Chapter 34

233 32 30
                                    

"The reunion"






Iris POV



"Tris? C--Calm down.. J--Just calm yourself dow-"


"THEY TOOK HER!! NA DAMAY NA SIYA!! KINUHA NILA ANG ASAWA KO, IRIS!!!" (Tristan)

Pilit namin siyang kinakalma dahil nag wawala na si Tristan. Pinagsisira niya ang mga gamit, basag-basag na ang mga krystal na bintana, at sa sitwasiyon ngayon ay hindi ko alam kung paano namin siya aawatin. Pasalamat nalang kami dahil wala si yaya Jes dito ngayon pati yung anak ni Nora dahil pinadala sila kahapon sa Conland Manor.

"Kanina lang si Neo! Ngayon si P--Papa!! Bakit ganito?!! Bakit gusto talaga nilang sira-in ang BUHAY KOOOOO!!!!" (Tristan)

"Brad kalma! Brad!! Tama na!" (Juno)

"Kuya please!!!" (Julia)


Ilang sandali pa ay laking gulat namin nang lumapit si Brit sa kaniya at bigla siyang sinuntok!!! Oh my god!!

Bumulagta si Tristan sa sahig na agad niyang ikinagulat.

"Kumalma ka nga!! Hindi ka makapag-isip nang maayos kung ganiyan ka!" Sigaw sa kaniya ni Brit. "Look, you only have 24 hours to bring him that--that Exodus na sinasabi niya, ngayon mag isip ka kung paano!" dagdag niya Brit sabay hawak sa kamay niyang sinuntok kay Tristan. Siguro sumakit ito kaya na pa iling siya at tumalikod.

Na pa upo si Tristan at niyakap niya ang kaniyang sarili. Umiiling siya na parang nawawala nanaman siya sa wisyo. Doon na ako lumapit at kinausap siya. Kahit si Brit ay biglang lumapit din sa kaniya.

"Tsk! P*ta pre pasensiya na suntok kita!" (Brit)

"Tama si Brit.. Kumalma ka para mapag-ispan natin mabuti kung paano siya maibabalik." kalmado kong tugon.

Ilang sandali pa ay na pa tayo si Tristan at humugot ng buntong hininga.



"Okay okay...uhm--He mentioned about the old school.. Tsk!!" na pa hinto siya at tumingin sa'kin. "Anong old school?! Wala akong matandaan na old school, Ris! Tsk!" dagdag nito.

"Mamaya na 'yan, unahin muna natin kung paano mo mabibigay ang Exodus sa kaniya." hinawakan ko siya sa balikat at pinaharap talaga sa akin. "Tristan.. That's Caleb we're talking about! Caleb is literally Exodus!! Paano-"

"Ako na ang bahala diyan." biglang singit niya. Agad kumunot ang noo ko dahil hindi ko siya ma intindihan.

"Paano? But, teka... May sasabihin pa pala ako sa'yo."

"Ris, kung ano man 'yan, next time na! Marami pa akong-"

"It's about Subject 01!" biglang singit ko kaya na pa tigil siya.


I need to tell him! Alam kong hindi ko nasabi sa kanila noon 'to pero sa mga oras na'to, baka makakatulong pa ang impormasiyon na sasabihin ko.


"Ris? B--Bakit alam mo ang tungkol diyan?" Tulala niyang tanong.


Na pa atras ako at na pa sandal sa gilid nang sofa. Kahit si Juno gustong lumapit sa'kin pero sumenyas ako na h'wag muna.

"Ris?!" (Tristan)


"I--I was one of--of the subjects, Tristan." na uutal at takot kong saad. "I was subject 8415...." dagdag ko dahilan para mambilog ang mga mata ni Tristan.

S P L I T (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon