Chapter. 22

46 4 0
                                    

Stella POV

"Stella" sigaw ni Mama

"Po?" Sigaw ko habang nasa kwarto

"Bumili ka ng marshmallow"

"Bukas na lang po Mama kararating ko lang po galing sa school" sabi ko

"Bumili ka ngayon na"

Hindi na ako sumagot sa halip ay nagbihis na ako ng pag-alis.

Nilagay ko sa loob ng sling bag ang cellphone at ang wallet ko.

Pagkatapos mag-ayos ay agad naman ako lumabas ng kwarto at pumunta sa sala kung nasaan sina Mama at Sofia.

Nakita ko sila na naka-upo sa sofa at nanonood ng pelikula.

"Ilang marshmallow po Mama?"

Sabay na lumingon sina Mama at Sofia sa 'kin.

"Sampung malalaking marsmallow"

"Sampu?" Gulat kong tanong

"Lima sa 'kin, tatlo sa Papa mo at dalawa kay Sofia" sabi ni Mama

"Wala po ako?" Tanong ko

"Ayaw mo ng marshmallow di ba?"

"Ayaw ko po, Gusto ko po bumili ng toblerone" sabi ko

"May pera ka di ba? Iyon na lang ang pambili mo ng toblerone ang ibibigay ko lang sa 'yo ay pambili ng marshmallow"

Inabot sa 'kin ni Mama ang pera at tinanggap ko naman ito. Naka-simangot ako lumabas ng bahay at sumakay sa jeep.

Na mapansin ko malapit nasa 7/11 ay agad na akong pumara.

"Para"

Bumaba na ako ng jeep, bago pumasok ng 7/11 ay napansin ko sa gilid ang kotse ni AC.

Kotse nga ba ni AC 'to? Baka naman napa-praning lang ako.

Binalewala ko ang aking nakita at pumasok nasa loob ng 7/11. Habang naghahanap ng marshmallow ay hindi ko napansin ang aking tinatapakan.

Huli na ang lahat bago ko mabasa ang naka-sulat.

Mabilis akong nadulas at lumagapak sa sahig.

Aray ko po, wala na nga akong pwet nadulas pa bwiset.

Dahan-dahan akong tumayo habang hawak-hawak ang aking pwet. Napansin ko na nakatingin sa 'kin ang mga namimili at may hawak silang cellphone.

Kinukuhanan nila ang pagkabagsak ko mga bwiset kayo.

"Stella"

Agad naman ako lumingon sa tumawag sa 'kin.

"AC" sabi ko

"Ayos ka lang?"

"Nakita ko kasi na nadulas ka sa sahig. Masakit ba?"

"Gusto mo subukan? Malalaman mo kung masakit" sabi ko

"Binibiro lang naman kita" sabi niya

"Wala akong panahon makipag-biruan sa 'yo"

Napahiya ako boy.

Lumingon ako sa paligid para pagsabihan ang mga nakakita na burahin ang video o litrato mula sa 'kin ngunit huli na ang lahat wala ng tao sa paligid.

"Tabi! Bibili ako ng marshmallow" sabi ko at mahina ko siyang tinulak sa gilid

"Ayaw mo ng marshmallow di ba?"

To Know Him is To Love Him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon