Chapter. 17

44 5 0
                                    

Stella POV

"Kanina ka pa walang kibo"

"Masama ba ang pakiramdam mo?"

Umiling naman ako.

Kasama ko si Sam dito sa kwarto niya at tapos na kami mag-ayos ng sarili. Nakaupo ako sa kama niya habang siya ay nakaupo sa sofa kaharap ko.

"Uy Stella, Umamin ka nga buntis ka ba?"

Nakakabuntis ba ang halik?

Umiling ulit ako.

"Ano ba kasing nangyari?"

Kinagat ko ang ilalim ng labi ko. Para makuha niya ang ibig kong sabihin.

"Inaakit mo ba ako Stella?"

"Pakyu" mura ko

"Sabihin mo kasi hindi naman ako maghuhula" inis na sabi ni Sam

"May tanong ako" biglang sabi ko

"Ano?" Takang tanong ni Sam

"Mahal ka o mahal mo?" Tanong ko

"Para saan 'yan?"

"Sagutin mo na lang" sabi ko

"Mahal ako"

"Bakit?" Tanong ko

"Kasi kapag mahal ako, magagawa ko siyang mahalin. Tsaka hinding-hindi niya ako kayang saktan kasi mahal niya ako. Kung mahal niya talaga ako hinding-hindi niya ako iiwan kahit anong desisyon ko sa buhay kahit na nasasaktan ko na pala siya"

"Hindi mo ba pipiliin 'yong mahal mo?" Tanong ko

"Hindi, kahit na mahal ko siya hinding-hindi ko siya pipiliin kasi talo ako. Babae ako at siya ay lalaki, pwede siyang mamili ng iba't ibang babae hangga't gusto niya. Ako, Hindi kasi babae ka kapag pumipili ka ng iba't ibang lalaki sasabihan ka nila ng malandi, pokpok 'yan, marumi na 'yan, madami na gumalaw diyan at kung ano-ano pa. Pati dignidad mo mawawala "

"Mahal man natin ang piliin natin, magagawa nila tayong saktan kasi hindi nila tayo mahal. Kasi una palang ikaw na ang nagmahal sa kanya"

"Wew! Essay"

"Ngayon ay sagutin mo na ang tanong ko, Ano ba kasing nangyari?"

Huminga naman ako ng malalim at nagsimula na magsalita.

"Nahihiya ako"

"Pucha! Ako ang nag-utos sa kanya pero ako 'tong nakaramdam ng hiya"

"Oh my gusto ko na umuwi"

"Hindi ko gets" kunot na noo sabi ni Sam

"Hinalikan ko si Franco"

"Oh my Stella" kilig na sabi ni Sam

"Kwento mo bilis" dagdag na sabi ni Sam

"Pumunta kami sa C. R, ang totoo niyan ay hindi naman talaga ako naiihi noon dinahilan ko lang 'yon gawa doon sa binulong mo sa 'kin"

"Na makarating kami sa C. R ay papasok na sana ako na naramdaman ko na pumasok din si Franco"

"Ayaw niyang bitiwin ang kamay ko"

"Alam niya na nagdadahilan lang ako kanina"

"Pinipilit niyang sabihin ko sa kanya kung bakit wala ako sa sarili kanina"

To Know Him is To Love Him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon