Stella POV
Pagkatapos ng away kanina ay eksakto ang pagdating na professor.
Kinausap ni Keina ang mga kaklase namin na walang magsasabi tungkol sa issue na napag-usapan kanina.
Hindi ako makapaniwala na ganoon si Bianca.
Na aawa ako kay Keina dahil alam kong mahal niya si Manuel kahit na nanliligaw pa lang siya nito.
Gusto ko marinig ang side ni Bianca.
Fastforward.
Nandito kami ngayon sa field dito talaga ang madalas namin pag-tambayan.
Nakaupo kami sa blanket na nasa bag ni Sam. Lumingon ako kina Leina at Keina malayo sila dito sa pwesto namin.
Hindi ko akalain na ang saya lang namin kahapon tapos mauuwi sa ganito.
Tumayo muna ako.
"Pupunta muna ako kina Leina" paalam ko
"Sama ako" sabi ni Laurel
"Ako rin" sabi ni Sam
Sabay kaming tatlo pumunta sa pwesto nina Keina at Leina.
Umupo kami sa blanket na inu-upuan nila.
"Nandito lang kami Keina" sabi ko
"Salamat sa inyo" pilit na ngiti ni Keina
"Handa kami makinig sa 'yo" sabi ni Laurel
"Pinatigil ko na sa panliligaw si Manuel"
"Ang lakas niya manligaw tapos lolokohin naman pala ako"
"Mabuti na rin 'yon na nakita namin ni Leina ang ginawang panloloko sa 'kin nina Manuel at Bianca"
"Alam ba ni Jo.."
Hindi natapos ang sasabihin ni Sam na meroon dalawang chismosa na nag-uusap sa harapan namin.
"Ano kaya ang nangyari kay Demise? Bakit kaya ganoon ang mukha niya? Ang pangit" sabi ng isa
"Buti nga sa kanya, maldita kasi" sabi ng pangalawa
Hindi kaya si Jane ang may gawa non?
"Excuse me" sabi ko sa dalawang nasa harapan namin
"Anong nangyari kay Demise?" Tanong ko sa kanila
"May kalmot siya sa pisngi at halatang sinampal din siya" sagot ng pangalawa
Umalis na 'yong dalawa na nasa harapan namin.
"Alam ba ni Jordan ang ginawa ni Bianca?" Tanong ni Sam na makaalis na 'yong dalawa sa harap namin
"Hindi, unless kung nakita niya 'yong ginawa ng girlfriend niya" sabi ni Keina
"May balak ba kayong mag-sumbong?" Tanong ko
"Wala, hindi ko ugali ang makialam sa may relasyon" sabi ni Keina
"Ano 'yong narinig natin tungkol kay Demise?" Tanong ni Leina
"Oo nga" sang-ayon ni Laurel
"Sinampal at kinalmot mo ba siya Stella?" Tanong sa 'kin ni Keina
"Hindi"
"Sino na naman kaya ang nakaaway niya?" Takang tanong ni Sam
"Huwag na natin pag-usapan ang babaing 'yon baka marinig pa tayo" sabi ko
"Teka! Bakit parang hindi pumupunta si Fran..."
BINABASA MO ANG
To Know Him is To Love Him
Teen Fiction[Under Revision] J. B. S. A. E Series #3 Stella Buenaflor nagmamahal sa isang lalaki na walang ginawa kung hindi ang layuan at iwasan siya. Ano kaya ang kayang gawin ng isang Stella Buenaflor? Magagawa niya kayang sumuko sa lalaking mahal niya o i...