ONE WEEK without Zane is equal to one year hell for Zeke. Mababaliw na siya kahahanap at track sa dalaga. Kahit ang mga kaibigan niya. Wala rin siyang maayos na tulog at kain dahil sa sobrang pag-aalala. Napasabunot na lang si Zeke sa buhok at mabilis na tinungga ang alak, pagkatapos ay inihagis iyon sa pader.
Agad naman itong nilapitan ni Ralph para alalayan ng bigla itong tumayo at muntik ng matumba dahil sa kalasingan.
"K-kaya ko pa! Bitiwan mo ako! Hahanapin ko ang asawa ko! " tulak ni Zeke kay Ralph pero hindi naman sapat ang lakas ni Zeke upang tuluyang ialis ang kamay ni Ralph sa braso nito.
Tahimik lang na nakamasid ang ibang kaibigan ni Zeke na awang awa sa kalagayan ng binata. Ito ang unang pagkakataon na nakita nila ang kaibigan sa ganitong sitwasyon. Zeke look like a mess and miserable. He has dark circles under his eyes. He lose weight and smells stink. Nag-aalala na sila sa kalagayan ng kaibigan. Mas gusto nila ang Zeke na sumisigaw, laging galit, masama ang tingin, nagmumura at panay utos. Kaysa sa Zeke na nakikita nila ngayon na pinabayaan ang sarili.
"Wala pa bang balita tungkol sa Alexa na pinapahanap ni Zeke? " tanong ni Andrei kay Liam at Blake.
"Meron pero hindi pa sapat. May dalawang codes pang kina-crack si Liam para mapasok ang system na pinagtratrabahuan ng babae. " sagot ni Blake habang busy sa pagccheck ng mga CCTV sa bawat room ng hideout nila.
"System? What system? " nagtatakang tanong ni Ralph na nakalapit na sa kanila matapos ilagay ang tulog na si Zeke sa kama.
"Yes system. Orion's System to be exact. The Orion's Mafia na rival ng Mafia natin, nila Zeke. " sagot ni Liam habang tutok pa rin ang mata sa computer.
"Kaya pala malakas ang loob ng Alexa. Parte pala siya ng sindikatong iyon. " Craige said habang inaayos ang mga baril.
"Mas makakabuti kung pagkagising ni Zeke ay aayusin na niya ang sarili niya. Hindi niya maliligtas ang asawa niya sa ganyang kondisyon. " Caleb said.
"Gago naman kasi nila Van, Cole at Keir. Hindi man lang nila tayo kino-contact. " Blake.
"Tingin niyo buhay pa ang mga gagong yun? " Tanong ni Craige.
"Ang masamang damo matagal mamatay. Kaya siguradong buhay pa ang mga iyon, dahil hindi lang sila masamang damo. Mga matinik ang gagong damo yun. " natatawang sagot ni Liam.
"Tarantado! Iparinig mo yan kay Van para mauna ka sa hukay. " pananakot ni Andrei kay Liam.
"Ulol! Takot ka lang kamo kay Van! " Balik na sagot ni Liam.
"Nagsalita ang hindi nagtago sa likod ni Zeke ng bigla siyang sugurin ni Van ng katana. " pang iinsulto ni Andrei kay Liam na umismid lang.
"Tumahimik kayong dalawa, hindi nakakatulong ang bangayan niyo. Ayusin niyo na ang mga gamit." Utos ni Ralph sa mga kasama.
"Isa pa to. Demonyo rin. " bulong ni Andrei.
"May sinasabi ka Andrei? " Ralph na matalas ang tingin kay Andrei na biglang naging maamong tupa.
"Ako? Wala ah! Sabi ko ang gwapo mo talaga Ralph, kaya susundin ko lahat ng utos mo. Tutulungan ko na silang mag ayos ng gamit. Tara na Craige! Wag kang tatamad tamad jan. " sigaw ni Andrei at hinila si Craige na nag-aayos ng mga baril.
"Gago! Nag-aayos na ako dito, ikaw ang tamad! Layuan mo nga ako! Duwag! "
Hindi na lang pinansin ang dalawa at humarap na lang sa dalawang hacker ng grupo.
"Any update about Zane and our friends location? " tanong ni Ralph kay Blake.
"Yes, at hindi kayo maniniwala kung nasaan sila ngayon. " Blake said while looking at the monitor.
BINABASA MO ANG
Mafia Series 1: A Hot Night With A Mafia King (Completed)
RomanceI woke up in an unfamiliar place. "Ouch" daing ko ng kumirot bigla ang Cherry pop pop ko. Shit my ang sakit ng ulo ko. "Where Am I?" Wala sa sarili kong tanong at inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Nangunot ang noo ko ng mapansing wala ako...