke naman ay tatawa tawa lang habang inaayos ang damit na suot.

His wife is very gorgeous. He loves teasing her and making her blush. She looks more gorgeous when she blush. But she is much more gorgeous when she's naked. Delicious, smooth, creamy and smells good sexy body of his wife is enough to give him a massive boner and set him on fire.

'Damn! Matapos ka lang manganak, bubuntisin ulit kita. '

Ngising wika ni Zeke sa isipan at kinagat ang ibabang labi habang gumagawa ng plano kung paano at saan niya sunod na bubuntisin ang asawa.

'We should explore more. Hmm. I should teach her different positions and such. Yeah! Good idea Zeke. Good Idea. '

_______________________
A/N: Hello sushis! Sorry for the very very late update. Linggo kasi ngayon so meaning labada day,  so busy at pagod. Hope you understand. Pero may chika ako, alam niyo bang manyak si Zeke? Balita ko hindi pa nanganganak asawa niya may balak na naman Siyang buntisin. Naawa tuloy ako kay Zane. Ang hilig ng asawa niya. Pity. Haha. Hope you like my update 😊😊❤.

Mafia Series 1: A Hot Night With A Mafia King (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon