Chapter. 20

47 5 0
                                    

AC POV

"Babe 'yong babae kanina sa mall siya si Stella di ba?" Tanong ni Chloe

"Yes Babe" sagot ko

"Totoo pala 'yong chismis na may girlfriend na si Franco"

"Pero hindi ko inaasahan na si Stella pala ang girlfriend niya"

Napangiti naman ako sa sinabi ni Stella kanina.

"Hindi ako aso, hindi ko hinahabol ang fiancè mo. Mahal ko siya dati pero ngayon may mahal na akong iba"

Ganyan nga Stella kalimutan mo ako dahil sakit lang mararanasan mo sa 'kin.

Ang babaing kasama ko ngayon ay ang babaing pinag-aralan kong mahalin sa madaling salita ay hindi ko siya mahal noong una pero dahil sa isang pagkakamali ay may nag-bunga sa 'min ni Chloe isang sanggol.

Matagal ko na kilala si Chloe magkakabata kami sa madaling salita.

Si Chloe ang madalas kong masabihan ng problema ko tungkol sa aking pamilya.

Broken family ang pamilya ko, hiniwalayan ni Mom si Dad dahil napaka-babaero ni Dad. Madalas hindi umuuwi si Dad sa bahay kapag hindi siya umuuwi isa lang ang ibig sabihin non nasa hotel siya kasama ang mga babae niya.

Mahal ni Mom si Dad na maghiwalay sila ay hindi ako sinama ni Mom sa kanya dahil hindi naman niya ako totoong anak. Anak ako ni Dad sa ibang babae, hindi magka-anak sina Dad at Mom sa kagustuhan ni Dad na magka-anak ay iba ang binuntis niya. Hindi 'to nagustuhan ni Mom ang ginawa ni Dad, Simula non ay hindi na sila nagtatabi sa iisang kama, sa guest room natutulog si Mom.

Hindi ako tinuring anak ni Mom kailanman dahil sa kagagawan ni Dad. Mas gusto ni Mom na mag-ampon kaysa magka-anak si Dad sa ibang babae.

Simula noong hiniwalayan ni Mom si Dad ay hindi na nambabae si Dad kaya lang ibinuhos niya ang lahat ng oras sa pagtata-trabaho.

Kailanman ay hindi ko naranasan alagaan ng sarili kong ama.

Namatay si Mom dahil inatake ito sa puso. Doon na naging miserable ang buhay ni Dad. Madalas kong nakikita si Dad na umiinom ng alak sa kwarto niya at madalas siya umuwi dito sa bahay.

Kaya minsan ay ako na lang ang nandito kasama ang mga katulong.

Hindi ko naranasan kumain na kasama ang aking pamilya.

Hindi ko naranasan lumabas at mag-family bonding.

Hindi ko naranasan mag-laro.

Hindi ko naranasan ang sumaya kahit sandali lang.

Ang boring ng childhood ko.

Pangarap ko ang magkaroon ng kumpletong pamilya, hindi ko man naranasan 'yon pero handa akong ibigay 'yon sa aking anak.

"Babe"

"Wala ka na naman sa sarili mo"

"Pasensya na Babe may iniisip lang ako" sabi ko

Hinawakan ni Chloe ang mag-kabilang pisngi ko.

"Huwag kang maghihiyang magsabi sa 'kin"

"Bawal kang ma-stress" sabi ko

"Napaka-swerte ko dahil ikaw ang mapapangasawa ko at magiging ama ng ating anak"

Napangiti naman ako agad ako sinungaban ng halik ni Chloe.

Mabuti na lang ay nandito kami sa loob ng kotse sa parking lot.

Sinunggaban ko na rin siya ng halik.

To Know Him is To Love Him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon