Chapter Twelve

29.5K 614 9
                                    

Mabilis na bumangon si Zane sa kama ng maramdang niyang parang hinahalukay ng kung ano ang loob ng tiyan niya. Agad siyang pumasok sa banyo at doon ay sumuko. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa gilid ng bowl habang patuloy pa rin sa pagsuko.

Narinig naman niya ang pagbukas ng pinto ng banyo at ang mga yabag na papalapit sa kanya. Hindi na niya kailangang silipin sino iyon, dahil alam niyang si Zeke iyon.

"Fuck! Are you okay? " tanong nito ng makalapit sa kanya. Hinawakan nito ang buhok niya at itinali pataas gamit ang tali niya sa kamay. Hindi niya ito nasagot at patuloy sa pagsuka hanggang sa laway na lang ang sinusuka niya.

Nanghihinang nasubsob siya roon at dahan dahang tumayo para maghilamos at magsipilyo. Nakasunod lang si Zeke sa kanya at inaalalayan siya. Ito na rin ang naghanda ng tubig sa bath tub, nag set ng temperature ng shower at ng towel para sa kanya.

"Do you want me to help you bathing? "
Zeke asked on her. Umiling lang siya at itinulak ito palabas ng banyo.

Mabilis na ibinabad ni Zane ang sarili sa bath tub at pumikit. Gusto niyang ma relax ang isip niya ngayong araw. Medyo na stress siya ng mga nakaraang araw. Kailangan niya ring ipa-check sa OB ang baby niya. Kakausapin na lang niya si Zeke tungkol doon.

Mabilis niyang tinapos ang pagligo at lumabas ng banyo ng nakatapis lang. Akala niya ay umalis na si Zeke ng kwarto dahil sa tagal niya sa banyo, kaya nagulat siya ng makita itong nakaupo sa kama at tahimik na naghihintay.

"Come here let me help you" akay nito sa kanya. Lumapit naman siya dito at hinayaan itong tulungan siya.

Kumuha siya ng isang kulay gatas na dress sa closet, cycling at isang ng kulay pulang underwear at bra. Ibinigay niya iyon kay Zeke lahat at hinubad sa harap nito ang tuwalyang nakapulupot sa katawan niya.

Muntik na siyang mapatawa ng makita ang pagnanasa sa mukha nito at akmang hahawakan ng kamay nito ang dibdib niya ng tapikin niya iyon.

"No touching. Bihisan mo lang ako since yoi insist"

"Just one touch" parang batang sabi nito pero umiling lang siya at tinawanan ang pagbusangot nito.

Yumuko ito sa harapan niya at kinuha ang underwear niya. Tiningnan siya nito para sabihing suotin niya na ang underwear niya or else magdamag ulit siyang walang damit. Naiiling na siunot niya naman iyon at sunod ay ang kanyang bra. Sunod nitong pinasuot ang cycling niya then her dress.

Napatawa siya ng bumuntong hininga ito paktapos siya nitong madamitan. Nakasimangot ito at masama ang tingin sa kanya na para bang may kasalanan siyang ginawa.

"What? Haha"

"You witch! You're seducing me! "

"I'm not! Pinagbigyan ko lang ang gusto mo. "
"Humanda ka sa akin mamaya"
Naniningkit na sabi nito at mabilis na naglakad sa banyo.

"Bilisan mo maligo, pupunta tayo ng clinic, magpapacheck up ako sa OB ko then punta tayo ng mall after! "
Sigaw niya rito. Tumango lang ito sa kanya bago pumasok ng banyo. Habang siya naman ay humarap sa salamin at nag-ayos.

She applied thin make up on her face. Ayaw niya sa makapal na make up, ayaw niyang magmukhang clown at feeling niya mabigat yun sa mukha. Minsan lang din siya mag make up, tuwing lalabas lang siya o kaya may okasyon. Pero mas madalas ay wala.

