Chapter Sixteen

23.8K 542 15
                                    

SA LOOB ng tatlong buwan ay mas naging matatag ang pagsasama nina Zeke at Zane. Para silang totoong mag asawa kung gumalaw sa loob ng mansion, official na papel at lebel na lang ang kulang. Apat na buwan na ang dinadala ni Zane at hindi normal ang laki nun' para sa isang four months pregnant. Kung kaya't nagpasama si Zane kay Zairene na magpa ultrasound para malaman ang gender ng anak. Gulat at saya ang naramdaman ni Zane ng malaman na kambal ang anak nila ni Zeke. Isang lalaki at isang babae. Wala siyang balak ipaalam iyon sa binata, dahil nais niyang surpresahin ito sa oras ng kanyang panganganak.

Minabuti naman ni Zairene na manatili rin sa Pilipinas at sa mansion ni Zeke hanggang sa manganak si Zane. Pabor naman iyon sa dalaga dahil hindi siya nag-iisa tuwing papasok ang binata sa trabaho. Sa loob ng tatlobg buwan na pagsasama nina Zeke at Zane ay mas naging malapit pa sila sa isat isa. Mas lalong minahal ng dalaga ang binata gayundin naman si Zeke.

Tuwing papasok si Zeke sa trabaho ay si Zane na ang nahahanda ng mga gagamitin at susuotin ng binata. Natutuwa naman roon si Zeke at sinusuklian ng magagaan na halik ang dalaga.

Naging panatag ang pakiramdam ni Zane sa loob ng mga nagdaan na buwan, ngunit lagi siyang handa at nakikiramdam sa mga nangyayari. Minsan naman ay gusto niya tanungin ang binata kung ano pa ang ibang trabaho nito maliban sa pagiging CEO ng sariling kompanya. Madalas kasi itong hatinggabi na kung umuwi, at may pagkakataon na ganun din ang ate nito.

Nagtataka siya at nilalamon ng kuryusidad, lalo na ng minsan may makita siyang ibat ibang klase ng baril sa opisina ng binta. Aksidente lamang niya iyong nakita, hinahanap niya kasi ang presensiya at amoy nito minsan, kung kaya't madalas ay nakatambay siya sa opisina nito. Isang secret passage ang nakita niya roon. Akala niya ay simpleng malaking painting lang ang bagay na iyon pero aksidente niya iyong nadiinan at natulak dahilan para magbukas ang isang pinto na mula sa sahig. Para iyong basement o underground, maganda ang nasa ilalim, malinis at parang bahay bahayan lang. Pero ang naagaw ng atensyon niya ay ang iba't ibang klase bg baril, espada at kung ano ano pa ang nakita niya. Hindi niya alam ang gagawin niya ng mga oras na iyon. Naghahalo ang kaba at takot niya. Pero inalala niya ang sinabi ni Zairene sa kanya.

'He will never hurt you. Trust him.'

Kinalma niya ang sarili niya habang paulit ulit na inaalala ang sinabi ng ate nito. Zeke loves her. She know that already at ramdam niya iyon. Hindi siya sasaktan ng binata. May tiwala siya kay Zeke.

May ideya na siya sa kung ano ang pagkatao ng binata pero hindi siya nagsalita. Umakto lang siya ng normal ng makita iyon. Alam niyang marami nang iniisip si Zeke at ayaw niyang makidagdag. Gusto niyang ito mismo ang kusang magsabi sa kanya ng pagkatao nito.

HABANG abala si Zane sa pag-aayos ng damit nila ni Zeke, pumasok doon si Zairene at agad na nilapitan ang dalaga.

"Let's go to the mall. Gusto kong bilhan ng mga laruan ang mga pamangkin ko. Excided na akong makita sila!" Masayang turan ni Zairene kay Zane dahilan para matawa ito at tumango.

"Sige. Maliligo lang ako saglit at tatawagan ang manager ng kompanya namin. Baka next week ko na sila bisitahin" sagot lang ni Zane rito. Agad namang umalis si Zane at naggayak na rin ng susuotin.

