Stella POV
"Kung gusto mo malaman ang dahilan kung bakit ako ganito, simple mahalin mo ako" ngiting sabi ni AC
"Mahal naman kita ah" sabi ko
"Iparamdaman mo sa 'kin"
"Nakukulangan ka ba?" Takang tanong ko
"Hindi ko kasi alam kung ano ang pinagkaiba ng gusto at mahal"
"Ipaparamdam ko sa 'yo ng buong puso" sabi ko
"Simula ngayon asahan mo na bigla akong lilitaw sa iyong paningin" ngiti kong sabi
"Sana huwag kang titigil na hindi ko alam" sabi ni AC
"Gusto mo ba tumambay muna tayo sa park?" Tanong ni AC
"Sige" ngiti kong sabi
Sinarado niya muna ang gate at nagsimula na kami maglakad.
Na makarating sa park agad naman kami umupo sa may bench.
"Ang saya nila pagmasdan" tukoy ko sa mga bata na naglalaro
"Gusto mo maglaro din tayo?" Ngiting tanong ko kay AC
"Ayaw ko"
Tumayo at hinila ko ang kamay niya papunta sa gitna ng park.
"Habulin mo ako" sabi ko
"Ano naman ang mapapala ko diyan?"
"Sasayawan kita" ngiting sabi ko
"Kapag na habol mo ako sasayawan kita" dagdag kong sabi
Napangiti naman si AC.
"Kapag na habol mo ako sasayawan din kita"
Mas lalo akong gina-nahan sa sinabi niya.
"Game" ngiting sabi ko
Magsimula na kami tumakbo.
Todo-iwas ako sa kanya.
Ang saya nito.
Nakita ko sa mga mata niya na kung gaano kasaya siya.
Ngayon niya lang ba ito naranasan?
Takbo lang kami ng takbo. Iwas dito, iwas diyan. Lapit dito, lapit diyan.
"Ang sweet nila"
"Mag jowa ba sila?"
"Bagay sila"
"Ang gwapo ng boy"
"Ang ganda ng girl"
Bulungan ng mga tao na nakakakita sa 'min.
May napansin ako na umiiyak na bata kaya napahinto ako sa pag-takbo at na nanatili nakatingin sa bata.
Naramdaman ko na may yumakap sa likod ko.
"Huli ka" bulong ni AC sa tenga ko
Napalunok naman ako sa sarili kong laway.
"Sasayawan mo ako" sabi niya
"May batang umiiyak" sabi ko
"Sayawan mo ako" sabi ni AC
"Marunong ako tumupad sa usapan" ngiti kong sabi
"Pero hindi muna ngayon"
"Ikaw bahala, basta sasayawan mo ako" sabi ni AC
Parang bata.
BINABASA MO ANG
To Know Him is To Love Him
Novela Juvenil[Under Revision] J. B. S. A. E Series #3 Stella Buenaflor nagmamahal sa isang lalaki na walang ginawa kung hindi ang layuan at iwasan siya. Ano kaya ang kayang gawin ng isang Stella Buenaflor? Magagawa niya kayang sumuko sa lalaking mahal niya o i...