Stella POV
Cringg
Kinuha ko sa bulsa ang cellphone. Tiningnan ko muna kung sino
Si Jane paniguradong mag-sisigaw 'to kailangan na ihanda ang tenga.
Agad ko naman sinagot ang tawag.
Bold (ako) Italic (Jane)
"Hello"
"Hoy bruha, totoo ba na may boyfriend ka na?"
Panigurado na si Sam ang nagsabi.
"Oo"
"Pumunta ka dito bukas kukurutin kita sa singit"
"Wala kang balak sabihin sa 'min ni Belle parang wala kaming kwentang kaibigan"
Nag-drama pa.
"Palibhasa wala si Alice dito kaya hindi ka na nagiging open sa 'min"
"Manahimik ka nga"
"Nagda-drama ka na naman sa buhay mo"
"Nakakatampo ka kasi"
"Huwag ka na magtampo, pupunta ako bukas sa inyo"
"Siguraduhin mo lang ah"
"Oo"
"Papapuntahin ko na rin dito si Belle"
"Jane"
"Anong ginawa mo kay Demise?"
"Ah 'yon ba, binigyan ko lang siya na mag-asawang sampal"
"Bakit may kalmot siya?"
"Gumanti kasi ang bruha, nagkasabunutan kami at nakalmot ko ang mukha niya"
"Bakit mo ginawa 'yon?"
"Alam mong buntis ka at baka makasama sa 'yo"
"Ni-resbakan lang kita"
"Tsaka wala naman nangyari masama sa 'kin habang nagkakasubunutan kami ay nanonood ang asawa ko"
"Sinusuportahan niya pa nga ako"
"Baliw ka talaga"
"Magpasalamat ka kahit na buntis ako ay na resbakan ko pa ang bruhang 'yon"
"Salamat at sana huwag mo na ulitin 'yon. Nag-aalala ako sa anak mo"
"Don't worry my baby is safe"
"Ah hahaha"
"Anong pangalan ng boyfriend mo?"
Napalingon naman ako kay Franco na nagmamaneho pauwi sa bahay namin.
Nauna na umuwi si Sam hindi ko alam kung bakit hindi siya sumabay.
"Love"
"Sino kausap mo?"
"Ay! Seloso ang boyfriend mo"
"Si Jane ang kausap ko" sagot ko sa tanong ni Franco
"Iyong maingay at suki ng student council?" Sabi ni Franco
"Hoy! Narinig ko 'yon"
"Loudspeaker mo nga Stella"
Agad ko naman ni-loudspeaker gaya ng sabi ni Jane.
BINABASA MO ANG
To Know Him is To Love Him
Teen Fiction[Under Revision] J. B. S. A. E Series #3 Stella Buenaflor nagmamahal sa isang lalaki na walang ginawa kung hindi ang layuan at iwasan siya. Ano kaya ang kayang gawin ng isang Stella Buenaflor? Magagawa niya kayang sumuko sa lalaking mahal niya o i...