Zeke and Zane decided to celebrate their honeymoon in Baguio, because Zane wants to celebrate it there. She wants to spend their honeymoon where they got married. That place has a value for Zane, that's the place wherein she can tell the world that she's officially Zeke Travis Mondragon Wife.
They spend their one week honeymoon there. For her, that's the most amazing thing happened to her life. Hindi rin pinalampas ni Zeke na hindi siya galawin, araw man o gabi. Kahit na may kalakihan na ang tiyan niya, ang kamanyakan ni Zeke ay hindi pa rin nabawasan. Lagi siyang pinapagod ng asawa, at gusto rin naman niya iyon. Impokrita siya kung sasabihin niyang hindi niya nagustuhan ang ginagawa ng asawa. Zeke is yummy and so fucking irresistible and beside, she's pregnant, mataas ang libido ng mga buntis according sa OB niya. Isa pa, pwede naman silang mag sex ng asawa kahit 6 months na ang tiyan. Naiiling na lang si Zane sa mga iniisip. Naging lumot na ang utak niya dahil sa kamanyakan ni Zeke. Gone the innocent Zane. Gone the old her.
Huminga ng malalim si Zane at naglakad palabas ng kwarto nila ng binata. Bumaba siya at nagtungo sa kusina, kung saan naroon ang matandang mayordoma. Umalis si Zeke para pumunta sa opisina nito. Habang si ate Zairene naman ay nasa basement ng Mafia na pinamamahalaan ni Zeke, kasama roon ang mga kaibigan ni Zeke.
Simula ng malaman niya ang tungkol sa totoong pagkatao ni Zeke ay mas naging open na sila sa isat isa. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin natatanong sa asawa ang tungkol sa accident na nangyari sa magulang niya. May tiwala siya kay Zeke, kaya hindi na niya binanggit dito ang sinabi ng babaeng nakapula sa banyo.
"Oh hija! Halika, umupo ka dito. May gusto ka bang kainin? " agad na tanong ni Nay Tessa ng makalapit siya. Umiling lamang siya rito at umupo malapit sa matanda.
"Ayos lang po ako Nay. Masyado po kasing tahimik sa kwarto namin ni Zeke kaya lumabas muna ako"
"Ayy naku pasensiya ka na hija. Siguradong babawi rin sayo yung alaga ko. Maaga yung uuwi wag kang mag-alala"
"Naiintindihan ko naman si Zeke Nay Tessa. Hindi po madali ang ginagawa at trabaho niya and besides, para sa kaligtasan natin ang ginagawa niya"
"Tama ka hija".
Ngumiti lang si Zane sa matanda at pinanood ito sa ginagawang paghihiwa, ng may biglang narinig silang sasakyan na huminto sa labas ng mansion at panay busina.
Napakunoot ang noo ni Zane at biglang napahawak sa dibdib, sunod ay sa kanyang tiyan. Hindi maganda ang pakiramdam niya sa mga posibleng bisita sa labas. Kinakabahan siya at natatakot ng hindi niya alam.
"Masyado naman yatang maaga para umuwi si Zeke. Nagsabi ba siyang uuwi siya ngayong tanghali hija? "
Umiling siya sa matanda at tumayo. Naglakad siya papuntang sala upang silipin ang dumating, ngunit hindi pa siya niya nararating ang front door ng may sunod sunod na pumasok doon.
Isang maganda at mapusturang nasa middle age na babae ang naunang pumasok, hawig iyon ni Zairene. Sumunod doon ang isang lalaki na may kaedaran na rin, mababakas ang autoridad sa aura nito at halos malaglag ang panga niya ng mapagtanto ang kamukha ng lalaking iyon.
'I'm hundred percent sure that they are Zeke and ate Zai parents! What are they doing here?! '
Muling napabaling ang atensyon ni Zane sa isa pang babaeng pumasok. Napakaganda at mukhang anghel ang babaeng huling pumasok. Nakasuot ito ng black dress na may mababang neckline, kaya kitang kita ang malulusog na dibdib at cleavage nito. Hanggang hita lang ang dress na iyon kaya lantad na lantad ang mahahaba, makinis at maputing hita ng babae. Abot abot ang kabang nararamdaman ni Zane habang nakatingin sa mga bagong dating. Alam niyang magulang ng asawa niya ang dalawa rito ngunit, hindi niya alam kung sino ang babaeng kasama ng mga ito.
BINABASA MO ANG
Mafia Series 1: A Hot Night With A Mafia King (Completed)
RomanceI woke up in an unfamiliar place. "Ouch" daing ko ng kumirot bigla ang Cherry pop pop ko. Shit my ang sakit ng ulo ko. "Where Am I?" Wala sa sarili kong tanong at inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Nangunot ang noo ko ng mapansing wala ako...