Chapter. 23

51 5 1
                                    

Stella POV

Katatapos lang ng klase namin at papunta na kami ni Franco sa bahay nina Jane.

Kanina pang umaga at na matapos ang klase wala pa rin kibo si Franco.

Mukhang nag-iisip na sasabihin si Franco kina Jane.

"Hindi sana ako sasama kaya lang...may sinabi sa 'yo si Jane"

"Basta wala ka na ring kaibigan na masasandalan sa problema at sa mga kalokohan mo"

Akalain mo na naalala niya 'yon.

"Ayoko naman na totohanin ni Jane ang sinabi niya sa 'yo"

"Mahaga sa 'yo ang friendship niyo nina Jane"

"Hindi naman siguro totohanin ni Jane ang sinabi niya sa 'kin dahil lang hindi kita isasama" sabi ko

"Nga pala Love, Iyong sinabi mo sa mall kahapon. Totoo ba 'yon?"

"Alin doon?" Takang tanong ko

"Hindi ako aso, hindi ko hinahabol ang fiancè mo. Mahal ko siya dati pero ngayon may mahal na akong iba"

Shit na malagkit. Naalala niya pa 'yon? Pisti! Hindi ko na nga binabanggit ang nangyari sa mall at pilit kong kinakalimutan ang sinabi ko na 'yon.

"May mahal ka ng iba? Sino 'yon? Ako ba?" Ngiting tanong niya habang nag-mamaneho

"Hindi"

"Wala akong ibang mahal noh"

"Mahal mo pa rin ba si AC?" Tanong ni Franco

Mahal ko pa ba siya? Parang hindi na yata.

"Hindi ko alam" sagot ko

"Bakit mo sinabi kay AC na may mahal ka ng iba?"

"Dahil ba..ayaw mo ipakita sa kanya na nasasaktan ka kasi may kasama siyang babae"

Hindi, aminin ko na makita ko si AC natuwa ako dahil hindi ko na kailangan mag-alala pero 'yong makita ko siyang may kasamang babae hindi ako nakaramdam ng selos. Hindi ko alam kung bakit hindi ako nakaramdam ng selos o baka hindi na talaga siya ang gusto ko at mahal ko?

"Baka naman ay sinabi mo lang 'yon sa kanya dahil iniisip mo na hindi mo siya kawalan"

Never 'yon pumasok sa isip ko.

"O baka naman may mahal ka na talagang iba pero hindi mo lang masabi na mahal mo na talaga siya"

Noong sinabi ko ang linyang 'to "Hindi ako aso, hindi ko hinahabol ang fiancè mo. Mahal ko siya dati pero ngayon may mahal na akong iba" si Franco agad ang nasa isip ko. Hindi kaya... ay shit ang bilis ko naman magmahal. Bakit parang ang bilis kong magpakatotoo sa sarili ko at sa nararamdaman ko?

"Alin doon ang sagot mo Love?"

"Iyong pangatlo" biglang sabi ko

"Kung ganoon ay tama ang nasa isip ko na may mahal kang iba"

"Sinabi ko ba ng pangatlo?" Gulat kong tanong

Tumango naman si Franco bilang sagot.

Bwisit na bibig 'to pinapahamak mo ako. Wala sa plano ko ang sagutin ang tanong ni Franco.

"Ang swerte naman ng taong mahal mo, Love"

Mas ma-swerte ako dahil mahal ako ng taong mahal ko.

To Know Him is To Love Him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon