HAPON na ng makabalik ako sa silid ni Zeke. Napatagal kasi kwentuhan kanina sa hapag at naaaliw rin ako masyado sa mukha ni Andrei. Pinakuhanan ko pa siya ng litrato kay Craige habang may suot itong kitty hairband at lipstick.
'Ang cute cute ni Andrei! Mukha siyang pusa'
Masayang wika ko sa isip ko habang tinitingnan ang mga litrato sa cellphone ko."Tss. Stop staring and giggling at that picture, will you? He's not even handsome."
Napaangat naman ako ng tingin sa nagsalita. Umismid lang ako ng makita ko si Zeke na nakapalmusang nakasandal sa pinto.
'Gwapo na sana ako antipatiko letse! '
"Psh! Pakialam mo ba? Tsaka anong hindi gwapo? Ang gwapo kaya ni Andrei, ang cute cute pa"
"Kailan pa naging cute ang mukha ni Andrei? Buntis ka lang kaya mo sinasabi yan. Baka pinaglilihian mo lang si-"
Nagtaka naman ako at tinaasan siya ng kilay ng tumigil siya sa pagsasalita. Kumunot naman ang noo ko ng bigla na lang siya magmura at dali daling kinuha ang cellphone niya sa bulsa. May pinindot pindot siya na kung ano doon at pagkatapos nilagay niya iyon sa tainga niya.
'Oh? Baka nakalimutan niyang tawagan ang girlfriend niya kaya nagmura na lang bigla. Psh! Malandi! May girlfriend na pala tapos-'
"Craige? Kasama niyo pa ba si Andrei"
Kunot noo naman akong nakatingin kay Zeke na ngayon ay kunot noo rin habang kausap si Craige sa cellphone niya. Ba't naman niya hahanapin si Andrei? May nakalimutan ba siyang iutos dito?
"Good. Tell him na hindi na siya pwede pumunta dito sa bahay. Hindi siya pwedeng makita ni Zane. What? Of course not! Why would I? Just do what I have said or else you'll be dead"
Then he click the end button and face me.
"Bakit hindi na pwede pumunta si Andrei dito?! "
Nagmamaktol na sabi ko sa kanya. Umismid naman siya at lumapit sa akin. Tinapatan niya ang mukha ko at halos maduling ako sa sobrang lapit ng mukha niya.
'Pwede ko na siya hahalikan kung gugustuhin ko'
'Malandi! Buntis ka na nga, kumakarengkeng ka pa! '
"Look me in my eyes, baby"
Utos niya, nakasimangot ko naman na sinunod siya. Para akong nahihipnotismo sa mga mata niya. Ang ganda ng mata niya, he has this a pair of green eyes, long and thick eyelashes, ang pungay ng mata niya.
"Am I handsome right? "
Wala sa sarili akong napatango habang nakatingin pa rin sa mata niya.
"More handsome to Andrei right? "
Tumango lang ulit ako sa kanya. Bumaba naman ang tingin ko sa labi niya. Mapupula at mukhang malambot ang mga iyon. Wala sa sariling napahawak ako sa labi ko habang nakatingin pa rin sa labi niya.
'Bakit parang mas mapula ang labi niya keysa sa akin? '
Tanong ko sa isipan ko. Napansin ko naman ang paggalaw ng labi niya at pagsilay ng ngisi roon. Tsaka lamang ako napabalik sa reyalidad dahil doon. Ramdam ko ang pag-iinit ng magkabila kong pisnge ng mapagtanto ang nangyari at ginawa ko.
'Nakakahiya! Pinagnanasaan ko siya sa mismong harap niya!'
Akmang tatayo at tatalikod ako sa kanya ng hapitin niya ako sa bewang at mas lalong inilapit sa kanya. Nakatungo lang ako at hindi pa rin makita sa mukha niya dahil sa hiya. Narinig ko naman ang tawa niya dahil dun' at hinawakan niya ang baba ko para mapilitan akong tumingin sa kanya.
Alam kong parang kamatis na sa pula ang mukha ko pero sinusubukan kong tapatan ang titig niya.
"Look, I know that you are very much pregnant with me and I promise I'll do everything just to help you with your pregnancy, but not this one. " He said while still staring intently to me.
"What do you mean? " nagtatakang tanong ko sa kanya.
"You, for liking Andrei face. Gusto ko mukha ko ang paglihian mo hindi mukha ni Andrei"
Nakasimangot na sabi niya.Natawa naman ako dahil sa sinabi niya.'Kaya niya ba pinagbabawalan na pumunta dito si Andrei at makita ko dahil ayaw niyang paglihian ko 'to? ' napangiti naman ako sa isiping iyon.
"Andrei is a nice guy and handsome"
Mahinahong wika ko, wala na ang hiyang nararamdaman ko kani kanina lang. Pero ang mga braso ni Zeke ay nasa bewang ko pa rin, kaya nakakaramdam na naman ako ng kakaibang kiliti sa puson ko."Nice my ass! Mas gwapo ako dun"
"I know, you're the father of my baby so you must be"
Ngumisi naman siya dahil sa tinuran ko at naiiling na sumiksik sa leeg ko. Nagulat naman ako sa bigla niyang pagsiksik at paghigipit ng yakap sa akin. Naramdaman ko pang inaamoy amoy niya ang leeg ko kaya pilit kong tinatagilid ang ulo ko dahil sa kiliti.
"Z-Zeke nakakakiliti. Umalis ka jan"
Hindi naman niya ako pinakinggan at mas lalong nagsumiksik at sininghot singhot ulit ang leeg ko.
Gosh!Alam kong tapos na ako maligo pero pakiramdam ko kailangan ko ulit maligo dahil pawisan ako kanina.
"Zeke isa! Alis diyan! Kailangan ko nang umuwi. "
Doon lamang siya tumigil sa pagsinghot at madilim ang mukhang humarap sa akin.
"You're not leaving. I told you that you will live with me"
"I know and I will live with you"
"Then why you want to leave and go home?" matigas na tanong nito sa akin kaya napabuntong hininga na lang ako at tinaasan siya ng kilay.
"Wala akong damit dito. Kailangan kong kunin ang mga damit ko sa bahay-"
"We can buy your new clothes"
"Of course we can pero kailangan kong magpaalam kay Aunte at sa mga pinsan ko. Baka mag-alala sila na hindi na ako umuwi roon"
'As if may paki sila sayo! Pera lang kailangan nila'
"At isa pa may mga naiwan na gamit sina mama at papa doon na kailangan kong kunin. Mga importante yun sa akin, yun na lang ang meron akong alala sa magulang ko"
Lumambot naman ang mukha niya sa sinabi ko at niyakap ako. Naramdaman ko naman ang paghalik niya sa ulo ko bago humarap sa akin. Nagulat ako sa ganung gesture niya pero hindi ko na lamang pinansin.
"Fine. But I'll come with you. "
"Kaya ko naman eh" nakasimangot na sabi ko.
"No. You're pregnant baka kung ano pa ang mangyari sayo, I'll come with you and that's final. "
Hindi na ako sumagot at tumango na lang.
"Bukas na lang natin kunin ang mga gamit mo. You can use my shirt and boxer kapag naligo ka then ipalaba na lang natin sa maids ang mga damit mo para may gamitin ka bukas"
Tango na lamang ang isinagot ko bago umalis sa pagkakayakap niya at humiga.
"Sleepy again? "
"Yeah. Mamaya na ako maliligo, I'm really sleepy" Halos hindi ko na marinig ang boses ko sa hina nun'.
Narinig ko pa ang mahihinang tawa ni Zeke bago ko siya naramdaman sa tabi ko.
"Well, I'm sleepy too. I'll sleep with you then"
Hindi ko na pinansin ang sinabi niya. Naramdaman ko na lang na ang mga matitipunong braso na pumulupot sa bewang ko at magaan na halik sa ulo ko bago ako lamunin tuluyan ng antok.
________________
A/N: Sorry for the late update. I was busy kaya hindi ako nakapag update agad.
Well, hope you like this chapter!
BINABASA MO ANG
Mafia Series 1: A Hot Night With A Mafia King (Completed)
RomanceI woke up in an unfamiliar place. "Ouch" daing ko ng kumirot bigla ang Cherry pop pop ko. Shit my ang sakit ng ulo ko. "Where Am I?" Wala sa sarili kong tanong at inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Nangunot ang noo ko ng mapansing wala ako...