Franco POV
Ang saya lang isipin na 'yong taong mahal mo ay mahal ka din.
Napapangiti ako na habang inaalala 'yong ng confess si Stella.
"Mahal kita Franco"
Ngumiti ako sa sinabi niya.
"Mahal na mahal kita Love"
Hinawakan ko ang kanyang baba.
"Mahal na mahal din kita Love" sabi ko
Unti-unti lumalapit ang mukha ko sa mukha niya at hinalikan ko siya.
Kay tamis katulad ng pagmamahal ko sa kanya shit ang korni mo Franco.
Nilagay ni Stella ang kanyang dalawang kamay sa aking batok. Habang ako naman ay mahigpit na niyakap siya.
~~~
"Para kang tanga"
Agad naman akong lumingon na nakita ko siya nakasandal sa pader at naka-cross arm.
"Ano na naman ba ang problema mo?"
"Wow ha! Tapos na po ang pinapaayos niyo para sa pag-propose ninyo kay Stella mamaya, Mahal na Hari" sarkistong sabi ni Sam
Tama kayo ng rinig ngayon ay September. 23 at araw ng Sabado. Excited at kinakabahan ako mamaya baka kasi Hindi ang isagot niya, aba malay ko ba kahit na alam kong mahal niya ako ay baka nagbago ang isip niya.
"Salamat"
"May kapalit 'yan" sabi ni Sam
Napatayo naman ako at lumapit sa kanya ganoon din si Sam.
"Anong kapalit?" takang tanong ko
"Kausapin mo nga si Donald Duck na tigilan niya ang pagiging maharot sa 'kin"
Ang tinutukoy niyang Donald Duck ay si Donald Mendoza ang kaibigan ko at kasali sa SSG.
"Naiirita ako sa pagiging malandi niya daig niya pa ang babae sa ginagawa niya"
"Kung ikaw kaya ang lumandi kay Donald" asar ko sa kanya
"Hindi ko siya gusto"
"Palibhasa babae ang gusto mo" sabi ko
"Eh kung sapakin kaya kita"
"Okay okay galit agad" sabi ko
"Gawin mo 'yong sinabi ko kung hindi gagawin 'yon magsisisi ka"
"Sa anong paraan ako magsisisi?" Tanong ko
"Sisirain ko mamaya ang pag-propose mo kay Stella"
"The heck Sam" sabi ko
"Gagawin ko talaga 'yon basta pagsabihan mo ang kaibigan mong maharot"
"Paano kung hindi talaga tumigil si Donald sa 'yo?" Tanong ko
"Sisiguraduhin ko na mapupunta si Stella kay AC"
"Tutal si AC naman ang first love ni Stella"
"Ako ang mahal niya ngayon" sabi ko
"Hindi ka nakakasigurado"
"Gagawin ko na, basta huwag kang gagawa ng hindi ko magugustuhan" sabi ko
"Huwag kang mag-alala Franco"
BINABASA MO ANG
To Know Him is To Love Him
Teen Fiction[Under Revision] J. B. S. A. E Series #3 Stella Buenaflor nagmamahal sa isang lalaki na walang ginawa kung hindi ang layuan at iwasan siya. Ano kaya ang kayang gawin ng isang Stella Buenaflor? Magagawa niya kayang sumuko sa lalaking mahal niya o i...