Stella POV
"Hay! Nakakapagod ang mag-aral" reklamo ni Laurel
"Tanga isusumbong kita sa Mama mo" pananakot ni Samantha
"Joke lang, mas lalo akong ginaganahan mag-aral kasi graduating tayo" ngiting sabi ni Laurel
"Oy! Saan pa tayo pupunta? Kanina pa tayo palakad-lakad dito sa mall" reklamo ni Kiana
"Oo nga" sang-ayon ni Liana
"Natatae ako mga kaibigan" sabi ni Glacie
Wala man lang sumagot sa tanong ni Kiana hahaha.
"Broadcast mo nga" hamon ni Bianca
"Ewan ko sa 'yo" mataray na sabi ni Glacie
Inakbayan naman ako ni Sam. Agad ko naman siya tinulak na mahina.
"Nato-tomboy ka na naman" inis na sabi ko
"Babaing-babae ako, ipakita ko pa sa 'yo"
"Gusto mo hawakan?"
Natawa naman sina Leina sa 'min.
"Kanina ka pa kasi tahimik"
"Hindi ko kasi nakita si AC sa department nila" alalang sabi ko
"Hala ka! Baka absent" sabi ni Keina
"Hala ka! Baka may emergency na pinuntahan" sabi ni Glacie
"Maupo nga muna tayo" sabi ni Bianca
Agad naman kami umupo sa mahabang upuan dito.
"Hala ka! Baka namba-babae" sabi ni Laurel
"Hindi magagawa ni AC 'yon" kampanteng sabi ko
"Hindi mo masasabi"
Napatingin naman ako sa sinabi ni Bianca.
"Natural sa lalaki ang nambabae" dagdag niyang sabi
"Huwag mo naman lahatin uy" sabi ni Leina
"May boyfriend ka di ba?" Tanong ni Keina kay Bianca
"Oo, pero nambabae 'yon"
"Paano mo na sabi?" Takang tanong ni Glacie
"Nakikita ko"
"Anong ginagawa mo?" Tanong ni Laurel
"Dapat ba may ginagawa ako? Alam ko naman na sa 'kin ang bagsak niya. Kahit nambabae pa siya ilang beses. Wala akong pakialam, lagi ko tinatanong sa kanya kung mahal pa rin niya ako"
"Ang sagot niya ay Oo"
"Naniwala ka naman?" Sabi ko
"Oo, dahil nakikita ko sa kanya na seryoso siya sa sinasabi niya"
"Hindi siya gagawa ng bagay na ikasisira ng relasyon namin. Hindi pambabae niya ang sisira sa kung anong meroon kami ngayon"
"Kung ganoon ay anong makakasira sa inyo?" Takang tanong ko
"Parang may balak kang siraan ang relasyon nila ni Bianca sa tono ng tanong mo" asar sa 'kin ni Samanatha
"Sira ka, alam mo naman na si AC ang mahal ko"
"Hindi ka naman mahal" ngising sabi ni Kiena
"Iyong may mai-kama ka siyang iba, iyong maka-buntis siya" sabi ni Laurel
BINABASA MO ANG
To Know Him is To Love Him
Teen Fiction[Under Revision] J. B. S. A. E Series #3 Stella Buenaflor nagmamahal sa isang lalaki na walang ginawa kung hindi ang layuan at iwasan siya. Ano kaya ang kayang gawin ng isang Stella Buenaflor? Magagawa niya kayang sumuko sa lalaking mahal niya o i...