Chapter. 25

49 5 0
                                    

Stella POV

Dalawang linggo na ang nakalipas simula na magdate kami ni Franco.

Ang saya ng araw na 'yon ay napaltan ng lungkot.

Noong lunes August. 14 ay kasal ni Tita Fancy, sobrang saya ang lahat pati sina Papa at Mama dahil noong araw na 'yon nagkita sila muli ni Tita Fancy.

Kanya-kanyang sayawan, at kanya-kanyang chikahan.

Na matapos ang kasiyahan ay napag-desisyon ni Tita Fancy na dito kami matulog sa bahay nila, hindi na rin kami tumutol at dito na kami natulog.

Sa isang iglap na matapos ay kasiyahan ay nagtapuan walang buhay si Tita Fancy noong August 15. na umaga. Namaabutan namin si Tito Samie sa kwarto nila ay yakap-yakap niya ang katawan ng asawa at patuloy lang sa pag-iyak.

Galing si Franco sa kompanya nila para bisitahin na malaman ito ni Franco ay agad siyang na madali umuwi.

Kita-kita ko kay Franco ang sakit na makita niya ang kanyang ina na walang buhay.

Na mailibing si Tita Fancy ay ramdam ko ang pagiging matamlay ni Franco.

Hindi ako umalis sa tabi niya simula noong nawala si Tita Fancy madalas akong matulog sa kanila para bantayan siya.

"Ang tahimik mo Love" sabi ni Franco

Nandito kami ni Franco sa sementeryo dinadalaw namin si Tita Fancy. Nag-latag kami ng blanket at doon ako umupo habang si Franco ay nakahiga sa aking hita.

"Love"

"Bakit?" Tanong ko habang pinaglalaruan ang kanyang buhok

"Salamat sa lahat dahil hindi mo ako iniwan at hindi pinabayaan"

"Salamat sa lahat Love"

"Hindi ako nagkamali na ikaw ang babaing minahal ko"

"Same to you" sabi ko

Bumangon naman siya, tumingin sa 'kin at hinawakan ang dalawang kamay ko.

"Anong same to you?"

"Ah eh ih natatae pala ako" tarantang sabi ko

Tatayo sana ako na hindi pa rin binibitawan ni Franco ang kamay ko.

"Umupo ka lang, Love"

Lumunok muna ako bago umupo sa tabi niya.

"May gusto ka bang sabihin sa 'kin? Love" ngising sabi ni Franco

"Wala ah"

"Wala ba talaga? Bakit mo sinabi na same to you" sabi ni Franco

"Ano? Ano kasi.."

"Ano?" Gaya sa 'kin ni Franco

"Franco, Mahal.."

Nakita ko na hindi maalis ni Franco ang ngiti niya sa kanyang labi.

"Mahal ang bigas ngayon"

"Grabe kaya 'yong iba hindi nakakain sa isang araw ng tatlong beses kasi mahal"

"Iyon ba talaga?" Sabi ni Franco

Mahal kita Franco.

"Nakakahiya" bulong ko

"Anong nakakahiya?"

Bulong na nga narinig pa bwisit.

"Ano..ano nakakahiya kapag tumae ako sa likod ng kotse mo" sabi ko

To Know Him is To Love Him Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon