Stella POV
Excited na ako sa date namin ni Franco. Lagi naman ako excited.
Bakit kaya hindi tumatawag si Love?
"Oh! Anak, Bakit nandito ka pa?" Sabi ni Mama na makita akong nandito sa garden nakaupo habang hinihintay si Franco
"Hindi pa po dumadating si Franco"
"Baka busy" sabi ni Mama
"Bakit naman siya magiging busy?" Takang tanong ko
"Ah! Ano..ano, baka busy siya sa pag-aasikaso sa business nila"
Parang may tinatago si Mama sa 'kin.
Beeeppppp
Napatayo ako na makarinig ng busina.
"Si Franco na siguro 'yan"
"Bye po Mama" ngiting sabi ko
"Ingat kayo"
Lumabas na ako sa gate na makita ko si Sam na siya ang driver ng kotse. Lumapit naman ako at tumingin ako sa loob ng kotse habang nakabukas ang bintana.
"Nasaan si Franco?"
Hindi niya sinagot ang tanong ko at binuksan ang pinto kahit na nasa loob siya.
"Pumasok ka na Stella"
"May date kami ni Franco" sabi ko
"Alam ko, pinapasundo ka niya sa 'kin"
"Seryoso ka ba diyan?" Tanong ko
"Mukha ba akong hindi kati-katiwala?"
"Oo, mukha ka kasing kriminal" asar ko sa kanya
Sinarado niya ang pinto ng kotse.
"Sasabihin ko kay Franco na ayaw mo pumunta, sayang may surpresa pa naman siya sa 'yo"
Binuksan na niya ang makina.
"Sandali"
"Sasakay na ako"
Dali-dali kong binuksan ang pinto at pumasok sa loob. Nagsimula na magmaneho si Sam.
"Anong surpresa ni Franco sa 'kin?"
"Kapag sinabi ko, hindi na matatawag na surpresa 'yon" sabi ni Sam
"Sabihin mo na Sam curious ako kung ano 'yon"
"Kaibigan mo naman ako"
Huminga muna siya ng malalim bago magsalita.
"Sasabihin ko sa 'yo pero magpanggap ka na hindi mo alam ang surpresa ni Franco"
Tumango naman ako bilang sagot.
"Galingan mo mamaya ang pag-akting mo"
Tumango ulit ako.
Parang tanga naman ako nito, parang aso ako sa ginagawa ko 'yong aso na tumatango-tango dito sa loob ng kotse.
"Paniguradong kapag nalaman ni Franco na alam mo ang plano niya baka magalit 'yon"
"Ang surpresa ni Franco ay mag-propose sa 'yo"
Propose? Loading..........
"Hoy! Stella, bigla kang natigilan sa sinabi ko"
"Ang tagal mo mag-react"
"Kinilig ka noh?"
"Propose?" Takang tanong ko
BINABASA MO ANG
To Know Him is To Love Him
Ficção Adolescente[Under Revision] J. B. S. A. E Series #3 Stella Buenaflor nagmamahal sa isang lalaki na walang ginawa kung hindi ang layuan at iwasan siya. Ano kaya ang kayang gawin ng isang Stella Buenaflor? Magagawa niya kayang sumuko sa lalaking mahal niya o i...