"Ulan"
Iris POV
Gamit ang motor ni Caleb ay pinuntahan ko ang address na ibinigay ni Sean, saktong Kakahinto kolang at handa na akong bumaba sa motor. Nandito ako sa tapat ng main entrance ng Conland industries. "Dito pala.." sambit mo habang iniikot ang tingin sa paligid. Pinapapunta niya ako dito dahil may Favor daw siyang ipapagawa sa akin. Hindi ko na ma tandaan ang huling punta ko dito, sa na alala ko.. Sobrang tagal na 'yon.
Agad kong pinatong ang helmet sa upu-an ng motor at nag tungo sa pintu-an.
"Excuse me ma'am, bawal po mag park diyan." tugon ng guard sa akin. Nilingon ko pa ang motor at agad binalik ang tingin sa guard.
"Pakisabi kay Sean nandito na ako." seryoso kong tugon sa guard.
"Po?" (Guard)
"Hindi mo kilala ang amo mo?!" taas kilay kong tanong.
"Se-Sean?! Teka.." pag uutal niya sabay kuha ng radyo. "P1..P1! come in?" (Guard)
[Go ahead]
"May babae dito sa baba.. Hindi ko kilala, hinahanap daw niya si Sean!" (Guard)
[Huh? Sean? Si sir Conland 'yan! Teka!"]
Ilang sandali pa ay may lalake akong na pansin na tumatakbo at hinihingal na papunta sa amin.
"Papasukin mo na! Bisita 'yan ni boss!" sigaw nito habang tumatakbo.
Agad akong nilingon ng guard at pinag buksan ng pinto sabay salute! Hahaha!
"Hala kaaaaaa...." tukso ko pa sa kaniya sabay ngisi.
"Ahhh ehhh, dito po tayo ma'am!" sabi naman nang lalake na tumatakbo kanina. Naka suit siya at necktie. Siguro assistant 'to ni Sean.
Pumasok kami sa elevator na transparent. Ang cool lang kasi kita mo ang lahat sa labas. Lahat ng facilty, laboratory, lobby, basta lahat na sa loob ay makikita mo habang paakyat sa taas. Pag dating namin sa 34th floor, parang nahilo ako sa taas ng inakyatan namin. Grabe!
"Ma'am, dito po.." muling tugon niya kaya sumumod ulit ako. Hanggang sa maka rating kami sa double door na malaki. Pag bukas niya ng pinto, biglang nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Ang daming tao!! Isang malaking round table ang na sa gitna at may mga taong naka suit ang tie doon. P*cha anong ginagawa ko dito?!
"Ah! Finaly your here!" rinig kong saad ni Sean. Na sa pinaka dulo siya ng round table, Ang nag iisang malaking upu-an sa loob ng kwarto. Agad naman nag tinginan ang mga nand'on sa'kin. "Please join me, Iris!" tawag niya ulit kaya lumapit naman ako.
Ka pansin-pansin ang mga nagtitinginang mga mata na naka sunod sa akin habang papalapit ako kay Sean.
"What am i doing here, Sean?!" inis kong bulong sa kaniya.
"Uh.. Teka lang..." sambit nito sabay hinarap ang mga kasama niya.
"Sorry to keep you waiting, this is Iris... My uhm.. My niece-yes my niece!" sabi niya sa lahat.
"We didn't know you have a niece, Mr. Conland." rinig kong saad ng isa.
"Well uhm.. Ganiyan talaga ang buhay. Hindi lahat sasabihin na'tin-anyway let's get down to business!" biglang iba niya ng topic sabay lingon sa'kin.
"Hey, i want you to look inside every thoughts in this room." bulong niya kaya na pa kunot noo ako.
"What?! Say that again?! Every thoughts?"
"Yes! Every single one of them! Pag may mahalata kang kakaiba, just tell me okay?" (Sean)
"Paano ko naman masasabi na may kakaiba?"
BINABASA MO ANG
S P L I T (Completed)
Science FictionDahil sa kaniyang kakaibang kondisyon, si Tristan Conland ay hindi na pwedeng magkaroon ng normal na buhay. Inalagaan at pinalaki ng kaniyang over protective na tiyuhin, si Tristan ay inalyo sa ibang tao at iningatan sa hindi malaman na dahilan.