Zeke never failed his promises to her. Binawi nito ang kompanya ng magulang niya na ibenenta ng Aunte niya. Wala na rin ang mga ito sa bahay nila at hindi na niya al kung nasaan. Kusa itong lumayas roon at laking pasalamat niya ng walang kahit na anong importanteng gamit ang dinala ng mga ito. Binibisita niya rin ang bahay nila, minsan ay si Zeke ang kasama niya sa pagbisita roon. Kung minsan naman ay isa sa mga kaibigan nito o kaya ang ate Zairene niya. Mas lalong napalapit ang loob niya sa mga ito at nag boluntaryo pang magiging ninong ng mga anak niya.

Hindi naman nagtagal ay nakapagbihis na si Zane. Lumabas siya sa kwarto at hinanap si Zairene. Nakita naman niya itong nakaupo sa sofa at agad na tumayo ng makita siya.

Zairene is wearing a sleeveless baby blue dress na above the knee. Habang siya naman ay isang paternity creamy color dress na hanggang tuhod. Pareho silang naka flat shoes. Tinext naman niya si Zeke ng makapasok na sila ng kotse.

To: My baby😍
'Ate Zairene and I will go to the mall at this moment. We'll be home before the 6pm. '

Unlike before, mas maingat na pagmamaneho ni Zairene ng sasakyan. Gone the race driving habit when she's with Zane. Zane's and her nephews safety is important. Also kinausap rin ni Zeke si Zairene sa pagmamaneho nito.

30 minutes later ay narating na nina Zane at Zairene ang mall. Actually this mall is one Zeke's property. Kaya hindi na nila kailangan magbayad kung may gusto sila. They can have it free.

"Ate, magbabanyo lang ako. " paalam ni Zane kay Zairene. Tumango naman ito at hinalikan sa pisnge ang dalaga.

"Sure, I'll wait there okay. Hurry up. Keep safe sister in law"

Natatawang tumango na lang si Zane at naglakad patungo sa banyo. Nang makapasok siya sa loob ng banyo ay walang tao, pero ng makalabas siya ay may nakita na siyang nakapulang babae na nakaharap sa salamin at naglalagay ng lipstick.

Maganda ang babae, matangkad ito. Kasing tangkad ng ate ni Zeke pero mas naging matangkad pa itong tingnan dahil sa four inches red stiletto nito. Napangiwi siya sa taas noon at naghugas na lang ng kamay.

Hindi niya maiwasang hindi titigan ang babae sa salamin. Blue eyes, long curly brown hair, pointed nose, at thin red lips.
Hindi tuloy maiwasan ni Zane ang hindi makaramdam ng insecurity. This woman is very gorgeous. Siguradong maraming nagkakandarapang lalaki ito.

Tinapos na ni Zane ang paghuhugas ng kamay at nagpatuyo. Akmang lalabas na siya ng rest room ng magsalita ang babae.

"So you are Zane. The current girlfriend of Zeke Mondragon"

Napakunot naman ang noo niya sa sinabi nito at humarap dito. Baka pinaglalaruan lang siya ng pandinig niya.

"Excuse me? Do you know me? "

"Who wouldn't know the woman na binabahay ng isang Mondragon? Yuri Aika Zane Montenegro. The daughter of Zarina and Akiro Montenegro. Your parents were dead three years ago because of an accident right? But, how sure you are na aksidente nga ang nangyari? Malay mo may alam pala ang boyfriend mo. "

Nakangising sabi nito sa kanya habang siya naman ay tulala lang na nakikinig rito. Hindi siya gumagalaw sa kinatatayuan, pinoproseso ng utak niya ang mga sinasabi nito.

'Anong kinalaman ni Zeke sa pagkamatay ng magulang niya? '

"Tito Zandro and tita Thalia will never like you for their son. Zeke is engaged already, and you, you are just a fancy girl. So back off and leave him alone. Sagabal ka lang at ng anak mo sa buhay niya dear, wake up. Hindi kayo bagay. "

And with that, the woman left her in the bathroom confused and crying.

_________________
A/N: Sorry for the very very late update. Labada day kasi ngayon kaya pagod ang mommy niyo. By the way high way hope you like my update and thanks for waiting. As you can see naka fast forward siya. Magtatagal kasi tayo kapag inisa isa ko pa ang nangyari sa loob ng tatlong buwan. So enjoy!

Thanks for supporting my story!

Mafia Series 1: A Hot Night With A Mafia King (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon