Chapter. 8

48 5 0
                                    

Stella POV

"Mayabang ka" sigaw niya

"Ano naman ang ikina-yabang ko?" Mataray kong sabi

Hindi niya sinagot ang tanong ko.

"Hawakan siya" utos niya kina kaliwa at kanan

Lumapit at hinawakan ako ni kanan sa kanan na kamay ko at si kaliwa ay sa kaliwa.

"Bitiwan niyo ako" pagpupumiglas ko

Tinapakan ko ang paa nina kana at kaliwa. Agad nila akong binitiwan.

Sinabunutan ako ng babae na nasa gitna, ngayon ay pinagtutulungan na nila ako.

Dahil palaban akong tao ay sinabunutan at tinapakan ko ang kanilang mga paa.

Kahit isa ay walang umaawat sa 'min natatakot na baka madamay sila.

"Anong kaguluhan ito?"

Huminto kami sa mga ginagawa namin at tumingin sa nagsalita.

Kasali siya sa student council siya iyong pinaka-gwapo sa lalaki na council.

"Siya ang nag-umpisa, sinampal niya kami" turo ni gitna sa 'kin

"Is that true?" Tanong niya sa mga nanonood

Umiling naman ang iba.

"Hindi, sila ang nauna" sagot ng isang babae

"Pumunta kayo sa student council na room, ngayon na" seryosong sabi ng gwapo

"Pati ako kasama?" Turo ko sa sarili ko

"Hindi, Stella"

Uy! Paano niya nalaman ang pangalan ko? Hmm.

"Pumunta na kayo sa student council" utos niya sa mga babae na sinampal ko

"May kasalanan din ang babaing iyan siya kaya ang bu..."

Hindi natapos ang sasabihin ng babae na nasa gitna na magsalita si pogi.

"Sa student council ka magpaliwang huwag sa 'kin"

"May CCTV dito kaya malalaman kung sino ang nauna"

"Ayaw ko pumunta sa student council" sabi ng babae na nasa gitna

Pasaway, ayaw pa sumunod. Late na late na talaga ako.

"Huwag mong hintayin na ako mismo ang dadala sa 'yo doon"

"Ano ka ba Franco? Parang hindi mo naman akong pinsan diyan" inis na sabi niya

Franco pala ang pangalan niya.

"Walang pinsan-pinsan dito Demise,  ginagawa ko lang ang tungkulin ko bilang student council"

Demise pala ang pangalan ng bwisit na ito.

"Haist!" Sabi ni Demise

Naglakad na papunta sina Demise sa pwesto ni Franco. Nilagpasan nila si Franco.

"Just make sure na pupunta talaga kayo sa student council"

"Oo na" sigaw ni Demise

Galit na galit ka girl? Hahaha.

Lumapit si Franco sa sa 'kin.

"Ayos ka lang?" Alalang tanong niya

"Ayos lang"

To Know Him is To Love Him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon