Chapter. 14

48 5 0
                                    

Stella POV

"Gising na, Anak"

Minulat ko ang aking mata na makita ko si Mama sa tabi ko.

Umupo ako sa kama.

"Bumaba ka na, may pasok ka pa"

Tumango naman ako, umalis na ako sa kama at dali-dali inayos ang hinigaan.

Hinanda ko na ang mga gamit ko at nilagay sa ibabaw ng kama.

Nilabas ko na rin ang uniform at sinabit sa doornob ng pinto.

Kinuha ko ang tuwalya at pumasok nasa C. R.

Habang nagsasabon sa katawan ay hindi ko maiwasan isipin ang sinabi ni AC kagabi.

"Kalimutan mo na ako, Hindi ikaw ang babaing mamahalin ko"

Hindi ko maiwasan masaktan sa sinabi niya. Na malayan ko na lang na tumutulo na pala ang aking luha.

Mahirap ba ako mahalin? Ano pa bang kulang sa 'kin?

Tinigil ko muna ang drama ko dahil meroon akong pasok ngayon.

Na matapos maligo at magsepilyo ay lumabas na ako ng C. R, nagbihis ng uniform, inayos ang sarili at pagkatapos ay kinuha ko na ang gamit sa ibabaw ng kama.

Lumabas na rin ako ng kwarto at dumiretso sa kusina. Nakita ko sina Mama, Papa at Sofia na kumakain na. Agad naman ako pumunta sa upuan ko at nagsimula na rin kumain.

"Ayos ka lang ba anak?" Alalang tanong ni Papa

"Simula noong umalis kagabi sina Thun ay wala kang kibo na pumasok ka sa loob ng bahay" sabi ni Mama

"Napansin ko din Ate na parang umiiyak ka" sabi ni Sofia

"Umiiyak po ako kasi hindi na titira dito si Ash"

"Dadalawin naman tayo ni Ash dito o di kaya tayo ang dadalaw" sabi ni Papa

Wala na ni isa ang nagsalita sa 'min at pinagpatuloy na ang pagkain.

Na matapos sa pagkain ay nagpaalam naalis na ako.

"Stella" tawag sa 'kin ni Sam

Agad naman ako lumapit sa kanya.

"May hindi ka sa 'kin sinasabi"

"Nakita ko kayo ni AC na nag-uusap kagabi at nakita kita na umiiyak"

"Hindi kita magawang lapitan kagabi dahil mapapagalitan ako ni Papa kapag lumabas ako"

"Mahal ko si AC"

Napansin ko na tumutulo na pala ang luha ko.

"Hinding-hindi niya ako kayang mahalin"

"May sinabi siya sa 'kin"

"Kalimutan mo na ako, Hindi ikaw ang babaing mamahalin ko"

"Pucha! Sinabihan na kita masasaktan ka lang kay AC" sabi ni Sam

Pinunasan ko na ng panyo ang luha ko.

"Hindi ka ba susunduin ni Franco?" Takang tanong ni Sam

Si Franco, nakalimutan ko na mag-uusap pala kami ni Franco.

"Hindi"

Hindi na siya nagtanong kung bakit agad naman kami pumara ng jeep at sumakay dito.

Nandito na kami sa school at naglalakad papunta sa room.

"May itatanong ako sa 'yo"

Hinila ako ni Sam papunta sa field at umupo kaming dalawa sa bench.

To Know Him is To Love Him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon