Stella POV
Ngayon ay simula na nag-eskwela. Nagmamadali akong pumunta sa room dahil late na ako nagising.
Kung hindi pa ako ginising ni Ash ay hindi pa ako babangon.
Flashback.
"Mommy matulog na po tayo" yaya sa 'kin ni Ash
"Mama, Papa matutulog na rin po kami"
"Mabuti pa nga may pasok ka na bukas" sabi ni Papa
"Opo"
"Good night po"
"Good night Lolo at Lola" ngiting sabi ni Ash
"Good night sa inyo"
Pumunta na kami sa kwarto ni Ash. Humiga na sa kama si Ash habang ako ay nakatayo pa rin.
"Nakapag-toothbrush ka na ba?"
"Yes po, Mommy" sagot ni Ash
Dumiretso na ako sa C. R para makapag-toothbrush na rin pagkatapos ay tinabihan ko na si Ash sa kama.
"Gisingin mo ako mamayang umaga" paalala ko
"May alarm clock po kayo"
"Baka hindi ako magising sa alarm clock" natatawang sabi ko
"Ay sige po" sagot ni Ash
"Good night Ash"
"Good night Mommy Stella"
"Good night Mommy and Daddy"
Nauna na matulog si Ash habang ako ay nakatingin sa kisame.
Hanggang ngayon ba ay galit ka pa rin AC sa sinabi ko? Wala kang paramdan sa 'kin kahit text or tawag man lang ay hindi niya nagawa.
Ano ka ba ni AC? Stella tanong ng isip ko
Ano nga ba niya ako? Hindi naman niya ako kaano-kaano, hindi naman niya ako kaibigan, hindi niya ako girlfriend at mas lalong-lalo na hindi niya ako mahal.
Naramdaman ko na nakatulog na ako.
DREAM.
"Kinakabahan ka ba?" Tanong ni Belle
"Natural kakabahan talaga ako, ikaw ba naman ay ikasal sa matagal mo ng mahal. Hindi ka ba kakabahan?"
"Sus! Matagal mo na iyan pinapangarap Stella. Baka nga kinulam mo siya" natatawang sabi ni Jane
"Pakyu ka talaga Jane" inis na sabi ko
"Pakyu ka rin Stella" ngising sabi ni Jane
"Hanggang dito pa sa kasal ko ay aasarin mo ako?"
"Oo naman, hanggang sa langit ay aasarin pa rin kita" sabi ni Jane
"Tama na iyan" awat ni Belle
"Sana nandito si Alice" sabi ko
"Nakakatampo na ang babae iyon"
"Hindi siya nakapunta sa kasal namin ni Reign ganoon din kay Belle"
"Hindi rin ako pupunta sa kasal niya, bahala siya"
Nagtatampong sabi ni Jane.
"Sino tinatakot mo?"
Biglang sabi ni Belle.
"Hindi ka pipilitin ni Alice pumunta sa kasal niya, kung ayaw mo edi huwag"
BINABASA MO ANG
To Know Him is To Love Him
Teen Fiction[Under Revision] J. B. S. A. E Series #3 Stella Buenaflor nagmamahal sa isang lalaki na walang ginawa kung hindi ang layuan at iwasan siya. Ano kaya ang kayang gawin ng isang Stella Buenaflor? Magagawa niya kayang sumuko sa lalaking mahal niya o i...