Stella POV
Ngayon ay araw ng sabado at ngayon ay unang date namin ni Franco.
Excited na ako pumunta sa Batangas. Ito ang pangalawang beses na makakapunta ako sa Batangas. Ang unang punta namin noon ay Summer Vacation noong 2019.
Tapos na ako mag-ayos sa aking sarili at ngayon ay hinihintay ko na lang si Franco.
Bakit ba ang tagal ng lalaking 'yon? Huwag mong sabihin na puyat siya? Ano naman kaya ang pinag-kaabalahan niya?
"Iho, Bakit ngayon ka lang?" Tanong ni Mama
Agad naman ako lumingon sa kanya.
"Na late po ako ng gising" sabi ni Franco
"Pasensya na Love" dagdag niyang sabi
Hindi naman ako kumibo at nanatili lang ako nakatingin sa kanya.
"Ang mahalaga ay nandito ka na"
"Umalis na kayo para madami kayong mapuntahan"
Lumapit na ako sa pwesto ni Franco.
"Ikaw na bahala Franco sa anak ko"
"Opo Tita" sagot ni Franco
"Huwag matigas ang ulo Stella, huwag kang lalayo sa tabi ni Franco at hindi porket nakapunta ka na doon ay kabisado mo na"
"Opo Mama" sagot ko
"Sige na lumabas na kayo at isasarado ko na ang pinto"
Sabay kaming lumabas ng bahay no Franco at dumiretso nasa kotse. Pinag-buksan niya ako ng pinto at agad naman ako pumasok, na pumasok naman ako ay pumasok na rin siya.
Sabay naming nilagay seatbelt sa 'min.
"Sorry Love kung pinaghintay kita"
"Bakit ka na puyat?" Tanong ko
"Nag-movie marathon kasi kami nina Mom, Dad at Sam"
"Hindi ako makatangi dahil 'yon ang unang beses na mag-movie marathon kami"
"Pinapatawad na kita" sabi ko
"Gutom ka ba?" Tanong ni Franco
"Busog pa ako"
"Baka ikaw gutom, ihinto mo muna sa gilid ang kotse tapos kumain ka na lang muna"
"Busog naman ako, tinatanong lang kita baka gutom ka" sabi ni Franco
Fastforward.
"Gising na Love"
"Nandito na tayo sa Batangas"
Agad ko minulat ang mata ko at bumaba sa kotse.
"Maglalakad tayo"
"Bawal ang mga sasakyan doon sa pupuntahan natin"
Sabay kaming naglakad ni Franco.
BINABASA MO ANG
To Know Him is To Love Him
Teen Fiction[Under Revision] J. B. S. A. E Series #3 Stella Buenaflor nagmamahal sa isang lalaki na walang ginawa kung hindi ang layuan at iwasan siya. Ano kaya ang kayang gawin ng isang Stella Buenaflor? Magagawa niya kayang sumuko sa lalaking mahal niya o i...