Hinintay niya na lang na matapos si Zeke sa pagligo. Sa labas na sila mag-aalmusal. Mabuti na lang at medyo maayos na ang pakiramdam niya.

Habang hinihintay ni Zane si Zeke ay kinuha niya ang cellphone niya para tingnan ang kanyang Facebook account.
Nakita niya ang mga messages dun na galing sa mga katrabaho niya, nagtatanong kung bakit hindi na siya pumapasok. Ang iba naman ay mga classmate niya dati na nangungumusta habang ang iba naman ay hindi niya kilala. Hindi na lang niya nireplayan ang mga iyon at pinatay na lang ang cellphone.

Kasabay ng pagpatay niya ng phone niya ay ang paglabas naman ni Zeke sa banyo. Wala sa sariling kinagat niya ang labi niya habang nakatingin dito.

'So yummy! '

Sigaw niya sa isipan niya habang nakatingin sa eight pack abs nito. Namumutok rin ang mga ugat nito sa braso at kamay, akala mo galit na galit. Nilawayan niya ang labi habang bumababa ang paningin niya sa gitna ng hita nito.

Maliit na tuwalya lang ang nakatakip sa ibabang parte ng katawan nito. Napapitlag si Zane ng Makita niyang gumalaw ang 'bagay' na iyon sa loob ng tuwalya.

"Keep staring at my dick and we'll end on that bed making love for the whole day. "

Doon lamang niya binawi ang tingin niya rito. Inirapan niya ito at tumayo mula sa pagkakaupo sa kama. Muli niyang pinasadahan ang buong katawan nito bago umirap ulit at lumabas ng kwarto.

"Bilisan mo! Sa labas na tayo mag-almusal. Nagugutom na ako, gusto ko ng pandesal! "

Sigaw niya rito na umami lang ng malulutong na tawa mula rito.

'Letse! Kasalanan to ng abs na yun eh! Pati noong jumbo hotdog na gumagalaw. Natakam tuloy siya'

Nagmamartsa siyang naglakad pababa ng hagdan at doon ay naabutan niya si Nay Tessa na naghahanda ng pagkain. Napakunot naman ang noo niya ng makitang maraming pagkain ang hinahanda ng matanda.

'May bisita ba? '

Hindi na lamang niya iyon pinansin at nagpaalam na lang rito na aalis sila ni Zeke at baka tanghali o hapon na makakabalik. Tumango na lamang ito at nagbiling mag-ingat sila.

Hinintay naman niyang bumaba si Zeke at ng makita niya itong pababa ng hagdan ay tumayo na siya.

Sabay silang naglakad palabas ng bahay, pero hindi pa sila nakakalayo ng may biglang tumawag kay Zeke at babae dahilan para mapahinto sila. Nilingon naman ito ni Zeke at mabilis na nilapitan at niyakap.

"You're back! "Masayang sabi ni Zeke rito habang yakap yakap pa rin.

"Of course na miss kita eh" malambing na sagot naman ng babae.

Nakatalikod ang babae sa kanya kaya di niya makita ang mukha nito. Sinipat niya ang suot nito. Nakasuot ito ng black cross backless dress na hanggang hita, matching black pointed heels. Makurba ang pangangatawan nito at maputi. Mas matangkad rito ito sa kanya. Patuloy niya lang na tinitogan ang babae, pero matalas yata ang pakiramdam nito dahil bigla itong lumingon. Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa bago muling humarap kay Zeke at nagtanong.

"Who is he Trav? "

________________
A/N: Good day hope you like my update. Any idea sino ang babae na yun? Well, let's see if she's an ally or an enemy. Just to tell you na baka walang update mamaya, pero susubukan ko. Nag email kasi ang school na inaplayan ko for college. So kinda busy.
Hope you understand and wait my next update. Bye!

Thank You for reading and supporting my story!

Mafia Series 1: A Hot Night With A Mafia King (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon