Stella POV
"Pinagsasabi mo" mataray kong sabi
Binalik ko ulit ang tingin sa paligid.
"Alam ko na..na hindi 'to ang tamang oras para sabihin tungkol sa..sa..di bale na lang"
"Ituloy mo na ang sasabihin mo Asili" sabi ko
"Mahal kita Stella"
"Hindi bilang kaibigan"
"Alam ko na, labis ko sinaktan ang nararamdaman mo noon"
"Binalewala ko lang ang nararamdaman mo noon"
"Sinayang ko ang nararamdam mo sa 'kin noon"
"Mahal mo ako noon pero ngayon ay hindi na"
"Tanggap ko na hindi na ako ang mahal mo pero sana hayaan mo na iparamdam ko sa 'yo na kung gaano kita kamahal"
Loading..........
"Mahal na mahal kita Stella"
Mahal niya ako.
"May hihingin sana akong favor sa 'yo Stella, gusto ko na maglangoy tayo sa dagat doon sa Batangas"
"Kahit na hindi para sa 'kin kundi para kay Franco"
"Nakausap mo si Franco?" Tanong ko
"Oo, nakausap ko siya"
"Sinabi niya sa 'kin na..na kapag may nangyaring masama sa kanya ay maglangoy daw tayo sa dagat doon sa Batangas na tayong dalawa"
Si Franco ang kaharap ko ng sinabi ko 'yon pero iba ang makakasama ko mag-langoy.
Love.
"Sinabi niya 'yon?" Tanong ko
"Oo"
"Sige, maglangoy tayo kapag nailibing na si Franco" sabi ko
"Stella 'yong sinabi ko na mahal kita, seryoso ako doon" sabi ni AC
"Alam ko"
"Hindi naman kita masisi na mahalin ako"
"Ang ganda ko kaya"
"Sobrang ganda" ngising sabi ni AC
Napangiti naman ako.
"Salamat AC"
"Saan?" Takang tanong ni AC
"Sa pag-sama sa 'kin at pagpapagaan ng loob ko"
"Pasensya na AC, kung kinukulit kita dati hindi ko alam na may pinag-dadaanan ka pala"
"Simple lang naman ang gusto ko, kumpleto at masayang pamilya" sabi ni AC
"Na hindi ko naranasan" dagdag niyang sabi
"Nandito ako kung may pinagdadaanan ka, huwag kang mahihiyang magsabi at mag-kwento sa 'kin"
"Alam mo ba 'yong deal ni Tito Thatcher?"
"Deal? Iyong padamihan ng anak?" Sabi ni AC
"Oo, 'yon nga" sabi ko
"Interasado ka ba sa padamihan ng anak?"
"Kung ganoon ay simulan na natin"
"Baliw" sabi ko
"Pero AC, huwag mo sana mamasamain ang itatanong ko"
"Ano 'yon?" Tanong ni AC
BINABASA MO ANG
To Know Him is To Love Him
Roman pour Adolescents[Under Revision] J. B. S. A. E Series #3 Stella Buenaflor nagmamahal sa isang lalaki na walang ginawa kung hindi ang layuan at iwasan siya. Ano kaya ang kayang gawin ng isang Stella Buenaflor? Magagawa niya kayang sumuko sa lalaking mahal niya o i...