Chapter. 30

64 5 0
                                    

Stella POV

Isang buwan na ang nakalipas na ma-ilibing si Franco at ngayon ang alis namin ni AC papunta sa Batangas.

Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na si AC ang makakasama ko sa paglangoy sa Batangas at hindi ko rin makalimutan ang sinabi ni AC mahal niya ako.

Hinding-hindi kita makakalimutan Franco, maraming salamat sa masasayang ala-ala na kasama kita at maraming salamat dahil minahal mo ako.

"Nakatingin ka na naman sa ulap"

Lumingon ako sa nag-salita.

"Miss mo na si Franco?"

"Opo Papa" sagot ko

Umupo si Papa sa tabi ko at inakbayan ako.

"Kung na saan man si Franco alam kong masaya siya"

"Lagi niya tayo ginagabayan at pinagmamasdan mula sa itaas"

"Alam ko po, Papa" sabi ko

"Papunta na ba si AC dito?"

"Opo, malapit na raw po siya" sabi ko

Beeeepppp

"Nandyan na pala si AC"

Tumayo at pumunta kami ni Papa sa labas ng gate.

Nakita namin si AC na nakasandal sa kotse habang naka-cross arm.

Pinagbuksan niya ako ng pinto.

"Aalis na po kami" sabi ko

"Mag-ingat kayo"

"AC, 'yong anak ko huwag mong papabayaan"

"Opo, Tito" sagot ni AC

Pumasok na ako sa loob ng kotse at ganoon din si AC.

"Kumain ka na ba?"

Biglang naalala ko 'yong sinabi ni Franco.

"Gutom ka ba?" Tanong ni Franco

"Busog pa ako"

"Baka ikaw gutom, ihinto mo muna sa gilid ang kotse tapos kumain ka na lang muna"

"Busog naman ako, tinatanong lang kita baka gutom ka" sabi ni Franco

~~~

"Bakit ba lagi niyo tinatanong na kung gutom ba ako kung kumain na ako?"

"Masama ang mag-byahe kapag gutom" sabi ni AC

"Kumain na ako"

"Maglalangoy lang naman tayo di ba?"

"Hindi may iba pa tayong pupuntahan" sabi ni AC

"Saan?" Takang tanong ko

"Doon din sa Batangas"

"Matulog ka na muna Stella"

"May unan diyan sa likod, gamitin mo Stella"

Kinuha ko sa likod ang unan at nilagay ito sa likod ng aking ulo.

"Ingat sa pagda-drive Asili" sabi ko

Hindi ko na siya hinintay magsalita na sumandal ako upuan at pinikit ang aking mata.

Ilang oras ang nakalipas.

"Stella"

"Gising"

To Know Him is To Love Him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon