Chapter. 28

46 6 0
                                    

AC POV

"Manatili ka sa tabi ni Stella"

"Iparamdam mo sa kanya na gaano mo siya kamahal"

"Huwag kang aalis sa tabi ni Stella"

"Kung dumating man na may..may nangyaring hindi maganda sa 'kin. Gusto ko dalhin mo siya sa Surface Interval Resort sa Batangas. Mag-langoy kayong dalawa doon"

"Siguraduhin mo na magiging masaya ang babaing mahal natin"

"Hindi natin masasabi, hindi natin hawak ang buhay natin at mas lalong-lalo na hindi natin malalaman kung ano ba ang mangyayari sa 'tin"

Lahat 'yan ay na tandaan ko ang sinabi ni Franco sa 'kin.

Hindi mo kailangan sabihin sa 'kin 'yan Franco dahil kahit hindi mo sabihin ay gagawin ko para lang sa babaing mahal ko, sa babaing mahal natin.

Tumingin naman ako kay Stella na umiiyak sa tabi ng kabao ni Franco habang naka-upo katabi si Sam. Kinakausap ni Tita Ash si Stella.

Hindi ko akalain na mangyayari 'to. Halos lahat kami ay hindi inaasahan na mangyayari 'to kay Franco.

Umalis si Tita Ash agad naman ako tumayo.

"Saan ka pupunta?" Tanong ni Reign

Hindi ako sumagot at pinuntahan si Tita Ash.

"Tita" tawag ko

"AC"

"Kumain na po ba si Stella?" Alalang tanong ko

"Ayaw niya kumain"

"Pinipilit kong pakainin kaya lang ayaw pa rin. Pinag-sabihan na rin siya ni Samie pati rin ang mga kaibigan niya ayaw pa rin niya"

"Gagawin ko po ang lahat para lang pumayag si Stella na kumain" sabi ko

Hindi ko na hinintay ang sasabihin ni Tita Ash na tumalikod na ako.

"AC" tawag niya sa 'kin

Agad naman ako lumingon sa kanya.

"Nai-kwento ni Stella sa 'kin na mag-kaayos na kayo at mag-kaibigan na lamang kayo"

Magkaibigan, magkaibigan na mahirap tanggapin.

"Pasensya po Tita, kung nasaktan ko po ang damdamin ng anak ninyo" sabi ko

"Wala na sa 'kin 'yon iho, pinatawad ka na rin ng anak ko kaya pinapatawad na rin kita"

"Mahal ko po si Stella hindi bilang kaibigan, Tita" sabi ko

"Kung ganoon ay hayaan mo muna si Stella na tanggapin ang pagkawala ni Franco"

"Iparamdam mo sa aking anak na kung gaano mo siya kamahal, matitiyak ko na babalik ang dati niyang nararamdaman sa 'yo"

"Salamat po Tita sa mga sinabi ninyo" ngiting sabi ko

"Salamat din iho"

Umalis na ako at pumunta ako sa harap no Stella.

"Iwan mo muna kami Sam"

Umalis si Sam sa upuan niya kaya ako ang umupo sa upuan niya.

"Stella"

"Kumain ka na"

"Ayaw ko" sabi ni Stella

"Namamayat ka na"

To Know Him is To Love Him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon